Bar passer lubos ang pasalamat sa ama na dating TNT sa Japan

by Bernie V. Franco
Apr 25, 2022
bar passer
Nag-viral ang amang si Renato Baysa nang umakyat sa puno ang isinabit ang tarpaulin ng anak na naging abogado na si Lynk Juren Baysa. Si Renato ay isang single dad at dating TNT sa Japan. Nagkuwento naman sa Eat Bulaga! (left photo) si Lynk tungkol sa hirap na dinanas nila bago ang tagumpay.
PHOTO/S: Eat Bulaga / PIA -Cagayan on Facebook

Abot-langit ang kaligayahan ni Renato Meniado Baysa nang pumasa sa bar exam ng kanyang anak na si Lynk Juren Baysa.

Umakyat pa ng puno si Mang Renato sa harap ng kanilang bahay para isabit ang tarpaulin ng pagbati sa kanyang anak.

“Congratulations From: Daddy. The single parent who sacrificed everything for your good. I am proud of you,” published as is na mensahe sa tarpaulin.

Si Mang Renato ay dating nag-TNT (Tago Nang Tago) sa Japan para makapagtrabaho at masuportahan ang pamilya.

Read: Anak ng dating TNT sa Japan, pumasa sa bar exam

Kinailangang umuwi sa Pilipinas ni Mang Renato at mag-isang inalagaan at itinaguyod ang kanyang tatlong anak.

Nilisan kasi ng kanyang misis ang kanilang tahanan.

Bumili si Mang Renato ng pampasaherong dyip at naging drayber.

Ikinuwento ng kanyang anak na si Lynk, o Attorney Lynk, sa episode ng “Bawal Judgmental” ng Eat Bulaga!, April 18, 2022, kung paano sila mag-isang pinalaki ni Mang Renato.

Continue reading below ↓

Si Lynk ay nagtapos ng Political Science sa University of Sto. Tomas at nagpatuloy ng pag-aaral sa law school sa kagustuhan ng ama.

Lahad niya sa show, “Iniwan po kami ng mother po namin. Pangalawa po ako. Tatlo po kami.”

Sa kabila nito, hindi raw nagtanim si Lynk ng sama ng loob sa kanyang ina dahil noon pa man daw ay hindi sila malapit dito.

Paliwanag ng bagong abogado, “Hindi ko po masasabing may sama ng loob. More on wala po akong nararamdaman…

"Kahit po nung kasama po namin siya, hindi ko po siya nakakausap. Hindi rin siya nakikipag-interact sa amin.

“Umaalis siya nang sobrang aga. Bumabalik siya nang sobrang late.

“So nung iniwan niya po kami, parang naisip ko lang po, ‘Ah, umalis na siya,' and dumating po yung father po namin.

“Nag-adjust lang po nang konti, pero hindi naman po ako nagtanim ng sama ng loob.

“More on parang nawala lang po talaga siya sa amin.”

Continue reading below ↓

lynk juren baysa

Ikinuwento ni Lynk Juren Baysa, bar passer, kung paano sila itinaguyod nang mag-isa ng amang si Renato Baysa, dating TNT sa Japan.

Maiksi ang pahayag ni Lynk nang hingan ng mensahe para sa ina.

“Sana po kahit papaano proud po siya sa amin kahit hindi na namin siya kasama.”

Continue reading below ↓

Aminado si Lynk na wala na silang ugnayan sa kanilang ina at hindi niya alam kung buhay pa ito.

Samantala, punung-puno naman ng pasasalamat si Lynk sa lahat ng sakripisyo ni Mang Renato.

“Maraming salamat po na hindi niya po kami pinabayaan, na nagtiis po siya sa amin, nagtiyaga…

“Na kinaya po niya kaming pag-aralin, kaming tatlong magkakapatid.

“Tiniis niya po yung pressure at hindi niya po kami iniwan.”

Ikinukunsidera pa raw ni Lynk na masuwerte silang magkakapatid dahil may mga taong kagaya niya na tuluyan nang iniwan ng kanilang mga magulang.

“Walang tumulong sa kanila.

“Sa amin po nakaranas kami ng hirap, [pero] kahit papano po, hindi po kami iniwan ng tatay namin, na may nasandalan po kami.”

At dahil dito, tinupad niya ang kagustuhan ng ama.

“Pangarap po ito ng father ko po na makatapos po ako ng Law. Eventually nagustuhan ko din po.

“Why not try na mag-law school baka po palarin. At sa awa po ng Diyos, nakapasa po tayo.”

Continue reading below ↓

First take ito ni Lynk at pinalad naman siya.

Nang pumasa, umakyat sa puno sa harap ng kanilang bahay sa Las Piñas ang ama para isabit ang tarpaulin.

Isang jeepney operator at mekaniko raw ang kanyang ama.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-viral ang amang si Renato Baysa nang umakyat sa puno ang isinabit ang tarpaulin ng anak na naging abogado na si Lynk Juren Baysa. Si Renato ay isang single dad at dating TNT sa Japan. Nagkuwento naman sa Eat Bulaga! (left photo) si Lynk tungkol sa hirap na dinanas nila bago ang tagumpay.
PHOTO/S: Eat Bulaga / PIA -Cagayan on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results