Graduate na sa wakas! Student nanay na minsan ay bitbit ang 2 kids sa klase

by Bernie V. Franco
Oct 11, 2021
After five years, working mom student Joyce Yabres finishes her master's degree in University of the Philippines. Joyce recounts how she would bring her kids to school and attend her classes at the same time.
PHOTO/S: Joyce Yabres

Inabot ng limang taon si Teacher Joyce Yabres bago niya natapos ang kanyang master's degree.

Kalimitang two years lamang ang kailangan para makumpleto ito, pero pinagsabay niya kasi ang pag-aaral, pag-aalaga sa dalawang anak, at pagtatrabaho.

Dahil walang yaya at tulungan sila ng kanyang asawa na may day job, maraming beses na bitbit ni Joyce ang mga anak sa classroom para hindi maka-absent.

Ngayong taon ay nakamit na ni Joyce ang kanyang Master's Degree in Family Life and Child Development sa University of the Philippines. Kumuha rin siya ng ilan pang education units para mas mapalapit sa pangarap na mabuksan ang lumang eskuwelahan ng ina.

Continue reading below ↓

This year, Joyce finishes her Master’s Degree in Family Life and Child Development at University of the Philippines.

OVERCOMING STRUGGLES

Sinimulan ni Joyce ang kanyang master's degree noong 2016.

Three years old pa lamang ang panganay niya noon, at isinasama niya ito sa kanyang pagpasok sa school kapag walang mapakiusapang mag-alaga dito.

Tuloy pa rin ang pag-aaral ni Joyce nang mabuntis siya ulit at isinilang ang kanyang pangalawang anak.

Kaya naman naging dalawang anak na ang bitbit niya pagpasok sa eskuwelahan.

“Pagka pumapasok po ako sa eskuwelahan, kapag wala akong mapag-iiwanan ng mga anak ko sa bahay, kailangan ko silang bitbitin,” kuwento ni Joyce sa interview ng GMA News.

“’Tapos ang bigat-bigat ng mga dala. Merong diaper, may snacks, may tubig.

“’Tapos meron pang mga gamit sa class—libro o kaya mga reading materials, ‘tapos magko-commute kami.”

Mas naging mahirap ang last semester ni Joyce noon lamang 2020 dahil siya at ang kanyang mister ay tinamaan ng COVID-19.

Continue reading below ↓

May mga pagkakataong napanghinaan na siya ng loob.

“Meron pong times na gusto ko nang mag-give up. Di ko na tapusin itong M.A.

“Parang, ‘Para saan ba ito?’ lalo na pag sobrang hirap nung subject. ‘Tapos sobrang nakakatakot yung mga professor," pagbabalik-tanaw ni Joyce.

“Pero sabi ko kung maggi-give up ako ngayon, parang itinapon ko yung mga sacrifices ko.”

Sa isang article sa theAsianparent, inilarawan ni Joyce ang kanyang karanasan bilang isang student mom.

Nagsisimula ang klase niya ng alas singko ng hapon, na siya namang oras ng paglabas ng mister sa trabaho.

Bitbit ni Joyce ang mga anak sa pagpasok sa school, habang didiretso ang mister sa U.P. para kunin sa kanya ang mga bata.

Pero minsan, dumarating ang kanyang mister sa school ay palabas na ng klase si Joyce.

Ibinahagi pa ni Joyce ang isa niyang hindi malilimutang karanasan nang mag-report siya sa klase.

“Pinakiusapan ko yung brother-in-law ko, ‘Puwede bang buhatin mo lang siya habang nagre-report ako?’" lahad niya sa GMA News.

Continue reading below ↓

“Towards the end, patapos na akong mag-report, narinig ko na sobrang lakas ng iyak niya,” pagtukoy ni Joyce sa kanyang bunso, na noon ay seven months old.

Dinig daw sa buong corridor ang iyak ng sanggol.

“Nakakahiya talaga. Minadali ko na lang talagang tapusin,” natatawang kuwento ni Joyce.

“Pero naramdaman nung prof ko na minamadali ko nga at hindi na rin ako makapag-isip nang maayos.”

Sinabihan daw siya ng propesor na kunin muna ang kanyang anak.

Dagdag pa ni Joyce, matapos niyang kunin ang anak, pina-breastfeed niya ito hanggang sa makatulog. At saka nila itinuloy ang discussion sa classroom.

MOM, STUDENT, BUSINESSWOMAN

Kuwento ni Joyce, sinasama niya sa classroom ang mga anak dahil bukod sa mahirap maghanap ng kasambahay, work from home din siya sa pagnenegosyo, gaya ng pagbebenta online.

Naniwala siyang kaya niyang pagsabayin ang studies, pag-aalaga sa mga anak, at pagtatrabaho.

“Nagpapasalamat ako dahil sinuportahan din ako ng aking mga kaklase, professors, mga kaibigan at kamag-anak sa pagbili ng aking mga binebenta online,” ani Joyce.

Continue reading below ↓

Isa pang karanasan na hindi niya malilimutan ay noong kinailangan niyang mag-exit comprehensive exam noong Mayo 2021.

Nilinis nila ang stock room sa bahay, pininturahan, at nilagyan ng isang silya’t lamesa para maging exam room niya sa loob ng dalawang araw.

Naroon ang mga hamon, gaya ng pagkatok ng mga bata sa kuwarto, putol-putol na internet connection, at namamatay na gadgets dahil empty batt.

Pero nairaos iyon ni Joyce at nakuha ang kanyang “sablay” para sa kanyang pagtatapos ng master’s degree.

Virtual ang naging graduation nina Joyce.

Nagpapasalamat si Joyce sa mga nakilala niyang tao along the way para palakasin ang loob niya.

Dahil naging healthcare worker din siya noon sa isang public hospital, iniisip niya ang mga kasamahan noon, gaya ng mga katrabahong female doctors na patuloy sa pagtatrabaho kahit buntis sila.

Ginawa niyang inspirasyon ang mga ito, na kahit buntis noon ay nasa duty sila nang magdamag, magsasagawa pa ng research, at nasa outpatient department.

Continue reading below ↓

Ang isa pa raw doctor mommy noon ay nag-iipon ng gatas habang naka-duty para sa kanyang anak pagkauwi sa bahay.

Ang mga ehemplong ito ay sinundan ni Joyce para mairaos ang kanyang master's degree.

Dahil daw sa kanyang karanasan, tumibay ang karakter ni Joyce.

Napagtanto rin niya na iba-iba ang kahulugan ng tagumpay para sa mga tao.

Para sa iba, maaaring ito ay pagkuha ng diploma.

Sa iba naman, maaaring ito ay ang pagharap sa mga hamon araw-araw at magsilbing inspirasyon sa iba.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After five years, working mom student Joyce Yabres finishes her master's degree in University of the Philippines. Joyce recounts how she would bring her kids to school and attend her classes at the same time.
PHOTO/S: Joyce Yabres
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results