Jhong Hilario happily takes on daddy duties

by Jojo Gabinete
Apr 28, 2021
Jhong Hilario with daughter Sarina Oceania, the "pinakamakapagpapakumpleto sa buhay ko."
PHOTO/S: @jhonghilario on Instagram

Muling nagpakita sa telebisyon si Jhong Hilario.

Ito ay matapos niyang magpaalam sa It's Showtime at sa Your Face Sounds Familiar, kung saan isa siya sa mga contenders.

Sa virtual guesting niya sa live episode ng Magandang Buhay ngayong Miyerkules ng umaga, April 28, 2021, matunog na "Popshie" na ang tawag ng hosts na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal kayJhong dahil ganap na ang pagiging ama nito.

Bakas sa mukha ni Jhong ang kaligayahan dahil sa kanyang baby girl na si Sarina Oceania, na isinilang ng partner niya na si Maia Azores noong March 27, 2021.

Aniya, "Walang tulog pero masaya. Sobrang nakakatuwa na meron na akong baby.

"Nakakapanibago pero okay lang. Sabi ko, darating at darating ako diyan, pero siguro, at the age of 44, natural lang na maging tatay na talaga ako.”

May paliwanag ang dancer/host-actor tungkol sa napili nila ni Maia na pangalan para sa kanilang anak.

Continue reading below ↓

"Sarina, galing iyan sa Hebrew name na ibig sabihin ay Princess. Ang second name niya is Oceania kasi mahilig kami sa dagat, and nung buntis si Maia, nasa beach kami, nag-swimming kami, so naisipan namin, Princess of the Ocean, kaya Oceania, Sarina Oceania.”

JHONG'S DADDY DUTIES

Nagkuwento rin si Jhong tungkol sa mga nakatoka sa kanya na daddy duties.

Siya raw ang maagang gumigising para mapaarawan at mapaliguan ang anak.

"Kailangan kong gumising ng 6:30 ng umaga para mapaarawan si Sarina 'tapos yung pagligo, ako ang nagpapaligo sa kanya, and, siyempre, palitan din kami sa pagpapalit ng diapers, pagpapalit ng damit.

"Actually, nung umpisa talaga ,sobrang natakot ako [na magpaligo], pero kailangan kong lakasan ang loob ko kasi wala naman ibang gagawa nun.

"Siyempre, si Maia, medyo bagong operada rin, CS [caesarian section] siya so medyo hindi pa masyadong makagalaw.

"Kailangan ako kasi wala rin naman kaming kasambahay ngayon."

Nagtagumpay si Jhong bilang dancer, aktor, at television host. Naninilbihan siya ngayon bilang councilor sa first district ng Makati. Pero ang pagiging ama ang itinuturing niyang nagpakumpleto sa kanyang buhay.

Continue reading below ↓

"Sabi ko nga, kahit papaano, naging successful tayo sa pagiging Streetboys, naging successful tayo sa pagiging actor dahil nakakuha tayo ng mga award, naging regular tayo sa Showtime bilang host, and, eto, marami akong naipapasa na ordinansa at mga batas sa Makati.

"Pero ang sabi ko, ang pinakamakapagpapakumpleto sa buhay ko, e, yung maging tatay."

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jhong Hilario with daughter Sarina Oceania, the "pinakamakapagpapakumpleto sa buhay ko."
PHOTO/S: @jhonghilario on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results