Wala nang mas hihigit pang achievement para kay Maricel Laxa ang makitang masaya ang kanyang mga anak sa kanilang ginagawa.
Ayon kay Maricel, “When it comes to our children, si Donny is the one in showbiz and si Hannah is more of creator of digital platform. And then my daughter naman, si Ella, is more in the lifestyle area. Si Benj is in the music industry naman.
"So sa akin, namamangha ako every time na nakikita ko ang mga anak ko na they’re pursuing the things that they really love.”
Ten years old ang bunsong anak nina Maricel at Anthony Pangilinan na si Solana.
MARICEL ON HER KIDS JOINING SHOWBIZ
Parehong sikat ang mga magulang ni Maricel. Ang kanyang ama na si Tony Ferrer ang tinaguriang James Bond of the Philippines dahil sa spy character niyang si Tony Falcon sa Agent X-44 movie series. Ang kanyang ina naman ay ang award-winning actress na si Imelda Ilanan.
Pero kahit lumaki siya sa showbiz, inamin niyang hindi siya gaanong pabor na pasukin din ng kanyang mga anak ang pag-arte.
Aniya, “...never ko silang in-expose sa showbiz to a point na may plano rin ako na sana mag-showbiz sila.
"In fact, ako pa ang number one kalaban na mag-showbiz, kasi gusto ko na matapos nila ang pag-aaral nila.
“Pero, wala na talaga akong magagawa kung creative ang mga anak ko, so I’d really like to just support them.
“I’m just really blessed to see na they’re now having their own space, own platform, own following."
Ano ang madalas niyang bilin sa kanila, lalo na kay Donny, isa sa pinakasikat na aktor ngayon?
Sabi ni Maricel, "Ang palagi kong reminder, sana, kung ano man yung na-e-experience niyo na success, sana ginagamit niyo yun para sa mabuting paraan na maka-inspire rin kayo ng ibang mga tao. Na maabot din nila ang mga dreams and aspirations nila. So that’s where I am right now.”
MARICEL ON TV COMEBACK
Sabi nga namin kay Maricel, kahit na matagal din ang panahon na halos hindi siya tumatanggap ng showbiz projects, lalo na ang teleserye, ngayon naman ay sunud-sunod ang magagandang karakter na ginagampanan niya sa mga serye ng GMA-7.
Katulad ngayon sa GMA Afternnoon Prime na Apoy sa Langit, na napapanood mula Lunes hanggang Sabado.
Sab inga niya, “Yung feeling na meron kang project at this time, yung magkaroon ka ng chance na makasama mo ulit yung mga tao na dating nakasama mo. And, ako kasi, ang dami-raming taon na dumaan, 'tapos parang nag-iba na yung buhay ko, nag-iba na ang sistema ko.
“And then, kapag bumalik ka pala doon sa isang mahal mo, parang hindi mo talaga nakakalimutan iyon, and then muscle memory na lang yung gumagana.
"'Tapos, pagbukas mo ng isip at puso mo, marami ka pang matututunan, kaya exciting.”
Balik-acting na talaga siya ulit, aniya pa, “I’m thankful, I’m excited and I’m looking forward to more things to come.”