Isabel Rivas lauds manugang Nadine Samonte; welcomes third apo

by Jojo Gabinete
Nov 30, 2021
Isabel Rivas' daughter-in-law Nadine Samonte gives birth to third baby
Isabel Rivas is hats off to manugang Nadine Samonte, who recently gave birth to her third baby. She says, "Napakabait na nanay ni Nadine. Lahat ng hirap at pasensiya, ginawa niya kahit hirap na siya at napakabigat ni Harmony Saige."
PHOTO/S: @nadinesamonte @isabelrivasfarmgirl on Instagram

Lubos ang pasasalamat ni Isabel Rivas sa Panginoong Diyos dahil maayos at maluwalhati ang pagsisilang ni Nadine Samonte sa pangatlong anak nito noong Linggo, November 28, 2021, sa Manila Doctors Hospital.

Si Isabel ang ina ni Richard Chua, ang asawa ni Nadine na labas-masok noon sa ospital dahil sa maselang pagbubuntis.

Ayon kay Isabel, Harmony Saige ang napiling pangalan nina Richard at Nadine para sa kanyang ikatlong apo.

Hindi pa nakikita nang personal ng lola ang apo dahil nasa lock-in taping siya ng First Lady sa La Union.

Ang First Lady ang sequel ng First Yaya, ang successful prime-time series nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez sa GMA 7.

"Nanganak si Nadine last November 28, Sunday, at 10 am thru Caesarian section. Indeed, napakahirap ito na pregnancy ni Nadine, but salamat talaga sa Panginoon dahil naitawid niya.

"Napakabait na nanay ni Nadine. Lahat ng hirap at pasensiya, ginawa niya kahit hirap na siya at napakabigat ni Harmony Saige.

Continue reading below ↓

"Very hands-on sila ni Richard sa kanilang mga anak.

"Masayang-masaya ang pakiramdam ko ngayon dahil sa sobrang pagpapala ng Panginoon sa pamilya namin, hindi lang sa pagdating ni Harmony."

Nadine Samonte third baby

Sa kabila ng pandemya, nagkaroon ng TV project ang 62-year-old star.

Sa pagpapatuloy niya, "Napakarami pa ang pagpapala, isa na itong trabaho ko na napakagaan sa puso.

Continue reading below ↓

"Mababait ang mga artist, production people, at lahat sila.

"Walang ka-toxic-toxic sa buhay trabahador. Trabaho lang kami at after ng kainan, barkadahan, at masaya kaming lahat.

"Sobrang pagpapala na may trabaho kami kesa tumitig sa kisame."

Matatagalan pa ang pagkikita ng mag-lola dahil hanggang sa December 20 ang lock-in taping ni Isabel para sa upcoming prime-time television series ng GMA 7.

Ayaw muna sana ni Isabel na tumanggap ng trabaho habang hindi pa nanganganak si Nadine, pero pinilit siya ng mag-asawa na tanggapin ang alok.

"Binuyo ako nina Nadine at Richard. Nung sinabi ko na may offer sa akin, ayoko sana pero sabi nila, 'Hindi naman ikaw ang manganganak kaya magtrabaho ka Mommy para hindi ka mangulit.'

"Hindi rin ako puwede sa hospital dahil bawal, kaya ang family muna nila ang magba-bonding. Puro video call muna kami.

"Napaka-generous naman ng anak ko na si Nadine dahil tumatawag siya kapag milk time ni Harmony sa baby’s room.

Continue reading below ↓

"Five to six days pa sila sa hospital. Saka pa lang sila makakauwi ng bahay after a long time, mag-a-adjust pa sila as a family, at bonding ng magkakapatid."

Ang dalawa pang apo ni Isabel kina Richard at Nadine ay sina Heather Sloane, 5, at Austin Titus, 2.

Bulalas pa ni Isabel, "Everything is right timing. Praise God!"

Nakapanayam si Isabel ng Cabinet Files ngayong ngayong Martes, November 30.

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isabel Rivas is hats off to manugang Nadine Samonte, who recently gave birth to her third baby. She says, "Napakabait na nanay ni Nadine. Lahat ng hirap at pasensiya, ginawa niya kahit hirap na siya at napakabigat ni Harmony Saige."
PHOTO/S: @nadinesamonte @isabelrivasfarmgirl on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results