Saviour and Tanya reveal dad Wendell Ramos' advice before they entered showbiz

by Ruel J. Mendoza
Nov 1, 2021
Meet Wendell Ramos' children Tanya (L), 15, and Saviour (M), 22, who recently signed their contracts as new talents of GMA Artist Center.
PHOTO/S: @saviourxxramos @tanyasabelramos @wendellramosofficial on Instagram

Sasabak na rin sa showbiz ang magkapatid na sina Wendell Saviour at Tanya Isabel Ramos.

Ang dalawang anak ni Wendell Ramos ay kasama sa mga bagong talents na pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center (GMAAC), at inaasahang makikita sila sa mga upcoming projects ng Kapuso network.

Sa Zoom mediacon na ginanap para sa mga bagong GMAAC talents noong September 30, 2021, ikinuwento ng Ramos siblings na walang kamalay-malay ang ama nilang si Wendell nang mag-audition sila.

Ipinaalam na lang nila ito noong makapasa sila at pipirma na bilang bagong talents ng Kapuso network.

Ayon kay Tanya, who just turned 15, “He was proud and all kasi hindi naman po lahat natatanggap. Me and my brother, dumaan naman po sa mga auditions, mga panels. So I think, we worked hard naman po to achieve this, and nagpapasalamat po kami sa GMA Artist Center for this opportunity.

“I think Daddy wasn’t surprised at all kasi tine-train na niya po kami, iyong personality namin, and he gave us values, and ganoon niya na po kami pinalaki."

Continue reading below ↓

Kuwento naman ni 22-year-old Saviour, inspiration niya ang kanyang Daddy Wendell noong lumalaki siya. Pero nais nitong malagpasan pa ang naging achievements ng kanyang ama.

Continue reading below ↓

Aniya, “Ang big dream ko po talaga is malagpasan ko po iyong dad ko. Gusto ko pong makilala bilang drama actor po, hindi po sexy and comedian. And gusto ko pong maging motivation sa ibang tao."

Maraming netizens na ang pamilyar kay Saviour dahil parati siyang kasama sa mga workout photos ni Wendell sa Instagram.

Lumabas na rin si Saviour sa online drama anthology na Unlocked at sa BL series na Happenstance.

LESSONS FROM DADDY WENDELL

Kilala ang kanilang amang si Wendell bilang isang former teen idol na naging sought-after leading man sa TV at pelikula. Ayon sa magkapatid, hindi naman nito itinago sa kanila ang kanyang pagiging artista.

Kuwento ni Saviour, bata pa lang daw ay hindi na sikreto sa kanya na sikat na artista ang daddy niya. Sinasama raw kasi siya parati ni Wendell sa taping ng Bubble Gang.

At tuwing pupunta sila sa mall, makikita niya ang malalaking poster ng daddy niya sa Bench.

Continue reading below ↓

"Kaya sanay na po ako kapag may nagsasabi na, 'Uy, tatay mo pala si Wendell Ramos?'"

May binigay bang advice at pangaral si Wendell sa kanila tungkol sa pag-aartista?

Sagot ni Saviour, “Lagi pong sinasabi ni Daddy sa amin ng sister ko is, ‘Ang pagiging arista, hindi iyan biro, lifestyle iyan. Kailangan mong mas maging responsable, mas maging focused every day. Pag naging artista ka, lahat ng ginagawa mo dapat pinag-iisipan mo.’

“Basta pa may role daw po, kahit small roles iyan, kahit ayaw mo iyong role, dapat daw ipasok mo iyong puso mo doon kasi doon ka mas matututo, mapupuntahan mo iyong success at mas gagaling ka doon.”

Kaya naman dagdag pa ng future Kapuso hunk, “I feel very blessed po dahil mabibigyan po ako ng chance to show everyone kung ano po makakaya ko.

“Sobrang excited po ako ipakita kung ano kaya ko gawin and, at the same time, sobrang excited po to grow here sa GMA family.

Continue reading below ↓

"I promise to be always ready po and give my 100% when it comes to working."

Para naman kay Tanya, hindi raw niya malilimutan ang laging paalala ng kanilang 43-year-old dad na maging mabait at maging magalang sa mga taong makikilala nila sa showbiz.

"Ang talagang tumatak po sa isip ko iyong pagiging obedient and respectful.

"Sabi niya po na maganda po na ngayon pumasok kami ng showbiz para bata pa po nate-train na po iyong ugali namin and iyong pakikisama sa tao. Kasi daw po dati, wala daw pong mga Artist Center, so mahirap pong makisama.

“Wala pong nagtuturo sa kanila. Kaya nga po ngayon, iyon po iyong tumatak sa isip ko na iyong respect po talaga hindi lang sa co-actors, pero sa mga staff, cameraman at sa iba pang mga taong makakatrabaho namin."

Taong 1995 noong magsimula sa showbiz si Wendell sa edad na 16. Mula sa pagiging print ad model, naging manager niya si Douglas Quijano at ginawa siyang matinee idol at leading man sa pelikula.

Continue reading below ↓

Na-introduce si Wendell sa pelikulang Kabilin-Bilinan Ni Lola at nasundan ito ng Tagpuan, Most Wanted, Two-Timer, Bedtime Stories, Bakit Papa?, Nagmumurang Kamatis, Gamitan, Sex Drive, Keka, Filipinas, Sabel, at Hubog, kunsaan nanalo siya ng Best Supporting Actor sa 2000 Gawad Urian.

Sa TV ay isa si Wendell sa original member ng Bubble Gang sa GMA-7. Naging bahagi naman siya sa iba't ibang Kapuso teleserye tulad ng Sana Ay Ikaw Na Nga, Kung Mawawala Ka, Narito Ang Puso Ko, Darna, Captain Barbell, Sinasamba Kita, La Vendetta, Dyesebel, Ako Si Kim Sam Soon, Una Kang Naging Akin, Kaya Kong Abutin Ang Langit, Inday Will Always Love You, Onanay, at Prima Donnas.

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meet Wendell Ramos' children Tanya (L), 15, and Saviour (M), 22, who recently signed their contracts as new talents of GMA Artist Center.
PHOTO/S: @saviourxxramos @tanyasabelramos @wendellramosofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results