Joross Gamboa believes kids are "mas full of love" because of pandemic

by Rose Garcia
Jun 20, 2021
Joross Gamboa (L) with wife Katz and their sons Jace and Kody (R)
PHOTO/S: @joross_gamboa on Instagram

Bukod sa pagiging isang actor at live streamer sa kanyang Facebook gaming page, ang pagiging isang padre de pamilya ang masasabing pinaka-ipinagmamalaki at mas pinagbubuhusan ni Joross Gamboa ng kanyang panahon.

At sa kabila na kahirapang dulot ng pandemyang ito, marami pa ring mga positibong bagay na ipinapagpasalamat niya.

Aniya, “Siyempre, malungkot ang pandemya. Ang daming kawawa na naapektuhan ng pandemya.

"Pero way rin ito ni God para matanggal iyong mga pinanghahawakan nating mga tao, yung mga wordly things.

“Iyong feeling natin na palagi tayong magtrabaho. Ito iyong sa iba na yung faith nila, nasa pera nila. Iyong faith nila nasa false god. Idols kasi, anything you replaced God with.

"Itong pandemic na ito, ipinakita na si God lang talaga ang puwede mong kapitan.”

Sabi pa niya, “Hindi ka masi-save kahit na gaano ka kayaman. Kung walang puwesto sa hospital, balewala yun.

"Yung security mo, nawala lahat. Si God lang ang kakapitan mo.

Continue reading below ↓

"Isa yun sa nakita ko sa pandemic na ito, na mas napalapit kay God ang mga tao.”

JOROSS PROUD OF CHRISTIAN FAITH

Matagal na ring practicing Christian si Joross. Pero ngayong nangyari ang pandemic, masasabi niya raw na mas lalo siyang napalapit sa Diyos.

“Totoo, may fear kang nararamdaman, pero hindi kami naapektuhan dahil di ba, ang fear is... 'false evidence appearing real' ang ibig sabihin niyan.

"Kapag nag-worry kang masyado, maaapektuhan ka lang. We replace fear with faith. Palagi kaming nagpi-pray na family.

“At aminin din natin, nawalan din ako ng trabaho. Pero naging faithful naman si God sa amin. Hindi naman kami pinabayaan. At nag-provide siya in a different kind of way.”

JOROSS THANKFUL FOR QUALITY TIME WITH KIDS

Si Joross ay tatay ng dalawang boys nila ng misis niyang si Katz Gamboa. Ang panganay nila na si Jace ay five years old at si Kody, ang bunso, ay tatlong taong gulang.

Continue reading below ↓

Para kay Joross, wala raw siyang nakitang pagbabago sa kanya bilang isang tatay pre-pandemic o pandemic man.

“Walang pagbabago naman dahil yung atensiyon ko sa mga bata ever since naman, well, sa family ko, sila yung priority ko sa buhay.

"Siyempre, God, family and everything else. Yun lang ang basehan natin ng priorities in life.”

Kung may nabago man, katulad ng ibang magulang, mas marami raw siyang oras ngayon para sa kanila.

“Kung dati yung anak ko, magpapaturo lang ng Lego, magagawa ko nang 10 to 15 minutes, tapos na, tuwang-tuwa ang anak ko.

"Pero ngayon, siguro mga dalawang oras na, gumagawa pa ako ng Lego.

"Minsan, wala na ang anak ko at sinasabihan ako ni Katz, ikaw na lang ang naglalaro,” natawang kuwento niya.

Pero kaya raw niya yun ginagawa, dahil mas sineseryoso pa niya ang playing time niya sa mga anak.

Bilang tatay, nagpapasalamat din daw si Joross dahil mas nararapat nga siyang nakatutok sa mga anak niyang nasa formative years, na sa opinyon niya ay kritikal.

Continue reading below ↓

“Iyang age nila na iyan, diyan nahuhulma ang mga bata.

"Bago pa man ang paghulma sa education, ang paghulma muna sa manners, characters ng mga anak namin, mas may time kami.

“Feeling ko, itong batch ng mga bata, mas full of love sila. Well, sana, ha? Sana lahat.

"Kasi, itong time na ito, feeling ko mas naramdaman nila na full of love sila at mas nabigyan sila ng attention ng mga magulang nila.

JOROSS ON CREATIVE BENEFITS OF CHILD'S PLAY

Anong klase siyang tatay?

“Tutok, bibo, sinasabayan ko ang mga anak ko,” lahad niya.

“At saka, kapag naglalaro kami, tina-try kong isipin kung paano nila iniisip ang situwasyon or ini-imagine.

"Like yung kotse-kotsehan nila, gagawa ako ng mahabang slide gamit ang kumot.

"Si Kody, mahilig sa spider. So, yung kumot na ginantsilyo, lalagyan ko ng mga spider niya, so parang sapot. Para yung imagination niya, mas lumawak.

“Kahit yung mga karton-karton or tent. Nagtataguan kami dito sa bahay. Kahit si Katz, sumasali sa amin.”

Continue reading below ↓

Sabi namin kay Joross, kung pagbabasehan ang personalidad niya na masayahin at palabiro, hindi na nakakapagtakang kaya niyang sabayan sa paglalaro ang mga anak.

IS JOROSS A STERN DISCIPLINARIAN?

Pero kumusta naman siya pagdating sa pagdidisiplina?

“Ay, oo! May disiplina naman,” mabilis niyang sagot.

“Hindi puwedeng mawala yun. Ang disiplina, importante iyan.

Continue reading below ↓

"In agreement kami palagi ni Katz. Kapag kinakagalitan ang bata, wag mong kokontrahin sa harap. Kumbaga, alam ng bata na iisa lang kami ni Katz ng desisyon.

“Kapag bawal, bawal. Bawal iyong ‘bigyan mo na.’

"Sa gadgets, binabawasan namin. Kasi sa school, gadget na, e.

"Kaya kung mga YouTube Kids na pinapanood, sa TV, parang nanonood lang sila.”

May pagkakataon na rin daw na ang panganay nilang anak, nakabili na ng apat na games sa online. At ang ginamit daw nito ay si “Siri,” ang voice-controlled online app.

JOROSS STRESSES IMPORTANCE OF SPIRITUAL GUIDANCE

Masasabing naging bukas sa publiko ang ilan sa mga naging kapilyohan ni Joross noong binata pa ito.

At dahil parehong lalaki nga ang mga anak niya, may takot ba siya na baka mangyari rin sa kanila ang mga pinagdaanan niya?

O hahayaan na lang ba niya ang mga ito na matuto rin sa kung ano man ang magiging pagdadaanan nila sa buhay?

Continue reading below ↓

“Ang magagawa lang naman ng mga magulang, i-guide yung mga anak. Ihulma natin nang maayos, ilapit sa Diyos. And then, yun na yun.

“Ang tao naman, either matuto sa pagkakamali ng iba or minsan, sila talaga yung kailangang dumaan doon, sa situwasyon na yun. Ang importante, may foundation sila ni God and everything follows na.”

Ano ang takot niya bilang isang tatay?

“Yung mapalayo sila sa Diyos,” saad niya.

“Actually, yun lang. Kasi kung wala kang Diyos, wala kang kakapitan. Madali kang masira, madali kang ma-destroy.”

At sa huli, tinanong namin si Joross kung ano ang pinaka-pangarap niya ngayon bilang isang ama para kina Jace at Kody.

Aniya, “Sa akin, simple lang naman akong tatay. Ang gusto ko lang talaga, malapit sila sa Diyos. At kapag malapit sila sa Diyos, everything will follow.

“Seek God first.”

DOES JOROSS WANT BABY NUMBER THREE?

Iba raw para kay Joross ang fulfillment ng pagiging isang ama. Pero dahil natural ang pagiging palabiro nito, humihirit pa raw siya sa misis niya ng ikatlong baby.

Continue reading below ↓

“Proud talaga ako na maging daddy. Minsan, hinihirit ko lang kay Katz, ‘Baby girl, baby girl!’

"Okay sa kanya, basta sa akin daw lalabas,” bulalas niya.

Ayaw na ba ng misis niya na magkaroon pa ng baby number three?

“Kapag siguro nabayaran na namin ang lahat ng dapat bayaran.

“Pero open yun, ako ang bahala!” biro pa niya.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joross Gamboa (L) with wife Katz and their sons Jace and Kody (R)
PHOTO/S: @joross_gamboa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results