Jake Ejercito reveals meeting daughter Ellie's family in Siargao

by Melba R. Llanera
Apr 22, 2021
Jake Ejercito finds a tour guide in his daughter Ellie during his four-day stay in Siargao in March 2021.
PHOTO/S: @unoemilio on Instagram

Sa loob ng ilang araw, naranasan ni Jake Ejercito ang island life ng anak na si Ellie Eigenmann sa Siargao.

Sa panayam ng Cinema News At Home Edition noong April 16, 2021 via Zoom, masayang ikinuwento ng aktor ang naging bonding nilang mag-ama.

"Actually what happened was, si Ellie was in Siargao, with her mom, with Andi. And then wala naman, hindi naman siya vacation trip. Actually more on daddy duty siya kasi I went there just to pick her up."

Ayon kay Jake, si Andi Eigenmann ang nakiusap na sunduin niya si Ellie.

Aniya, "Kasi nga considering si Andi may bagong baby, she has Lilo also, mahihirapan siya kung siya pa ang magdadala dito kay Ellie. Nakiusap sa akin si Andi kung puwede ko sunduin si Ellie and that's what I did."

Dahil first time niya sa Siargao, buong pagmamalaki si Jake na si Ellie ang kanyang naging tour guide.

Continue reading below ↓

"Basically I was there for four days and three nights. Ayon nga, what's wonderful about it was naging parang tour guide ko si Ellie. Basically parang local na siya doon, parang local na siya, and ako, first timer ako, so si Ellie ang nag-ikot sa akin.

"I asked her to show me kung saan siya nagpupunta every day, kung saan siya naglalaro, kung saan siya kumakain, so iyon ang mga inikot namin while I was there."

Nakapag-surf ba si Jake sa Siargao, na tinaguriang Surfing Capital of the Philippines?

"Hindi nga, e, kasi walang time. Pero ako kasi, hindi ako marunong mag-surf, naunahan pa ako ni Ellie. Siguro sa next visit ko na lang puwede akong magpaturo sa kanya."

Dito rin unang na-meet at nakilala ni Jake nang personal si Philmar Alipayo, ang partner ni Andi.

"Si Lilo na-meet ko na dito sa Manila, and then the youngest si Koa, I met there in Siargao and also si Philmar. It was also first time na I met him when I was there."

Continue reading below ↓

JAKE EJERCITO ON CO-PARENTING WITH ANDI EIGENMANN

Sa ngayon ay masaya si Jake na maayos na ang co-parenting relationship nila ni Andi.

Bago nag-pandemya, ang set-up ng dating couple ay: "20 days" si Ellie sa piling ng kanyang ina; the remaining days ay sa kanyang ama. Ito ay ayon sa panayam ni Andi sa Tonight with Boy Abunda noong 2018.

Nung nagkaroon ng quarantine noong taong March 2020, halos tatlong buwan na hindi nagkita sina Andi at Ellie dahil sa flight restrictions. Pero nagkasama sila sa Manila simula June 2020, habang inaantay ni Andi ang kanyang panganaganak sa third baby.

Nakasama rin si Ellie sa pag-uwi ni Andi sa Siargao noong March 2021.

Ayon kay Jake, mas masaya ang anak sa mas magandang samahan nila ni Andi ngayon.

Dati kasi, ramdam raw niya na apektado si Ellie sa mga naging isyu nila.

Kuwento ni Jake, "I really don't ask Ellie about it, parang nao-observe ko lang sa kanya kasi siyempre Andi and I, iyong relationship naman namin when it comes to co-parenting, hindi naman naging smooth lagi and hindi naman siya naging smooth ever since.

Continue reading below ↓

"Marami kaming pinagdaanan na phases.

"Siyempre before, immature pa kami and everything. So medyo malayo din ang nilakbay bago naging ganito ka-settle and smooth.

"And I don't ask Ellie about it pero nakikita ko lang sa kanya dati, may times na kapag magulo, siyempre nakikita ko kay Ellie na nahihirapan din siya.

"And what's good about now is parang kasi ang priority namin is what's good for Ellie. Iyon ang motivation namin, si Ellie.

"Nakikita ko sa kanya na hindi na siya nahihirapan, smooth lahat, okay ang communication."

JAKE EJERCITO ON FATHERHOOD

Maganda ang feedback at comments ng netizens sa magandang samahan nina Jake at Ellie bilang mag-ama.

Pero para kay Jake, ginagawa lang niya ang kanyang responsibilidad bilang ama.

Aniya, "Whenever I see the comments, it's flattering and humbling. But at the same time kasi parang I just wanna be the best Dad for Ellie, so I don't see anything special about it.

Continue reading below ↓

"Especially in my case, considering na hindi ko siya laging kasama, so every time na I'm with her, I make it a point na sulutin iyong opportunities na iyon. I make the most out of it."

Ten years old na si Ellie sa darating na November 23, at kuwento ni Jake ay inaayawan na nito ang kanyang term of endearment ng "Princess."

Sabi ni Jake, "Sa totoo lang she hates it, parang recently ayaw na niya na tinatawag ko siyang 'Princess.' Recently siguro she's turning ten so medyo nagma-mature na, she's not a baby. She's not quite a teenager, pero alam mo iyong nandun na siya sa stage na iyon na ayaw na niyang binebaby-baby siya."

Nakikita ba niya ang sarili niya kay Ellie?

"One of our similarities is we're both very, very shy. I guess si Andi din naman, e, medyo mahiyain rin si Andi. Si Ellie isn't that expressive, pero like once in a while, like out of nowhere, mag-'I love you, Dad,' mag 'Thank you, Dad.'

Continue reading below ↓

"Iyon na iyon for her, and more than enough na iyon for me when I hear those words from her."

HOT STORIES

Use these BeautyMnl promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Ejercito finds a tour guide in his daughter Ellie during his four-day stay in Siargao in March 2021.
PHOTO/S: @unoemilio on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results