Meryll Soriano reveals journey as second-time mom is "mas masaya"

by Melba R. Llanera
May 16, 2021
Meryll Soriano exudes the glow of a happy, contented mom as she dutifully raises her five-month-old baby boy with the help of her boyfriend Joem Bascon (foreground): "I'm enjoying motherhood again. I'm blessed to experience this again. Naninibago pero excited. And more than the fears, masyado akong excited."
PHOTO/S: @planetumiboshi on Instagram

Kitang-kita kay Meryll Soriano ang glow at kaligayahan ng pagiging isang ina sa pangalawang pagkakataon.

Magpa-five months na baby nila ni Joem Bascon.

Matatandaang January 1, 2021 nila ipinakilala ang baby at inanunsiyo ang kanilang relasyon.

Simula noon, nagmistulang family diary ang Instagram feed ng aktres.

At sa ekslusibong panayam ni Bianca Gonzalez kay Meryll sa Cinema News At Home edition nung nakaraang May 8, masayang ibinahagi ni Meryll ang journey niya bilang isang ina.

Continue reading below ↓

MERYLL ON BEING A MOTHER AGAIN

Masaya niyang kuwento, "I'm enjoying motherhood again. I'm blessed to experience this again. Naninibago pero excited and more than the fears, masyado akong excited. Alam mo yung amoy ng baby thirteen years ago? Excited ako sa lahat ng changes sa katawan ko."

In-acknowledge niya ang presence ni Joem sa kanyang buhay.

"Mas masaya ako, masaya na may kasamang nag-aalaga sa inyo.

"Nandiyan si Joem. Ngayon, may partner ako, at nabiyayaan ng time. Kasi pandemic, kaming dalawa lang ang nag-aalaga sa baby namin. Napakagandang blessing kahit mahirap."

Continue reading below ↓

Matatandaang ang unang pagbubuntis ni Meryll ay nangyari taong 2007.

Nagdadalantao siya nung naghiwalay sila ni Bernard Palanca, ang daddy ng kanyang panganay na si Elijah, in January of that year.

Nagpakasal sina Bernard at Meryll sa huwes noong September 8, 2006

JOEM A HANDS-ON DAD

Proud na kinuwento ni Meryll kung gaano ka hands-on bilang isang ama si Joem, at natutuwa siya dahil nakikita niya kung gaano rin nito ine-enjoy ang kanyang dady duties.

Saad niya, "Napakabuting tao ni Joem. I'm just so happy na siya ang kasama ko sa journey na ito, ng parenthood again.

"Napakabuti niyang tatay. Aliw na aliw siya sa lahat, natatakot sa small things, tatanungin ako, 'Okay lang ba, Mahal?'"

"Super tuwang-tuwang siya sa pagiging tatay. Super tuwa din ako pag nakikita ko na happy siya. Kaming dalawa lang talaga. Siya gusto niya in-charge siya sa diaper. Puyat kami, pero masayang puyat.

"Importante yun para sa akin. Naging blessing na bawal ang lumabas, bawal makipagkita. Talagang wala kaming choice but to be hands-on."

Continue reading below ↓

Ayon din sa aktres, naging madali sa kanya ang pagbubuntis at pagkakaroon ng anak sa tulong at suporta ng kasintahan.

"Nakakatuwa, grabe ang alaga sa akin at sa baby. Grabe ang pasasalamat ko, hindi ako nahirapan. Lahat ng kailangan ko—emotionally, physically, lahat yun. Okay ang parenting namin and sa akin, personally," pagpapasalamat niya.

Continue reading below ↓

MERYLL'S YOUTUBE CHANNEL

Nag-taping na si Meryll para sa Maalaala Mo Kaya na siyang kauna-unahan niyang proyekto pagkatapos manganak.

Pero bukod dito ay pinagkakaabalahan rin ni Meryl ang YouTube channel niyang may titulong Dear Mama Meme.

Pag-amin ni Meryll, "Matagal ko nang gustong magkaroon ng YouTube channel. Kalokohan lang. 'Dear Mama Meme, I'm broke and all that.'

"Ngayon, nanganak ako ulit, naging mother the second time around. Nagkaroon ng purpose.

"Gusto ko yung idea na Dear Mama Meme. I want to build a community with mothers, lahat ng nag-aalaga—tita, tatay, mga nag-ampon.

"Sana makatulong ako sa information. Ngayon, nasa Instagram TV series ako. I'll be on YouTube very soon. Hindi pala kasya ang time sa platform ng Instagram, so better na may YouTube."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meryll Soriano exudes the glow of a happy, contented mom as she dutifully raises her five-month-old baby boy with the help of her boyfriend Joem Bascon (foreground): "I'm enjoying motherhood again. I'm blessed to experience this again. Naninibago pero excited. And more than the fears, masyado akong excited."
PHOTO/S: @planetumiboshi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results