Nadine Samonte stays strong for 3rd baby kahit "ang daming iniyak, ang daming pasa"

by Ruel J. Mendoza
Jul 6, 2021
Nadine Samonte still considers her pregnancy a "blessing" despite her struggles, which include daily shot of Tinzaparin sodium, which helps prevent blood clot.
PHOTO/S: @nadinesamonte on Instagram

"Everyday is a struggle but it's more of a blessing."

Ito ang bungad ni Nadine Samonte sa caption ng kanyang Instagram post ngayong araw, July 5, 2021.

Bagamat nahihirapan sa kanyang third pregnancy, malaki pa rin ang pasasalamat ng aktres sa nakikita niyang development ng baby.

Muli niyang pinagdaraanan ang Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS) at Antiphospholipid Antibody Syndrome (APAS).

Ayon sa HealthLine.com, ang mga buntis na may PCOS, isang "hormonal disorder," ay "three times more likely to have a miscarriage."

Ayon naman sa MedScape.com, ang APAS, isang "autoimmune disorder," ay posibleng maging sanhi ng mga kumplikasyon sa pagbubuntis, gaya ng "preeclampsia, thrombosis, autoimmune thrombocytopenia, fetal growth restriction, and fetal loss."

Muntik na raw makunan ang StarStruck alumna nung first trimester niya, kaya hindi madali ang kanyang pinagdaraanan at aminado siyang "ang dami kong iniyak sa journey."

Saad pa niya sa caption ng post, "I won't give up ever!!! I'll fight and stay strong for them!!!

Continue reading below ↓

"Go APAS and PCOS mommas out there. Kaya natin to. Hello to our rainbow baby soon. Our last...”

Makikita sa post ni Nadine ang photo ng tiyan niya na may maraming pasa, pati na rin ang isang syringe at isang bote ng Tinzaparin sodium—na nakakatulong mag-prevent ng blood clot.

Hindi na bago ito sa kanya.

Continue reading below ↓

Matatandaang noong ipinagbuntis niya ang panganay na si Heather Sloane, now four years old, kinailangan niyang mag-take ng 53 tablets daily, bukod sa Heparin shot.

Nadine Samonte Heather Sloane

Noong ipinagbuntis naman niya ang pangalawang anak na si Austin Titus, now two years old, heto naman ang prescription sa kanya: "30 tablets a day, once a day (Innohep) injection, and every 3 days Proluton injection."

Continue reading below ↓

Nadine Samonte Austin Titus Chua

In-announce ni Nadine last June via social media ang pagbubuntis niya sa third baby nila ng asawang si Richard Chua, na siyang "strength" niya throughout her ordeal.

Continue reading below ↓

On a lighter note, nagpapasalamat si Nadine sa GMA-7 dahil sa rerun ng 2010 series na Endless Love, ang Philippine adaptation ng hit Koreanovela.

Bida sa Philippine adaptation sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Gumanap si Nadine bilang si Shirley sa naturang teleserye.

Sunud-sunod ang post ni Nadine tungkol sa Endless Love na parang nami-miss na niyang umarte ulit.

“Im so happy i saw myself again sa tv. thank you @gmanetwork for this wonderful opportunity again.”

Continue reading below ↓

Ang huling regular project ni Nadine sa TV ay ang Super Ma'am, na pinagbidahan rin ni Marian. Taong 2017 ito umere sa GMA-7.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Samonte still considers her pregnancy a "blessing" despite her struggles, which include daily shot of Tinzaparin sodium, which helps prevent blood clot.
PHOTO/S: @nadinesamonte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results