Vin Abrenica describes fatherhood as "most rewarding" although "naduduling na ako"

by Melba R. Llanera
Mar 22, 2021
Vin Abrenica sees to it that his baby girl gets her daily dose of Vitamin D. He describes fatherhood as "sobrang nakakapagod...sobrang sarap."
PHOTO/S: @vinabrenica on Instagram

Halos isang linggo pa lang ang lumilipas nang ipanganak ni Sophie Albert ang baby girl nila ng fiancé na si Vin Abrenica noong March 15, 2021.

Sa virtual media conference ng pelikulang Nelia nung March 19, nagkuwento si Vin sa mga bagong karanasan na pinagdadaanan niya ngayon bilang new dad.

Aniya, ”Actualy, medyo sanay na ako kasi mayroon akong mga younger siblings na ako ang nagpalit ng diapers.

“About sa puyat, it's been five days of no sleep. First two days, di talaga kaya, naduduling na ako..."

Pero iba raw ang pakiramdam na baby niya mismo ang inaalagaan.

"...Feeling ko kasi kahit sobrang nakakapagod, it's the most rewarding na every second sinusulit ko kasi sobrang sarap lang.

“Ako nasasarapan ako every moment now of my life.”

Aminado si Vin na mas hawig ni Sophie ang kanilang anak, at dagdag pa niya ay issue sa kanila ang pagiging spoiler niya sa kanilang baby.

Continue reading below ↓

Kuwento ng Kapamilya actor, “Hawig niya, mas kanya. Baby girl so hawig na hawig sa kanya.

"Spoiler? Oo, ngayon pa lang nag-aaway na kami about that."

VIN's REALIZATIONS AS A NEW DAD

Sa ngayon ay di pa nila nire-reveal ni Sophie ang pangalan ng kanilang baby girl, pero aminado ang aktor na ang pagdating ng anak sa kanilang buhay ay mas nagpalalim ng pagmamahal nila sa isa't-isa.

Lahad ni Vin, ”In our eight years of relationship namin na matagal na as boyfriend and girlfriend, ngayon, it's so nice lang na magkaroon kami ng baby na bagong growth na naman for us.

“Every day minamahal namin yung bata, every day we love each other more. Nakita ko how she takes care of the baby, which is sobrang kilig din for me.

"I don't know, I don't know pa, e, it's just the first five days pa lang. What I can say is we're loving each other more."

Continue reading below ↓

At ngayong na tatay na siya, higit sa lahat ay mas na-appreciate niya ang pagmamahal at sakripisyo ng mga magulang nila ng kapatid niyang aktor rin, si Aljur Abrenica.

Pagmumuni niya, ”Nabago ang perspective ko sa buhay, in general.

A lot of realizations slip in.

“Usually ang iniisip lang natin ay ang mga sarili natin. That moment, ang iniisip ko na I'm not living my life for myself, I'm living my life for her, for my daughter.

“Sobrang saludo ako, lalo kong minahal mga parents ko, my mom, my dad.

“Sa lahat ng mga magulang, nag-iba ang pagtingin ko talaga kasi hindi biro talaga ang maging isang magulang.

“Pero one thing I can say for sure, it's the most fulfilling talaga."

Tungkol naman sa pagpapakasal nila ni Sophie, may timetable na ba sila?

Sagot ni Vin, ”Maybe I can share probably this year or next year yung kasal. Engagement was done in Batangas. Yun na lang muna."

Continue reading below ↓

Nag-propose si Vin kay Sophie noong December 2020. In-announce nila ang engagement nitong Pebrero 2021, na siya ring buwan kung kelan nila inaming buntis si Sophie.

EXCITED ABOUT NEW MOVIE, BUT CAUTIOUS ON THE SET

Bukod sa excitement ng pagiging isang bagong ama, isa rin sa nagbibigay ng kasiyahan ngayon kay Vin ay ang pelikulang Nelia kung saan ang karakter niyang si Jeff ay isang nurse.

Masayang pahayag nito, ”I'm so excited kasi when I was in Pampanga naging first course ko nursing for two years and a half.

“When I went to Manila, nag-change na ako ng course kasi they don't wanna credit my subjects. At least kahit papano maa-apply ko ang mga practices ko.

“I’m so excited to work with everybody kasi almost all di ko pa nakakatrabaho at ang gagaling ng makakasama ko. Super, super excited."

Gawa ng A & Q Productions Film Inc, ang pelikulang Nelia ay pagbibidahan rin ni Winwyn Marquez, kasama sila Raymond Bagatsing, Lloyd Samartino, Ali Forbes, at Dexter Doria.

Continue reading below ↓

At dahil nga may bagong silang na sanggol si Vin ay humingi na rin ito ng dispensa sa mga kasama nito sa set ng Nelia.

Medyo iiwas muna nga raw si Vin sa mga kuwentuhan para na rin sa proteksiyon ng anak.

Dispensa ng aktor, "Now I'm actually very jolly, bubbly talaga ako, pero ngayon maaga pa lang I apologize na sa set.

“I’m gonna be extra, extra protective kasi consider na kasi as super high risk kasi I have a newborn. I'm gonna be active in chat pero siguro not sa chika."

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vin Abrenica sees to it that his baby girl gets her daily dose of Vitamin D. He describes fatherhood as "sobrang nakakapagod...sobrang sarap."
PHOTO/S: @vinabrenica on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results