LJ Reyes admits low lockdown moments: "Ubos na ubos ka na, pero iiyak mo na lang sa banyo"

by Rose Garcia
May 21, 2021
LJ Reyes sees moms as the family's source of strength. She says, “Kasi ngayon, kahit gaano kahirap, kahit ikaw mismo, hirap na hirap ka na, sa panahon ngayon, parang sa iyo pa rin sila huhugot ng lakas."
PHOTO/S: @lj_reyes on Instagram

Aminado si LJ Reyes na hindi madaling maging nanay ngayong pandemya.

Sa mediacon na inihanda ng GMA Artist Center noong Mothers' Day, sumang-ayon si LJ sa sinabi ni Chynna Ortaleza na parehong super strong at super vulnerable sila para sa pamilya.

At kahit may mga pagkakataong pagod o pinanghihinaan ng loob, kailangang mas maipakita yung pagiging strong.

Ang sabi ni LJ, “...apart from realizing that we’re only human, iyong beautiful and strong feature natin, at the same time, na-realize ko na ikaw talaga ang core ng pamilya mo at lalo na ng mga anak mo."

May dalawang anak ang StarStruck alumna—si Aki, ang panganay niya with ex-boyfriend Paulo Avelino; si Summer, ang anak niya sa partner na si Paolo Contis.

Sa pagpapatuloy ni LJ, “Kasi ngayon, kahit gaano kahirap, kahit ikaw mismo, hirap na hirap ka na, sa panahon ngayon, parang sa iyo pa rin sila huhugot ng lakas.

"Iyong parang ubos na ubos ka na, pero iiyak mo na lang sa banyo.

Continue reading below ↓

"'Tapos iyong minsan, hindi mo alam, nanonood ka lang naman ng TV, pero grabe iyong iyak mo.

"Sabi sa akin ni Pao, ‘okay ka lang?’ Okay lang naman ako, pero kasi, hindi naman nakakaiyak iyong palabas.

"Pero kailangan mo kasing maging strong para sa buong pamilya mo."

Pero ang mga luha ay form of release, not a sign of weakness, para kay LJ.

"It’s a very difficult time, pero, gusto mo ba na iba ang core ng pamilya mo? Siyempre hindi, di ba?

"You would love to take the job anytime. I mean, hindi naman natin gugustuhin na sa iba sila kumuha ng strength. Gusto natin na tayo iyon, tayo ang core nila.

"So I see it as a beauty and strength natin bilang mga babae ngayong panahon na ito that also, they’re also our source of strength. Napakaganda kung paano ginawa ng Diyos ang pagiging interdependability natin sa isa’t-isa."

Continue reading below ↓

Up to now daw ay sa mommy pa rin niya tumaktakbo si LJ sa tuwing may bumabagabag sa kanya.

Pag-amin niiya, “Actually ako, kahit ako na kapag may mga problema ako, meron akong mga iniisip, may mga nagba-bother sa akin, nanay ko pa rin ang pinagsasabihan ko.

"Iyong nanay ko, siyempre, wala na siyang nanay dahil wala na ang lola ko, ngayon, nakaka-usap na rin niya ko bilang isang nanay rin.

“It’s just really the beauty of it, being a woman and the core of your family.”

Continue reading below ↓

LJ GRATEFUL FOR HAVING "KATUWANG"

Ramdam rin naman ni LJ ang mga sakripisyo na ginagawa ni Paolo para sa kanilang pamilya.

Aniya, “Ako naman, grabe iyong pasasalamat ko kay Pao na siya talaga ang nagsa-sacrifice.

"Kasi siyempre, ano ba iyong trabaho namin? Na-realize ko na he would shield us from anything.

“Palagi niyang sinasabi sa akin na, 'Okay lang, huwag kang lumabas, ako na.'

"As in, noong umpisa ng pandemic, hindi niya ko pinaggo-grocery. Kasi ang point niya, hindi natin sure pa kung saan ba nakukuha.

“So ayaw niya kong mag-grocery kasi, ayaw niya na ma-expose ako sa labas, e, ako iyong laging hinahanap ng mga bata, sa akin palaging dikit ang mga bata.

“As in ayon, hindi siya naggo-grocery, ha, kaya parang ako, hala! Hahaha! Anong nangyayari?

"'Tapos noong slowly nagbabalik na nga sa work, sabi niya, 'You can stay at home.'

"You have a choice at iyong choice na iyon, importante iyon sa ating mga babae. Sobrang importante iyon na meron kang choice.

Continue reading below ↓

“At feeling ko iyon din ang nawala sa akin before. Ngayon, parang sobrang na appreciate ko na, 'Uy, meron akong katuwang.'

"At saka, hindi ka na parang walang choice na kailangan kong i-risk ang sarili ko 'tapos iisipin ko ang mga bata. Mahirap, e, mahirap talaga.

“Mahirap na nga to begin with na maging nanay 'tapos isasabay mo pa, magpo-provide ka pa rin. Sobrang na-appreciate ko kay Pao iyon, talagang sini-shield niya kami."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
LJ Reyes sees moms as the family's source of strength. She says, “Kasi ngayon, kahit gaano kahirap, kahit ikaw mismo, hirap na hirap ka na, sa panahon ngayon, parang sa iyo pa rin sila huhugot ng lakas."
PHOTO/S: @lj_reyes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results