Jhong Hilario says his baby girl shows promise as future "sample princess"

by Melba R. Llanera
5 days ago
Jhong Hilario and his dog Paris enjoy looking at Baby Sarina Oceania: "Ang ganda-ganda ng anak ko, sobrang healthy."
PHOTO/S: @jhonghilario on Instagram

Sinimulan na ni Jhong Hilario ang paggamit sa hashtag na "Sample Princess" sa tuwing may post ito tungkol sa kanyang baby girl sa Instagram.

Hango ito sa moniker niyang "Sample King" sa It's Showtime, kung saan nagpapakitang-gilas siya sa talento sa pagsayaw tuwing sumisigaw ang audience ng, "Sample! Sample!"

Mukhang magkakahilig din sa pagsasayaw ang anak. At tuwing umiiyak raw ito, tumatahan kapag hinehele o sinasayaw na ng ama.

Ang natatawang kuwento ni Jhong sa CinemaNews At Home edition via zoom nung nakaraang April 23, 2021.

"Sa recent post sa IG, makikita mo talaga na pag sinabi mong, Sarina smile for Daddy, 'natiyempo talaga nag-smile siya.'

"Sabi ko baka tsamba, kapag naririnig niya ang boses ko. Nagseselos nga si Maia, di nag-smile sa kanya, bihira. Pag ako nakikipag-usap, nag-i-smile, sobrang laki.

"Pag minsan na umiiyak, kailangang buhatin, kinakantahan ko, tumatahimik, kumakanta ako ng ibang songs.

"Minsan may time na umiiyak, sinasayawan ko naman, tumatahimik naman.

Continue reading below ↓

"Feeling ko mahilig sa music ang batang ito. Feeling ko magkakasundo kami nito pagdating sa talent."

It may be too early to tell. Ipinanganak ng partner ni Jhong na si Maia Azores si Sarina Oceania nung March 27, 2021, kaya more than a month old pa lang ang baby.

Pero tila siguradong-sigurado si Jhong na mahihilig din ang anak sa pagsasayaw.

Habang nakatawa, aniya, "Hindi puwèdeng di marumong magsayaw itong bata na ito. Naniniwala ako na walang tao na walang talent. Walang tao na kaliwa ang paa.

"Natututunan lahat iyan. Kung talagang gusto mo, matututunan mo."

Bukod sa pagsasayaw, mukhang mahilig din sa tubig ang newborn ng Kapamilya star, kaya bagay na bagay ang pangalang ibinigay sa baby.

"Sarina, it's a Hebrew name. It means Princess. Yung second name niya is Oceania means ocean. Princess of the ocean kasi mahilig kami sa sea.

"Feeling ko mahilig din siya sa tubig. Kapag pinapaliguan ko siya, kapag nalligo talagang umiiyak, pero pag ginanun ko ng tubig na maligamgam, tumatahan. Gusto niya binababad siya sa tubig, di siya umiiyak. Feeling ko mahilig siya sa tubig."

Continue reading below ↓

JHONG'S DADDY DUTIES

Speaking of pagpapaligo, isa iyan sa mga nakatokang duty ni Jhong habang wala silang yaya at nasa recovery period pa si Maia.

"Kailangan talagang matuto, dalawa lang kami. Wala kaming kasambahay, kami lang dalawa. Minsan pumupunta Mommy dito para at least makatulog kami."

Paano ang hatian nila ng parenting load?

"Sa pagpapaaraw, kailangan kong gumising ng 7 or 6:30 a.m. para magpaaraw.

"Pagdating sa pagpapa-burp, kung sino ang may gusto kasi pareho kaming excited kay Sarina. Salitan kami kung kanino natiyempuhan, pati sa pagpapalit ng diaper.

"Kung sino ang nakahawak sa kanya at the same time nagpu-poo or wiwi. Kailangan naming palitan, salitan kami. Masaya, puyat, pero masaya na puyat.

"Minsan tayo pag artista, pag taping, puyat tayo, medyo ang sama ng gising. Eto alam mong puyat ka, pero ang sarap ng feeling. Nakakawala ng pagod."

Kung ano raw yung naramdaman niya nung una niyang nakita ang kanyang baby, ganun pa rin ang pakiramdam niya hanggang ngayon.

Continue reading below ↓

"Wow heaven! Sobrang na-overhelm sa pagkakita sa kanya. Ang ganda-ganda ng anak ko, sobrang healthy.

"Pinakaimportante safe silang dalawa, yun ang pinag-pray natin.

"Nung hinawakan ko siya, I love her, I love her so much.

"Sabi ko, I will do my best for my baby and my family."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jhong Hilario and his dog Paris enjoy looking at Baby Sarina Oceania: "Ang ganda-ganda ng anak ko, sobrang healthy."
PHOTO/S: @jhonghilario on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results