Rita Daniela to her unborn baby: “I can’t wait to meet you, anak.”

by KC Cordero
Jun 26, 2022
Rita Daniela also announces her pregnancy in an Instagram post
Obvious ang happiness ni Rita Daniela sa pagdating sa kanya ng motherhood. Sa kanyang Instagram post ay sinabi ng singer-actress na gagawin niya ang kahit ano para sa ikabubuti ng magiging anak.

Matapos aminin ng Kapuso star na si Rita Daniela ang kanyang pagbubuntis sa "Queendom" segment ng All-Out Sundays ngayong Linggo ng tanghali, June 26, 2022, nag-post din siya sa Instagram para i-announce na nasa interesteng stage na siya.

Read: Rita Daniela confirms pregnancy

Halatang masayang-masaya ang soon-to-be mom sa series of photos and video na ibinahagi niya sa Instagram.

Rita Daniela also announces her pregnancy in an Instagram post

Continue reading below ↓

Sa kanyang IG post ay naka-all white ang aktres habang hawak ang kanyang tummy, na may baby bump na.

May maikli ring video, in black and white, habang nagpapa-ultrasound si Daniela.

Rita Daniela also announces her pregnancy in an Instagram post

Nag-post din siya ng sonogram o resulta ng ultrasound, pero hindi niya sinabi kung ano ang gender ng kanyang baby.

Continue reading below ↓

Ang caption ni Daniela sa kanyang IG post: “You came just in time. You are God’s greatest gift to me.

“You give me hope to make more dreams COME true. I shall do anything and everything that’s best for you. Always.

“Nanay will always make sure that you have a heart for people and joy in the Lord.”

Inihayag din ng aktres kung gaano niya kamahal ang dinadala.

Sambit pa niya sa kanyang IG post: “I can’t wait to meet you, anak.

“Ngayon pa lang, mahal na mahal na kita.”

Nilagyan pa niya iyon ng heart emoji.

Sa comments section ay bumuhos ang pagbati kay Daniela ng kanyang mga kapwa-celebrity at mga kaibigan.

Hindi pa rin nagbigay ng detalye ang aktres kung sino ang ama ng kanyang baby, at kung anong petsa siya nakatakdang manganak.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Obvious ang happiness ni Rita Daniela sa pagdating sa kanya ng motherhood. Sa kanyang Instagram post ay sinabi ng singer-actress na gagawin niya ang kahit ano para sa ikabubuti ng magiging anak.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results