Sid Lucero stumped by Math when tutoring daughter: 'Hanggang Grade 2 lang yata kaya ko...'

by Rommel Gonzales
Sep 14, 2021
Sid Lucero with his now eight-year-old daughter Halo Eve
PHOTO/S: @sidlucero on Instagram

"Back to normal" ang buhay ni Sid Lucero ngayong nakabakasyon ang GMA-7 series na The World Between Us, kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Eric Carlos.

Sabi ni Sid sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa Zoom mediacon ng The World Between Us noong August 23, 2021, magiging abala siya sa negosyo.

"I've been working on a lot of different things, like the online store is still happening, I'm trying to put together my swimming rig."

He makes it a point na may oras rin siya for a workout, but pretty much the same daw ang daily routine niya.

"Other than that, it's the same things, just less people and alone."

As a dad to Halo Eve, tumutulong raw siya sa online classes ng anak simula nung nag-pandemic.

"I still tutor my daughter every so often coz everything is on Zoom, like this whole thing," pagtukoy ni Sid sa Zoom mediacon ng Kapuso serye, bago idinugtong na, "What we're doing is like what I do with her anyway."

Continue reading below ↓

Parang ito na rin ang chance nilang mag-ama na mag-bonding lalo pa't hindi niya basta-basta nakakasama ang bata—na nakatira sa kanyang mommy, ang kilalang drummer na si Bea Lao.

"Nagtu-tutor ako sa kanya, yeah, because we're doing everything at home, and even though the mom and her... they stay together.

"The mom's like really busy being a mom and her profession...I would take any opportunity to be with my daughter.

"And because the situation is not easy to physically be with her, and so this is perfect."

Pero pag-amin ni Sid, mukhang hindi niya matatagalan ang pagiging tutor ni Halo Eve.

"Feeling ko pagdating niya ng Grade 3, hindi na ako makakahabol, e. I think we have to get a professional [teacher]."

Why?

Ang natatawa niyang sagot, "Hanggang Grade 2 lang yata ang kaya kong Math, e."

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sid Lucero with his now eight-year-old daughter Halo Eve
PHOTO/S: @sidlucero on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results