How Melissa Ricks told daughter Kiera about breakup with her dad

by Arniel C. Serato
May 29, 2022
Melissa Ricks on marriage life
Melissa Ricks on married life: "Mahirap pala ang may asawa, siyempre, magkaibang tao kayo, e."
PHOTO/S: Arniel Serato

Kumusta ang marital life ni Melissa Ricks?

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating aktres bago ito nagdiwang ng unang anibersaryo ng kasal sa asawang si Michael Macatangay nitong nakaraang May 23, 2022.

Kuwento nito, “Okay naman. Mahirap pala ang may asawa, siyempre magkaibang tao kayo, e.

“Magkakaibang personalities, minsan nagka-clash, pero ang kailangan doon, commitment talaga.

“Magkaiba kasi kami, siya, probinsiyano, ako, taga-city, mahilig lumabas, magkaiba lang talaga.

“Pero sabi nga nila, opposites attract, totoo yun.”

Balak na ba nilang magka-baby ngayong isang taon na silang nagsasama bilang mag-asawa?

Tugon ng aktres, “Oo, anytime naman willing akong magka-baby, in God’s time. Kung mangyayari, mangyayari iyan anytime.”

Itinuturing na ring second father ng anak niya sa unang karelasyon na si Kiera Kelly si Michael.

Sa ngayon, wala daw muna balak bumalik sa showbiz si Melissa.

Ano naman ang pinagkakaabalahan nila ng asawa sa ngayon?

Kuwento nito, “Yun pa lang ang ginagawa ko, influencing, di pa ako bumabalik sa showbiz, parang ayoko na, feeling ko, okay na ako sa ganitong buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Contractor yung asawa ko, 'tapos meron silang farm sa Rosario, Batangas, may mga chickens, mga baboy.”

MELISSA AND MICHAEL'S LOVE STORY

Muli ring binalikan ni Melissa kung paano niya nakilala si Michael.

After daw kasi ng hiwalayan nila ng tatay ng anak niya, parang gusto na lang niyang maging single.

Lahad niya, “Sabi ko, ‘Ay naku, ayoko na, ayoko na ma-stress, ayoko na mahirapan. Lord, kayo na po bahala basta huwag niyo kami papabayaan ng anak ko.’

“Kung ano man ang plano niya, kung single for life ako, basta kami ng anak ko, okay kami, okay na ako dun.

“And yun, nagpunta ako sa isang church sa Batangas, na-meet ko yung asawa ko dun, nakatabi ko siya dun.

“So isipin mo, from Quezon City, nagchu-church ako every Sunday sa Batangas.

“Dun ko siya nakilala. So kung yun ang plano ni Lord para sa iyo, yun talaga ang mangyayari, walang makakapigil.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkakilala sina Melissa at Michael sa Jesus the Anointed One Church, kung saan din sila na-engage noong August 2020.

Ikinasal ang dalawa sa California noong May 2021.

READ: Melissa Ricks weds non-showbiz boyfriend in California

CIVIL WITH EX

Bad breakup ba ang nangyari sa kanila ng kaniyang ex-boyfriend?

Natatawang sagot ni Melissa, “Bihira kasi yung good breakup, e, maraming naging problema kasi, magkaiba rin kami ng personality.”

Magkaibigan pa rin naman daw sila hanggang ngayon. At nahihiram na nito ang kanilang anak.

Paano niya sinasabi eight-year-old daughter na si Kiera Kelly noon na hiwalay na sila ng kanyang ama?

Saad niya, “Nung three years old pa lang siya, dinadahan-dahan ko na siya na, ‘Kami ng dad mo ay friends na lang, kasi ito yung much better, wala kaming away, at least, you have two houses.’

“So, hindi naman biglaan yung transition sa kanya. Inunti-unti ko talaga.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Melissa Ricks on married life: "Mahirap pala ang may asawa, siyempre, magkaibang tao kayo, e."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results