May dahilan kung bakit "55 years old" ang sinasabing edad ni Dra. Vicki Belo sa kanyang seven-year-old daughter na si Scarlet Snow.
Ang totoong edad ni Vicki ay 65 years old.
Sabi ng beauty doctor, "First of all, I am not 66, I'm 65, one year means a lot to me. I don't know who put it there. Wikipedia palitan niyo, di totoo iyan. It says I'm 1957.
"But I do make it a secret kay Scarlet. Can you imagine, I never lie about it, but Scarlet is so worried about my age."
Ano ang pangamba ni Scarlet?
Sagot ni Vicki, "She's so fearful. She always ask me, 'Mom, how old are you? How old are you?' I couldn't understand why she used to make me repeat.
"Then I realized she's scared of me dying because I'm old.
"I will lie now. I have to say I'm 55. So, guys, please, when you talk to Scarlet, Mommy is 55."
RELATED STORIE:
This mother of two is 51, and we don't believe it!
Believe it or not this social media star is already a 54-year-old grandma
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vicki sa mediacon ng International Women's Day Special ng Philippine Heart Association noong March 9, 2022.
THE ADVANTAGE OF BEING A MOM IN 60s
Samantala, kahit ramdam ni Dra. Vicki na mahirap makipagsabayan minsan sa energy ni Scarlet, maituturing niyang blessing ang pagdating ng bunso sa buhay nila ng asawang si Hayden Kho Jr.
Bukod kay Scarlet, may dalawa pang anak si Dra. Vicki sa ex-husband na si Atom Henares. Sila ay sina Quark, 41, at Cristalle, 38.
Sa panayam ng beauty doctor sa PEP.ph noong April 2019, aniya, "Nagpapasalamat naman ako kasi nung bata pa sina Quark and Cristalle, of course, nagtatrabaho pa ako.
"Nag-i-start ng practice, wala pa akong pera nun, so kayod. 'Tapos kapag tinignan mo mga anak mo, medyo malaki na."
Kaya ang payo niya sa lahat ng mommies regardless of their age: magkaroon ng quality time para sa mga anak.
"Habang bata pa anak niyo, enjoy niyo, kasi ang bilis nila lumalaki. So, ngayon, I was given a chance to do it all over again.
"Ang sarap. Ang sarap talaga. Kasama ko palagi si Scarlet. Nakikita ko lahat—first walk, first word, everything. Enjoy na enjoy.
"I realized I missed a lot by being so goal-oriented when I was younger."