Aljur Abrenica reunites with sons Alas, Axl in Batangas

by Jojo Gabinete
Jul 9, 2021
Touching moments of Aljur Abrenica (R) with sons Axl, 1 (L), and Alas. The mag-aama are currently in Batangas.
PHOTO/S: @ajabrenica on Instagram

Bumalik si Kylie Padilla sa tahanan ng kanyang pamilya sa Fairview, Quezon City nang maghiwalay sila ni Aljur Abrenica.

Pero may komunikasyon pa rin ang dalawa dahil sa napagkasunduan nilang "co-parenting setup" para sa kanilang mga anak na sina Alas, 4, at Axl, 1.

Sa kasalukuyan, naninirahan si Aljur sa bahay ng mga magulang niya sa Batangas.

Continue reading below ↓

Kahapon, July 8, 2021, nag-post siya sa Facebook ng video tungkol sa pagbisita sa kanya ng dalawang anak.

Habang papauwi siya ng bahay, may bitbit itong pasalubong mula sa isang fastfood restaurant.

"Nandito ako sa Batangas, kakauwi ko lang. Nagsalisi kami ng mga anak ko. Nandito na daw sila. Ang tagal ko rin sila na hindi nakita.

"Excited na akong makita sila. Bumili ako ng food for them, sana magustuhan nila,” ang linya ni Aljur sa umpisa ng video.

Pagkalipas ng mga dalawang minuto ay bumaba ng sasakyan si Aljur, na sinalubong ni Alas at niyakap.

Makikita at mararamdamang masaya ang mag-aama sa kabila ng isyung kinakaharap ng kanilang pamilya.

Makikita naman sa comments na inuudyok ang 31-year-old aktor na makipag-ayos kay Kylie at maging "role model" sa mga anak.

Continue reading below ↓

Samantala, humingi si Kylie ng "respect" sa mga showbiz fans.

Bahagi ito ng pahayag na ipinadala niya sa 24 Oras:

“In the past few months, our family has gone through the process of recovering, healing, and moving on.

“All we need right now is respect—first and foremost, on the decisions we have made as a family and respect for each and every member of our family—to Aljur who is the father of my two wonderful boys, most especially to Alas and Axl…”

Matatandaang July 7 nang in-announce ni Robin Padilla sa vlog ni Ogie Diaz na hiwalay na ang anak na si Kylie kay Aljur dahil sa "third party."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Touching moments of Aljur Abrenica (R) with sons Axl, 1 (L), and Alas. The mag-aama are currently in Batangas.
PHOTO/S: @ajabrenica on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results