How Mark Herras's dad goals helped him quit smoking

by Rose Garcia
Oct 9, 2021
Mark Herras on making his decision to quit smoking for the sake of his eight-month-old son Corky: “Well, ayokong maranasan ng anak ko na mawala ako agad, like my parents, di ba? Gusto kong lumaki siya na makita niya kami ng nanay niya na tumatanda.”

Dahil sa pandemic, maraming adjustments ang ginawa ng mag-asawang Mark Herras at Nicole Donesa para sa kanilang pamilya.

Bilang nanay, si Nicole raw muna ang magsasakripisyo sa kanyang showbiz career para sa safety ng kanilang anak na si Corky.

“For now po, hindi muna ako babalik sa taping, sa showbiz. Kasi po, priority ko muna si baby. Medyo maliit pa siya para iwanan ko,” lahad ni Nicole.

“Kung hindi sana protocol ang lock-in taping, puwede. Pero siyempre, dahil sa panahon ngayon, kailangan na matagal kang mawawala sa bahay, and as of now, hindi ko pa kaya.

“And since hands-on kami, wala kaming yaya kay Corky. As in, kami ni Mark lang and my mom.

"Siyempre, tumutulong din yung mga helpers namin sa bahay, pero kami talaga ni Mark ang hands-on kay Corky. So I wanna keep it that way until he gets a little older."

Sabi rin niya, “Pero I’m not closing my door naman. I will return. Siyempre, nagpapapayat pa rin ako. Hindi pa ako confident.”

Continue reading below ↓

Bukod pa rito, breastfeeding din daw siya kay Corky na eight months old na.

MARK AND NICOLE STILL CAUTIOUS AMID HEALTH RISKS

Bilang mga magulang, aminado sina Mark at Nicole na extra ang pag-iingat daw nila sa bahay. Lalo na raw si Mark na siyang mas madalas na lumalabas.

Lahad ni Mark, “Ako ang mas madalas na lumalabas kahit noong wala pang lock-in taping. Guesting and all at kung dati, during my guesting, nakikipag-usap ako sa lahat ng tao, doon ngayon pumapasok ang pagiging introvert ko that I don’t really talk na to anyone.

“Palagi lang akong naka-mask din and I have this ugali na pinapaligo ko ang alcohol sa katawan. At bago ko pumasok sa bahay, nagpapalit na ako ng damit. I don’t go inside the house wearing the same clothes na ginamit ko sa labas. Then, pagpasok ng bahay, ligo na agad.”

MARK AND NICOLE BOND WITH NEIGHBORS VIN AND SOPHIE

Sabi naman ni Nicole, nanghihinayang lang daw sila dahil hindi maranasan ng anak na naipapasyal nila ito tulad ng mga normal na babies noong wala pang pandemic.

Continue reading below ↓

Bukod sa check-up lang daw nakalalabas si Corky, nagkaroon daw sila ng pagkakataong magpunta sa bahay nina Sophie Albert at Vin Abrenica at playmates daw ang mga anak nila.

“Playmate niya si Avianna,” natawang sabi ni Nicole.

Sabi naman ni Mark, “Magkalapit lang ang bahay namin. Kung walang traffic, baka mga 10-15 minutes away lang kami.”

“Kami talaga ang pandemic preggies at sila ang pandemic babies,” natawang sabi ni Nicole.

MARK SHARES DREAMS FOR SON

Ngayon pa lang, may mga pangarap na si Mark para sa anak nila.

Ayon dito, “Well ako, ang dream ko para sa kanya, sabi ko nga, if ever na gusto niyang pumasok din sa showbiz industry, gusto ko siyempre na matapos niya ang pag-aaral niya, kasi iyon ang hindi ko natapos,” saad ni Mark.

“Ang mommy niya nakatapos, ako hindi. Gusto kong matapos niya muna iyon and after that, sige, do whatever you want to do and ang dream ko lang sa kanya, siyempre, gusto ko lang na maging happy, healthy at yung hihilingin ng anak ko, maibigay ko.”

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Mark, “Gusto kong makapag-aral siya sa maayos ng school. Yung typical dreams ng magulang sa anak and siyempre, ayokong magkasakit ang anak namin.

"At siyempre, gusto kong ma-experience naman niya ang outside world. Normal things sa isang bata like makapaglaro sa labas.”

MARK QUITS SMOKING FOR SON

Sa mga naranasan daw ni Mark growing-up, meron daw siyang karanasan na ayaw niyang maranasan din ng anak nila.

At ito yung maaga siyang naulila.

“Well, ayokong maranasan ng anak ko na mawala ako agad, like my parents, di ba? Gusto kong lumaki siya na makita niya kami ng nanay niya na tumatanda.”

May naging magandang rebelasyon si Nicole tungkol kay Mark. Dahil gusto nga raw nitong makita at makasama ang anak hanggang sa paglaki, tumigil daw ito sa paninigarilyo.

“I quit smoking na, eight months na,” masayang balita ni Mark.

“Noong pinangangak si Corky, medyo sumusundut-sundot pa ako but eventually, I just stopped. Nag-switch ako sa vaping pero yun na yun. Hindi naman ako nahirapan, sabi nga ng mga kaibigan ko, buti hindi ka nagkasakit, kasi biglang tigil. Pero hindi naman, hindi naman ako nahirapan.”

Continue reading below ↓

At sabi pa ni Mark, “Ayoko sanang ma-experience ni Corky na maintriga. If possible na hindi siya ma-bash.”

NICOLE ADMITS FEARS AND APPREHENSIONS

Si Nicole naman, ang takot daw niya para sa anak ay nanggagaling sa kung ano ang mundo ngayon.

“Ang fear ko talaga yung mundo ngayon,” lahad niya. “We can already tell na kasi kay Corky, napakabait niyang bata.

“He’s very nice and we’re afraid na baka ma-bully siya when he grows up. Ang daming danger. Ang daming mga bad things sa mundo natin or people in general. Hindi mo na masabi ang ugali ng mga tao.”

At lalo na nga raw na lalaki ang baby nila.

Kaya sabi pa ni Nicole, “Kami nga ni Mark nag-uusap, baka two years old pa lang si Corky, i-e-enroll na namin sa karate because I want him to learn to defend himself.

“I want him to be active in sports, maging matatag siya na tao kasi, ang hirap talaga ng panahon ngayon. Kailangan palaban siya.”

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Herras on making his decision to quit smoking for the sake of his eight-month-old son Corky: “Well, ayokong maranasan ng anak ko na mawala ako agad, like my parents, di ba? Gusto kong lumaki siya na makita niya kami ng nanay niya na tumatanda.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results