Mike Tan gives up luho, regular workouts to become hands-on dad

by Ruel J. Mendoza
Jun 27, 2021
Kapuso actor Mike Tan (with daughters Victoria, left and Priscilla) on making time for his baby girls: "Ginive up ko lahat ng luho ko nung binata ako. Kasama diyan iyong time ko sa sarili ko."
PHOTO/S: @imiketan on Instagram

Habang naghihintay ang Kapuso actor na si Mike Tan kung kelan ipalalabas ang kinabibilangan niyang teleserye sa GMA-7 na Nagbabagang Luha, nakatutok ito ngayon sa pag-alaga sa dalawang anak na babae na sina Victoria (two years old) at Priscilla (one year old).

Hindi ikinakahiya ng aktor na naging domesticated father na siya dahil sa pandemic. Hindi raw niya noon nakita ang sarili niya na nag-aalaga ng bata at nagpapalit ng lampin.

Pero nadiskubre ni Mike na kahit mahirap ang maging isang ama, may mahabang pasensiya pala siya sa mga gawaing ito.

"I don’t know that I can do it but I believe in myself na I can do it. Parang confident lang ako na 'kaya ko iyan, kaya ko iyan,'” lahad ni Mike sa naganap na Zoom interview noong nakaraang June 18, 2021.

Pagpapatuloy niya, "Bago kasi ako nagpakasal, nakaplano na lahatkumbaga, emotionally, spiritually, financially. Prepared na ako kung ano man iyong mangyayari."

Continue reading below ↓

MIKE MAKES MORE TIME FOR DAUGHTERS

Nabanggit din ni Mike na dahil sa kanyang mga anak, marami raw siyang kailangan i-give up na mga luho na nakasanayan niya noong binata pa siya.

Worth it naman daw ang mga pinakawalan niyang luho dahil nakatulong iyon sa pag-mature niya into fatherhood.

Makabuluhan niyang pahayag, "Kapag tatay ka na, mga anak mo na ang priority bago ang sarili mo.

"Ginive up ko lahat ng luho ko nung binata ako. Kasama diyan iyong time ko sa sarili ko, for example iyong oras ko sa pag-workout ko. Dati parang full-time, nakakapag-exercise ako. Ngayon parang once a week, tsamba pa nga, e.

“'Tapos, siyempre iyong paborito kong gawin na aquathlon, running and swimming, nawala na rin talaga. Training for swimming wala na rin, running wala na rin.

"I’m a gamer myself so na-give up ko rin siya.

"So iyon iyong mga oras at mga bagay na kailangan mong i-give up kapag may anak ka na, na akala mo hindi mo kayang i-give up.

Continue reading below ↓

"But like what I said, it's worth it. Kasi iyong time mo with your kids habang lumalaki sila, hindi mo na mababalik iyon kapag na-miss mo.

"Iyong pag-exercise, swimming, running, gaming, magagawa mo naman iyan anytime. Pero time with kids, precious iyon," diin pa niya.

Bumabawi na lang sa kanyang sarili si Mike kapag mahimbing na ang tulog ng kanyang mga anak.

“Surprisingly, nagkakaroon na ako ng me time.

"Once in a while, as in kapag tulog na mga bata or kapag wala nang ginagawa, kapag nasa lock-in taping, ayun, nakakapag-mobile games ako.

"Pero iyong dati na nasa desktop ka almost the whole day kapag wala kang ginagawa, hindi na puwede ang ganoon.

"Kumbaga, iyong laro ko parang singit lang, spare time lang talaga.

"Pero kapag gabi, mahirap na rin maglaro kasi mapupuyat ka, tapos gigising pa sa madaling araw for your kids if ever they need something.

"Pagkatapos noon, sira na iyong araw mo kasi puyat ka na, kasi inuna mo iyong games kesa matulog ka, so wag na lang din,” tawa pa niya.

Continue reading below ↓

MIKE INSTILLS GOOD VALUES IN HIS KIDS

Noong magka-pandemic, lalo raw humaba ang pasensya ni Mike dahil alam niyang kailangan siya ng kanyang asawa't mga anak.

Kaya tuwing kinakausap niya ang kanyang dalawang anak, lagi niyang sinasabi na gusto niya at ng mommy nila na lumaki silang mababait at may respeto sa matatanda.

"They’re still quite young. Siyempre, they don’t understand things the way we do. So, I’m always kind of careful explaining how things are to them. Kailangan lang ng matiyaga. Iyong isa very talkative, iyong isa naman very persistent.

"Naniniwala ako na kung ano ang tinuro mo sa kanila habang bata pa at nakikita nila iyon sa iyo, tatatak iyon sa utak nila at madadala nila iyon sa paglaki nila."

Noong nakaraang Father's Day ay nagawang ipasyal ni Mike sina Victoria at Priscilla sa Zoocobia Fun Zoo sa Pampanga.

Post niya sa Instagram: "Made memories with the kids at Zoocobia and Dinosaurs Island today! Gotta maximize my free days before our next lock-in taping. Thank you my good friend Doc @cj_muere13 of @allsmilesdentalhome for the destination suggestion. Ganito na talaga ang mga topics natin ngayon: saan ang magandang play school, saang lugar ang kid-friendly, bakit malaki tiyan natin..."

Continue reading below ↓

Sa latest post ni Mike sa Instagram, pinost niya ang photo na kasama niya ang two girls niya at may white cake sa harapan nila na may nakasulat na "dad, dad, dad." Meron ding initals na "hfd" for Happy Father's Day at "wly" for We Love You.

Continue reading below ↓

Nilagyan ito ni Mike ng caption na: "I will never tire of hearing this line, all day, everyday, 5000x a day: Dad! Dad! Dad!"

RELATED STORY

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Mike Tan (with daughters Victoria, left and Priscilla) on making time for his baby girls: "Ginive up ko lahat ng luho ko nung binata ako. Kasama diyan iyong time ko sa sarili ko."
PHOTO/S: @imiketan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results