Meryll Soriano happy to see close bonding between son Elijah and partner Joem Bascon

by Melba R. Llanera
May 24, 2021
Meryll Soriano, Joem Bascon (L), and Elijah (R) celebrate the fifth month of the baby in their family of four.
PHOTO/S: @planetumeboshi on Instagram

Masaya si Meryll Soriano sa kanyang family life.

Sa edad na 38, naranasan niyang maging ina ulit, and this time, meron siyang katuwang—si Joem Bascon.

Aniya, "Mas masaya ako, masaya na may kasamang nag-aalaga sa inyo. Nandiyan si Joem."

Kuwento pa ni Meryll sa ekslusibong panayam sa kanya ni Bianca Gonzalez sa Cinema News At Home edition, May 8, "Ngayon, may partner ako, at nabiyayaan ng time.

"Kasi pandemic, kaming dalawa lang ang nag-aalaga sa baby namin. Napakagandang blessing kahit mahirap."

Kumusta naman si Elijah, ang 13-year-old son ng aktres sa aktor na si Bernard Palanca?

Ayon kay Meryll, matagal nang gusto ng kanyang panganay na magkaroon ng kapatid.

"Nung sinabi ko na pregnant ako, naiyak siya. Secret wish niya yun since ten years old siya. Nag-iyakan kami.

"Walang pagseselos saka dream talaga ni Eli na magkaroon ng kapatid."

Continue reading below ↓

Pagdating naman kay Joem, maganda raw ang relasyon nito kay Eli.

"Si Joem took care of him nung two years old siya when we were together. Inalagaan siya ni Joem.

"Nakakatuwa na walang indifference sa kanilang dalawa. Eli loves Joem and Joem loves Eli."

Taong 2007 nang ipinanganak ni Meryll si Eli. Taong 2008 naman nung nag-bloom ang romance nina Meryll at Joem, na nagkamabutihan sa set ng I Love Betty La Fea sa ABS-CBN.

Nagkahiwalay sila taong 2010 nung lumipad si Meryll sa London para mag-aral ng Industrial Design.

Taong 2019, nagkatrabaho ulit sina Joem at Meryll sa seryeng Starla at pelikulang Culion, at saka naglabasan ang mga balitang nagkabalikan sila.

Nitong January 1, 2021 kinumpirma ni Meryll ang relasyon nila ni Joem, sabay pakilala ng baby nila sa Instagram followers ng aktres.

Samantala, isa ring masaya sa pagkakaroon ng baby ni Meryll ay ang amang si Willie Revillame.

Continue reading below ↓

Patuloy ni Meryl, "Super excited ang Lolo, tuwang-tuwa siya. Siguro yun din, thirteen years ago, iba pa kaming tao lahat. Ngayon mas ready siya na maging Lolo.

"Excited siya sa baby, gusto niya lumaki agad para kasama sa kama, balentong, balentong.

"I'm super happy na ganun, I'm happy na si Papa, andiyan sa paglaki ng baby ko. Nag-uusap kami lagi."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meryll Soriano, Joem Bascon (L), and Elijah (R) celebrate the fifth month of the baby in their family of four.
PHOTO/S: @planetumeboshi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results