Luane Dy recounts difficult pregnancy: "Wala pa ang pandemic, naka-lockdown na ako"

by Rose Garcia
May 25, 2021
Luane Dy calls her son Jose Christiano a "miracle baby."
PHOTO/S: @luziady on Instagram

Mas maaga ang naging lockdown ni Luane Dy last year.

Marso 2020 nang isailalim ang buong Luzon sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), na nilimitahan ang galaw ng tao para maagapan ang pagkalat ng COVID-19.

Pero bago pa noon, naka-bed rest na ang Unang Hirit host dahil sa maselan niyang pagbubuntis.

Ang kuwento niya, “Iyong struggle ng pagiging nanay during this pandemic, nauna pa ako sa lockdown actually.

"Wala pa ang pandemic, naka-lockdown na ko. Parang kalahati yata ng pregnancy ko, naka-bed rest ako, e, so wala talaga."

Meron siyang PCOS (Polycystic Ovary Syndrome), isang hormone disorder, na ayon sa WhatToExpect.com, "raises the risk of certain pregnancy complications."

Sa kaso ni Luanne, ang dami raw niyang sakit na naranasan.

"The bleeding, bed rest, hemorrhages, iyong gestational diabetes, high blood. Nagkaroon pa ng hypertension 'tapos, pandemic.

“Bilang high risk ako, may condition kasi ako, PCOS ako. So itong pagbubuntis kong ito, miracle talaga siya."

Continue reading below ↓

Ang masaklap, May 2020 siya nanganak through emergency CS (Caesarean Section). Second month iyon ng ECQ kaya mahigpit ang pagpapapasok ng mga hindi pasyente sa ospital.

Sa pagpapatuloy ni Luane, "Hindi ako puwede na kagaya ng ibang mommy na nag-home birth, kasi high risk ako. Kailangan talaga siya sa hospital kasi, time is very essential.

Continue reading below ↓

"At ayon na nga, na-emergency CS ako. Iyong struggle na manganak kang mag-isa, 24 hours pa lang, pinalalayas ka na sa hospital.

"Lahat ng pain killers mo, oral na lang. Day, gusto kong iuwi iyong IV!"

Mabuti na lang at wala siya gaanong stress matapos niyang manganak, thanks to her supportive husband, Carlo Gonzales.

Continue reading below ↓

Aniya, "Thankful ako kay Carlo, siya ang nagbabantay. Siya ang hindi natutulog, change nappy, paligo, siya lahat."

PANDEMIC HAS MADE THEM MORE HANDS-ON AS PARENTS

Ang kagandahan ng sitwasyon ni Luane bilang bagong mommy sa panahon ng pandemya, mas ramdam niya ang presence ni Carlo bilang asawa at ama.

Kuwento ng 35-year-old celebrity mom, “Aside pa sa mga nabanggit ko kanina, isa sa na-discover namin sa isa’t-isa, wala palang hanggan ang pasensiya namin pagdating sa baby. Nawawala iyong kung dati pikon ka, ngayon, nasaan ang pikon? Hindi, wala talaga."

Sang-ayon siya sa sinabi ni Chynna Ortaleza, na kasama niyang itinampok sa recent Mothers' Day mediacon nito.

“Tama rin si Chynna, nagiging adjustable sila. At saka ang haba ng pasensiya, wala akong ma-say.”

Mas tutok din sila as new parents to their son Jose Christiano, nicknamed Baby X.

“Iyong beauty na lang din na iyong positive side ng pandemic na nasa bahay kami, magkakasama kami. Natutukan mabuti si baby at lahat kami, natutukan siya.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luane Dy calls her son Jose Christiano a "miracle baby."
PHOTO/S: @luziady on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results