Awra Briguela proud na napatapos sa kolehiyo ang amang si Oneal Briguela

by Bernie V. Franco
Dec 8, 2021
Awra Briguela father
Awra Biguela's dad Oneal Briguela on continuing his tertiary education: “Nagsimula po ulit ako sa first year college. Thirty-two years old na ako noon."
PHOTO/S: YouTube (Karen Davila) /@awrabriguela on Instagram

Nagbunga na ang lahat ng paghihirap ni Awra Briguela, na nagsimula sa showbiz sa murang edad.

Naitampok ang magarang buhay ng 17-year-old na si Awra, na kilala bilang McNeal Briguela sa totoong buhay, sa YouTube video ni Karen Davila noong December 4, 2021.

Sa isang bahagi ng YouTube video, naikuwento ni Awra ang tungkol sa pagpapaaral sa kanyang ama na si Oneal Brian Briguela.

Napagtapos niya ito ng kolehiyo noong April 2019, at kita sa Instagram post ni Awra noon na abot-tenga ang kanyang ngiti kasama ang nagtapos na ama at ang kanyang lola.

Caption noon ni Awra: “Congrats papa! So proud of you!! Sabi nga nila its better than late, than never.”

“Kaming lahat nang anak mo sobrang saludo sayo! Kase pinakita mo samen kung gaano kahalaga ang pag aaral! I love you papa!! Congrats ulet!”

Nag-post din noon si Ogie Diaz para batiin si Awra dahil sa pagpapaaral niya sa kanyang tatay.

Continue reading below ↓

Awra Briguella father

AWRA’S FATHER

Sa isang interview noong 2017, sinabi ni Oneal na ang kanyang anak ang nagpaaral sa kanya nang mawalan ito ng trabaho.

"Parang siya na po yung nagpapaaral sa akin. Baliktad na," ani Oneal tungkol kay Awra.

“Simula lang po nung nawalan po ako ng trabaho 'tapos nahiwalay pa ako sa nanay niya, parang yun na lang naisip ko na magandang ipapakita sa mga anak ko," sabi noon ni Oneal.

Continue reading below ↓

Kinatigan ito ni Awra sa interview ni Karen Davila.

Sabi ni Awra, “Nung time po kasi na iyon, gustung-gusto talaga ni Papa nun ulit na bumalik sa pag-aaral.

"Kasi nga gusto niyang ipakita sa amin na kahit anong edad mo pa, puwede kang bumalik sa pag-aaral anytime.

“And gusto niyang patunayan sa amin na sobrang mahalaga talaga yung pag-aaral.”

Nagbalik-tanaw rin si Oneal nang itinuloy niya ang pag-aaral sa kolehiyo.

“Nagsimula po ulit ako sa first year college. Thirty-two years old na ako noon.

“Ako yung pinakamatanda sa batch namin na gumradweyt.”

Bagamat nagkaroon daw siya ng duda noong simula, hindi hinayaan ni Oneal na panghinaan siya ng loob.

Lahad niya, “Noong una po, nahihiya ako, e. Pero mindset ko, pakapalan na lang ng mukha ito.

“Kung di ko kakapalan ang mukha ko, walang mangyayari.

“Pero awa naman po ng Diyos, habang tumatagal, mas na-a-appreciate nila yung ganoong mindset.”

Awra Briguela father

Continue reading below ↓

Napagtanto ni Oneal na tama ang kanyang naging desisyon.

Sabi niya, “Na-realize ko po na iba kapag may aral. Iba yung kapag naka-graduate ka.

“E, ayoko din naman mangyari sa point na dumating yung mga anak ko sa ganoon, e.”

Lubos na kasiyahan naman ang naramdaman ni Awra nang makitang magtapos ang ama.

Sabi ni Awra, “Yung touching, ako po yung isa sa umakyat sa stage para bigyan siya ng diploma. Andoon po ako nang bigyan siya ng diploma.

“Siyempre, nakita ko po noon kung gaano siya kadesidido na bumalik ulit sa pag-aaral.

“Proud na proud po kaming umakyat siya ng stage and nakuha na po niya yung gusto niya talaga.”

Si Awra ay mayroon pang dalawang nakababatang kapatid mula sa ama at ina.

Matapos maghiwalay ang mga magulang, nakapag-asawa muli ang kanyang ama, kaya nagkaroon pa si Awra ng dalawang maliliit na kapatid.

Masaya ring binanggit ni Awra na nakaka-bonding din nila minsan ang kanilang ina.

Continue reading below ↓

Nakilala si Awra bilang si MakMak sa FPJ's Ang Probinsyano. Napasama rin siya sa mga pelikula ni Vice Ganda, at tuloy-tuloy ang kanyang pag-aartista hanggang sa ngayon.

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Awra Biguela's dad Oneal Briguela on continuing his tertiary education: “Nagsimula po ulit ako sa first year college. Thirty-two years old na ako noon."
PHOTO/S: YouTube (Karen Davila) /@awrabriguela on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results