Ruffa Gutierrez glad her daughters are not "lakwatsera"; talks about U.S. dorm life of Lorin

by Rose Garcia
May 2, 2022
ruffa gutierrez daughters
Ruffa Gutierrez is very proud of having raised daughters Lorin and Venice very well despite the challenges of being a single mom: “Hindi easy to become a single working mom, talagang mahirap din. And I’m just very grateful and happy that my daughters are good, they’re very good.”
PHOTO/S: Gorgy Rula

Masasabi ngang isang magandang ehemplo ng isang single parent ang beauty queen/actress na si Ruffa Gutierrez dahil sa nagawa niyang pagpapalaki sa dalawa niyang anak na babae—sina Lorin at Venice Bektas.

Ang panganay na anak ni Ruffa, si Lorin, ay freshman college ngayon sa Pepperdine University sa California, U.S.A.

At kahit na malayo sa anak, kampante si Ruffa na napalaki niya nang maayos ang mga ito.

“You know, I trust Lorin,” saad niya.

“First of all, she’s in a Christian university. I make sure that we talk all the time and para sa akin, it’s best to be honest with your children.

“Kumbaga, hindi ko ginagawa yung ginawa ng mommy ko sa akin. I tried to play both good cop and bad cop.

"Yung parang, 'Okay, Lorin, Venice, ito ang mga dapat niyong gawin. Ito ang hindi niyo dapat gawin. Ito na ang nangyari.' So I made them decide.

“But I’m also strict, hindi ako lenient. And I think, hindi easy to become a single working mom, talagang mahirap din. And I’m just very grateful and happy that my daughters are good, they’re very good.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapag-adjust na raw si Ruffa sa sepanx (separation anxiety) sa anak niya.

Pagmamalaki niya, “Nakapag-adjust na ako. Actually, si Lorin ang hindi pa nakaka-adjust dahil parang nasa dorm siya. Kailangan niyang maglaba, kailangan niyang maglinis, kailangan niyang magluto.

“But for me, it’s worth it kasi at least, puwede siyang maging independent. Kailan pa siya matututo? So nasa sa kanya yun if she wants to do anything bad, which I’m sure she won’t.

“And nami-miss ko siya. Babalik siya any day now after the election.”

RUFFA STILL STRICT WITH NO-BOYFRIEND RULE

Ang mga anak niyang sina Lorin, 18 at Venice, 17 ay wala pa raw mga boyfriend o manliligaw.

“Wala pa,” lahad niya.

“Alam niyo, they’re homebodies. Parang nahahawa na nga ako sa kanila, hindi sila lumalabas ng bahay. And even Lorin, di ba, every time I call her, she’s just at her dorm.

“So I think, ang mga kabataan ngayon, hindi na katulad noong araw. I don’t know, ha? Ako nga, lakwatsera ako. Gala talaga ang mga paa ko. Pero sila, they like staying home.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero payag na ba siyang magkaroon ng boyfriend ang mga ito?

“Hindi ko ina-allow, pero sinasabi ko sa kanila, guys, see… every time they see me cry, when I cry, usually, it’s because of their dad, it’s more on—‘my gosh, kinaya ko! You’re in college now. Ginawa ko itong mag-isa.’

“So kita niyo, kailangan kapag na-in love kayo, you really have to choose really wise, di ba?

"Hindi yung... yung ibang kabataan ngayon, kung sinu-sino na lang ang dine-date.

"Gusto kong sabihin sa kanila na choose a God-fearing individual. Nakita mong mahal ang family and who have the right values.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruffa sa ginanap na pre-launch ng kanyang beauty and lifestyle brand, ang bago niyang negosyo na Gutz and Glow sa Panda Restaurant noong April 25.

RUFFA CITES DAUGHTERS' BEST TRAITS

Paglalarawan pa ni Ruffa sa mga anak, “I think, they’re strong individuals. Like, si Venice, matapang iyan. Malambing pero matapang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Lorin, she’s calculated. Matalino, hindi masyadong malambing, pero she will answer you directly. And I think, I’ve done a good job naman in raising them.”

Sabi pa niya bilang isang ina, “Ako talaga, I’m so proud. Kung okay sila, they will finish their studies and become successful, para sa akin, masayang-masaya na ‘ko. Bonus na lang lahat.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez is very proud of having raised daughters Lorin and Venice very well despite the challenges of being a single mom: “Hindi easy to become a single working mom, talagang mahirap din. And I’m just very grateful and happy that my daughters are good, they’re very good.”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results