Tricycle driver at mananahi, niregaluhan ng mga anak ng house and lot, kotse

Nov 1, 2021
Jerry Calata and wife Cely, who never asked for anything from their four children, want something from them now. Jerry says, “Puwede na silang magpamilya. Sana magkaroon na ako ng apo.”
PHOTO/S: YouTube (Stories of Hope, GMA Public Affairs) / James Calata (inset)

Sulit ang dugo’t pawis na pinuhunan ni Jerry Calata at ng misis nitong si Cely para mapag-aral at mapagtapos ang kanilang apat na anak.

Isang tricycle driver si Jerry habang mananahi naman si Cely.

Iginapang nilang mag-asawa ang pagpapaaral sa apat na anak, na lahat ay one-take board passers.

May anak silang electrical engineer (Fatima), civil engineer (James), teacher (Cecile), at mechanical engineer (John).

Sinuklian ng magkakapatid ang hirap ng kanilang mga magulang nang ibili sila ng two-story house at kotse.

Ang success story ng pamilya ni Jerry ay naitampok sa programang Stories of Hope ng Gtv, October 25, 2021.

Si Jerry ay hanggang first year high school lamang ang inabot. Kinailangan niyang huminto dahil sa kahirapan.

Tinulungan niya ang kanyang mga magulang sa pagsasaka sa Isabela.

Samantala, ang asawa niyang si Cely ay dating nagtrabaho sa pagawaan ng tsinelas.

Nang makatuntong sa high school ang tatlo nilang anak, namasukan si Cely sa pananahi, habang ipinagpatuloy ni Jerry ang pamamasada ng tricycle.

Continue reading below ↓

Noong una, nakitira sila sa kapatid ni Jerry, pero kalaunan ay umupa sila ng isang maliit na tirahan sa Valenzuela.

Ani Jerry sa Stories of Hope, “Nung nagsabay sa high school yung tatlong anak ko, mahirap talaga kasi nakiki-boundary lang ako.

“Budget talaga araw-araw. Nilalagay ko sa notebook yung para sa obligasyon, lahat ng bayarin.

“’Tapos yung tira noon, yun ang panggastos. Pero nagagawa pa rin niya [misis], nagtatabi para sa tuition fee.”

Bagamat hirap sa pagpapaaral ng mga anak, hindi pinahinto ng mag-asawa ang sinuman sa kanilang mga anak.

Kuwento ni Jerry, “Ginagawan na lang talaga ng paraan ng pagtitipid, pagtitiis. Kasi baka maapektuhan sila.

“Kawawa naman kung pahintuin mo yung isa o yung dalawa. Masasaktan yung pahihintuin.”

Mas bumigat daw ang pasanin nang tumuntong na ang tatlo sa kolehiyo.

“Nung nagsabay yung tatlo sa kolehiyo, mas lalo hirap yung naramdaman ko dahil, siyempre, hindi na basta-basta yung budget nila. Dinadaan na lang talaga sa pagtitipid.”

Continue reading below ↓

May mga pagkakataon rin daw na kinailangan nilang mangutang.

(First row from right, clock-wise: Fatima, James, Cecile, mom Cely, John, and dad Jerry).

Pinatotohanan naman ni James ang testimonya ng kanyang ama.

Tiniyak daw ng kanilang mga magulang na nakakakain sila nang tatlong beses sa isang araw, pero kapalit noon ay walang mga laruan at gamit na ipambibili para sa kanila.

Continue reading below ↓

Kuwento ni James, “Kaming magkakapatid naman simula’t sapul naiintindihan na namin iyon kasi nga, nakikita na namin sila nahihirapan.”

Nilalakad daw nilang magkapatid ang papunta sa eskuwelahan dahil malapit lang sa kanila ito, “Para yung baon mapunta na lang talaga sa pagkain.”

Upang makatulong pa sa mga magulang ay naging working students silang magkakapatid.

Sabi ni James, “Para sa amin kasi, hindi hadlang ang kahirapan para matapos yung gusto namin.

“Kaya kahit mahirap, sinabay talaga naming na magtrabaho sa fast-food or maghanap ng iba pang pagkakakitaan para matulungan din sina Nanay at Tatay.”

Nagtapos ang tatlong magkakapatid sa Pamantasang Lungsod ng Valenzuela, habang ang kanilang bunsong kapatid na si John ay nagtapos sa Technological University of the Philippines.

Sabi ni James, “Awa ng Diyos kaming apat naman, one take lang lahat sa board exam.

“Siguro dahil na rin iyon sa pagsisikap, saka tulong na rin ni Lord sa paghihirap nina Nanay at Tatay.”

Continue reading below ↓

Matapos magsipagtapos, nangibang-bansa sina Fatima, Cecile, at James. Sina Fatima at Cecile ay nagtungo sa Dubai.

Si James naman ay nagpunta sa Kuwait noong November 2017, at nagtrabaho sa isang gas and oil company hanggang December 2020.

Dahil mga proyesyunal na ang magkakapatid, nagkasundo-sundo silang magtutulungan para maiahon sa hirap ang kanilang mga magulang bago sila magsipag-asawa.

Pahayag ni James, “Lupa at bahay talaga ang una naming pangarap sa kanila kasi yun talaga kasi ang pinakamagandang iregalo para sa magulang.”

Mula 2015, hinulugan ng magkakapatid ang loteng 80 square meters sa halagang PHP800,000. Natapos nila itong bayaran noong 2018.

Laking tuwa naman nina Jerry at Cecile nang ipalam sa kanila ng mga anak na nakabili na sila ng lupa para patayuan ng sarili nilang bahay.

Sabi ni Jerry, “Hindi ko naipasok sa isip ko na mangarap na nagkaroon ng lupa.”

Taong 2016 ay nagkasundo ang magkakapatid na bilhan ng sariling tricycle ang kanilang ama.

Continue reading below ↓

Sinimulan namang ipatayo ang kanilang bahay noong 2018, na lalong ikinatuwa ng kanilang mga magulang.

Lahad ni James, “Mahigit PHP2 million yung nagastos namin nung pinapatayo yung bahay. ‘Tapos nilipatan namin siya noong April 2019, nung sabay din kaming magbakasyon ni Ate.

“Nung lumipat na kami dito sa bahay, sobrang fulfilling kasi natupad na yung pangarap naming pamilya na magkaroon ng sariling bahay at lupa.”

Kung dati ang inuupahan nila ay iisa lang ang kuwarto at ang sala ay siya na ring kainan, mas malaki pa ang bahay nila ngayon.

May tatlo itong kuwarto, dalawa ang restrooms, may sariling kusina, kainan, at sala.

Hindi rito nagtatapos ang sorpresa ng magkakapatid para sa kanilang mga magulang.

Noong November 2020, isang kotse naman ang iniregalo nilang magkakapatid.

Si James ang nagbigay ng downpayment na PHP300,000 at ang monthly payment ay ang mga kapatid niya ang nag-shoulder.

Continue reading below ↓

Pero sa kabila nito, patuloy sa pagtatricycle si Jerry.

Sabi ni James tungkol dito, “Yung pagtatraysikel ni Tatay talagang pinipigilan na naming magkakapatid iyon, pero at the end of the day, yung gusto pa rin niya ang masusunod.”

Napagdesisyunan na nilang magkakapatid na huwag nang kontrahin ang kanilang ama.

Katwiran ni Jerry, “Bukod sa nakasanayan, malaking tulong pa rin sa mga anak ko yung kinikita ko.”

Ngayong may bahay at sasakyan na si Jerry, may ilang kahilingan pa siyang hinahangad.

Ang patuloy na magdamayan at magtulungan ang kanyang apat na anak.

Isa pang kahilingan ni Jerry: “Puwede na silang magpamilya. Sana magkaroon na ako ng apo.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerry Calata and wife Cely, who never asked for anything from their four children, want something from them now. Jerry says, “Puwede na silang magpamilya. Sana magkaroon na ako ng apo.”
PHOTO/S: YouTube (Stories of Hope, GMA Public Affairs) / James Calata (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results