Carmina Villarroel's greatest fear for kids: "Iyong kinakawawa...inaapi sila"

by Rose Garcia
Feb 28, 2021
Carmina Villarroel hopes her kids Cassy and Mavy Legaspi will not experience pang-aapi while they're in showbiz. So far, the twins seem to be unperturbed when it comes to bashers.
PHOTO/S: Noel Orsal/ Nice Print Photo

"Bilang nanay, ayoko sana na ma-experience nila iyong inaapakan sila ng ibang tao, iyong kinakawawa sila or inaapi sila."

Ito ang sagot ni Carmina Villarroel nang tanungin tungkol sa ayaw niyang maranasan ng kambal na anak na sina Mavy at Cassy Legaspi, na parehong bahagi ng showbiz.

Dugtong ng aktres, “Pero, palagi ko namang sinasabi sa mga anak ko na always be kind.

“Maging respectful sa lahat ng tao and, like I’ve said, I’m proud to say sa mga anak ko na talagang mababait talaga. They’re very respectful so alam ko na magiging okay sila."

on bashing

Isa pang madalas na paalala ni Carmina sa mga anak ay tungkol sa bashing, na rampant sa social media.

Aniya, “...I always tell my kids, you cannot please everybody. Meron at merong maiinis sa inyo. Meron at merong mamba-bash sa inyo.”

Mabuti na lang at hindi madaling maapektuhan ang kambal, pero gayunpaman, nagbibigay pa rin ng advice si Carmina.

Continue reading below ↓

“I’m always thankful kasi iyong mga kids ko, especially in social media like with their personal accounts, meron talagang ibang bashers na sabi ko nga, hindi puwedeng mawala iyan.

“Sabi ko nga, kahit na iyong pinaka-Santa or kahit si Jesus Christ nga, may galit sa kanya or si Mama Mary merong may galit sa kanila.

“Ano pa kaya tayo na human beings lang, di ba? Pero, buti na lang sila, they don’t care. They don’t care as long as wala silang inaapakang tao. They’re just minding their own business, okay sila.

“Hindi sila affected kapag sila ang bina-bash. Affected lang sila kapag kami ang bina-bash. I think ganun naman yata. Kapag sarili natin, sige, laitin niyo ko, I don’t care.

“Pero kapag mga anak ko na, si Zoren [Legaspi, husband] na, ay teka muna. Ganun din pala sila. Pero kami, okay lang, alam naman naming ang totoo.”

giving support

Bukas daw kasi ang komunikasyon nilang pamilya kaya maganda ang support system ng bawat isa.

Continue reading below ↓

“Ang maganda lang, we’re very open, we talk about things. Kaya ayon, iyon lang sana kung puwede. So in the future, kung mangyari man sa kanila, I know they’re tough kids and alam nila kung ano ang mga things na dapat mag-matter at things na hindi dapat mag-matter.”

carmina's past bashing

May nang-apak din pala sa kanya noon?

“Siyempre… di ba? Well, hindi naman nang-apak din. Ako naman kasi, hindi rin naman ako nagtatanim din.

“At saka, ang palagi sa akin, nasa akin ang huling halakhak. Kumbaga, ganun. Kasi, up to now, I’ve been in this industry half of my life and up to now, I’m still here.

“I may not be a Superstar, I may not be a Megastar, but I’m still here, acting, doing what I love to do.

“And I want to believe that I’m doing good in my craft that’s why siguro, nandito pa rin ako.”

Continue reading below ↓

Ang naaalala ni Carmina na isa sa panlalait sa kanya ay noong nilunsad sila nina Ruffa Gutierrez at Aiko Melendez sa movie na 13,14,15. Sinabihan raw siya noon na “poor third.”

“Kung sino man ang nanlait sa akin in the past, well, they say that I’m the poor third. Kasi, naalala ko dati, noong nilo-launch pa lang kami, palaging sinasabi, poor third…

“Sige, ako, I’ll just gonna do my things. Ipapakita ko sa mga tao na okay ako, I can deliver.”

Dugtong pa niya, “Ang sa akin, I’m still here. I can deliver.”

Nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmina sa isang Zoom media conference noong February 16, 2021, para sa Babawiin Ko Ang Lahat, kung bida-kontrabida ang role ng 45-year-old star.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carmina Villarroel hopes her kids Cassy and Mavy Legaspi will not experience pang-aapi while they're in showbiz. So far, the twins seem to be unperturbed when it comes to bashers.
PHOTO/S: Noel Orsal/ Nice Print Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results