Bo Bautista reveals family set-up after separation of parents Romnick Sarmenta, Harlene Bautista

by Julie E. Bonifacio
Aug 9, 2022
Bo Bautista, daughter of Harlene Bautista and Romnick Sarmenta
Up-and-coming actress Bo Bautista on separation of her parents, Romnick Sarmenta and Harlene Bautista: "...hindi naman po nawala yung pagmamahal. Pamilya pa rin kami."
PHOTO/S: Julie Bonifacio (Bo Bautista); harlenebau on Instagram, Romnick Sarmenta on Facebook

Kilalang mahusay na chid star ang ama ni Bo Bautista na si Romnick Sarmenta habang ang kanyang ina na si Harlene Bautista ay markado ang dancing prowess among her co-That’s Entertainment members.

Pamilyar daw si Bo rito dahil sa That's Entertainment videos na napanood niya.

At an early age ay na-discover agad ni Bo na namana niya sa ina ang galing sa pagsayaw.

"Actually, nagko-concert po ako sa G-Force," sabi ni Bo.

Nagpatulong ba siya sa parents niya para makapasok sa showbiz?

Sagot ni Bo, "I think in a way po nakapasok po ako kasi yung mga kilala nga nila, ganoon.

"Yun nga napre-pressure ako na parang yung magulang ko artista na sila, magaling na sila, mas kilala. So, I think I will work hard lang to level up sa standards nila.”

Maganda rin ang relasyon ni Bo sa amang si Romnick, at updated daw ito sa mga ganap sa buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kinukwento rin sa kanya yung tungkol sa mga ginagawa ko ngayon. Kinukumusta niya ako.

"Of course, nalungkot po ako nung maghiwalay ang parents. Pero hindi naman po nawala yung pagmamahal.

"Pamilya pa rin kami. Same lang din po yung suporta nila pareho, equal lang."

Si Harlene ay masaya sa piling ng nobyong si Federico Moreno, habang si Romnick ay may anak na rin sa girlfriend nito na si Barbara Ruaro.

Bumibisita si Bo at iba pa niyang kapatid kay Romnick. Kaya nakikita ni Bo ang one-year old baby ni Romnick sa bago nitong kapartner.

Pagdating sa pag-aartista, payag si Bo na magkaroon ng ka-loveteam.

Aniya, "Okey naman po. Wala naman po ako’ng specific na hinahanap. Pero okey naman po sa akin."

Nasa senior high school pa lang si Bo. Pinagsasabay niya ang pag-aartista at pag-aaral sa ngayon. Sa college, gusto niyang kumuha ng kurso na may kinalaman sa theater.

Ang TV and concert producer na si Wowie Roxas, a.k.a Daddie Wowie, ang manager ni Bo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Introducing si Bo sa pelikulang Big Boyz produced by Daddie Wowie under his BMW8 Entertainment Art and Services.

May crush ba siya sa showbiz?

Sagot ni Bo, "Hindi naman po crush. Pero pogi lang, si Donny Pangilinan. Basta pogi lang po siya, yun lang po. Hindi ko po siya crush."

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Up-and-coming actress Bo Bautista on separation of her parents, Romnick Sarmenta and Harlene Bautista: "...hindi naman po nawala yung pagmamahal. Pamilya pa rin kami."
PHOTO/S: Julie Bonifacio (Bo Bautista); harlenebau on Instagram, Romnick Sarmenta on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results