The reasons Xia Vigor replies to fans on social media whenever she can

by Rose Garcia
May 15, 2021
Here are some of Xia Vigor's reply to her fans on Instagram.
PHOTO/S: @xiabernardo on Instagram

Masugid si Xia Vigor na makipag-usap sa fans.

Kapansin-pansin na sa mga social-media accounts nito, may sagot siya sa mga tagahangang nagkokomento sa mga posts niya.

Ang nakangiting kuwento ng child star sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng Zoom noong May 6, 2021, “Kasi po dati po, naging fan girl din po ako. Kay Selena Gomez po. Nilagay niya rin ako sa IG Story niya kaya sobra po akong natuwa noon."

Continue reading below ↓

Oktubre 2019 nangyari ang ultimate fangirling moment ni Xia bilang isang Selenator, ang tawag sa mga fans ng American singer. At magmula noon, ginawa niyang platform ang social media para magbigay-inspirasyon din sa mga fans niya.

Sa pagpapatuloy ng 11-year-old actress, "...sobra rin po akong na-inspire na mag-post pa at gumawa ng ilang bagay para makatulong din po sa community.

"Kaya naisip ko rin po na iyong mga taong nagpo-post po sa akin na kung rereplayan ko rin po sila, mas mai-inspire rin po sila sa schooling nila or sa buhay po nila para maabot din po nila ang mga pangarap nila.

“Iyong simple pong mag-reply, maliit na bagay lang naman po iyon para matuwa at ma-inspire sila kaya tinitiyagaan ko po talaga."

XIA'S GIFTS FOR MOM

Bilang anak, malapit si Xia sa kanyang ina na si Christy Bernardo. Paano niya ito binati noong Mother's Day?

"Sinu-surprise ko po si Mommy every time na Mother’s Day. May sarili po kasi akong ipon na pera. Kaya po kapag nagpupunta siya sa mall, sumasabay na po ako.

Continue reading below ↓

“Kapag hindi po siya nakatingin, bumibili po ako ng mga damit na gusto niya o kaya naman po minsan, ginagawan ko po siya ng mga cards.

"Appreciative naman po si Mommy kaya kahit anong iregalo ko sa kanya, natutuwa naman po siya.

“Pero siyempre po, gusto ko pa rin pong mag-effort para sa kanya kasi, ang dami niya pong hard work para sa akin at gusto ko rin pong ibalik iyon sa kanya.”

Dati raw, may salon ang mommy niya sa England, pero sinara ito nung nagdesisyong samahan si Xia sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

Malaki ang pasasalamat ng bata sa ina.

Ayon kay Xia, “Siyempre po, sobra akong thankful na naging daughter niya. Feeling ko po, ang mga nanay natin, ipinadala sila ni God para maging angel natin. Para i-inspire kami, i-guide kami, and natutuwa rin po ako sa mommy ko kasi, palagi siyang nandiyan para i-guide ako sa mga pangarap ko. Palagi rin po siyang naka-support.

“At sana po ay alam niya kung paano ko siya naa-appreciate. At sa ibang nanay rin po, salamat po sa inyo dahil inaalagaan niyo po ang next generation na magmamana ng earth.

“Salamat po sa pagtitiyaga niyo sa mga anak niyo kahit na iyong iba, makukulit ang mga anak.”

At dahil walang mall sa Mindoro, kung saan nakabase si Xia habang may pandemya, ang naisip na sorpresa si Xia para sa mommy niya ay "pusit po."

Continue reading below ↓

Dahil paborito ito ng kanyang mommy, "huhulihan ko po siya ng pusit at iluluto ko po."

Sa murang edad ni Xia ay "marunong" na siyang magluto ng adobong pusit.

At dahil wala ring flower shop, pumitas na lang siya ng "wild flowers" na nakikita nilang magkapatid tuwing nagba-bike sila.

Xia with Mommy Christy and Kuya Liam

Continue reading below ↓

May card rin daw siyang ginawa.

"Every Mother’s Day naman po, ginagawan ko talaga siya ng card," pagtatapos ng Filipina-British child actress.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Here are some of Xia Vigor's reply to her fans on Instagram.
PHOTO/S: @xiabernardo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results