Rita Daniela proudly lauded by mom for courage not to hide pregnancy

by Arniel C. Serato
Jun 27, 2022
Rita Daniela's mom full support for daughter's pregnancy admission
Rosanna Iringan to daughter Rita Daniela: "GOD loves you so much for giving you a true blessing and a gift that will be yours forever!!!"
PHOTO/S: Courtesy: Rosanna Iringan

Saludo si Rosanna Iringan sa katapangan ng anak na si Rita Daniela, 26, na hindi itago ang pagdadalantao nito.

Kasunod ng pagsasapubliko ni Rita sa totoo niyang kalagayan sa “Queendom” segment ng All-Out Sundays kahapon, June 26, 2022, isang mensahe sa Facebook ang ibinahagi ni Rosanna.

Kahit alam niyang aaminin na ang anak ang pagbubuntis nito, iyak pa rin daw siya ng iyak habang pinapanood ang revelation ni Rita.

Read: Rita Daniela confirms pregnancy

Mensahe ni Rosanna, “I’m so proud of you anak!!! Ganun pala yun kahit pa alam ko na ano yung big revelation mo parang nag-pause ng saglit ang mundo ko at iyak ako ng iyak while watching you today sa Queendom [crying faces emojis] All-Out Sundays

Maituturing daw niyang blessings ang pagdadalantao ng anak.

Nangako naman si Rosanna na gagabayan ang anak sa motherhood journey nito.

Dagdag pa ng ina ng singer, "GOD loves you so much for giving you a true blessing and a gift that will be yours forever!!! I trust and believe that you will be a good and perfect nanay sa apo ko.

Continue reading below ↓

“Nandito lang ako palagi anak at gagabay sa lahat ng kailangan mo at ng apo ko!!!

“Mahal na mahal ko kayo and you made me more prouder!!”

Rita Daniela's mom full support

Sa Instagram kahapon, sinabi ni Rita na excited na siya sa pagdating ng kanyang baby.

Continue reading below ↓

Aniya, “You came just in time. You are God’s greatest gift to me.

“You give me hope to make more dreams COME true. I shall do anything and everything that’s best for you. Always.

“Nanay will always make sure that you have a heart for people and joy in the Lord.

“I can’t wait to meet you, anak.

“Ngayon pa lang, mahal na mahal na kita.”

Hindi pa ipinapakilala ni Rita sa publiko kung sino ang ama ng kanyang dinadala.

Read: Rita Daniela to her unborn baby: “I can’t wait to meet you, anak.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rosanna Iringan to daughter Rita Daniela: "GOD loves you so much for giving you a true blessing and a gift that will be yours forever!!!"
PHOTO/S: Courtesy: Rosanna Iringan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results