Watch Now

Syrian-turned-Filipino vlogger Basel Manadil now new dad touts duty: “taga linis pwet.”

by Bernie V. Franco
Aug 24, 2022
basel manadil baby
DADDY DUTIES. Basel Manadil, also known as The Hungry Syrian Wanderer, shows off his firstborn.
PHOTO/S: The Hungry Syrian Wanderer

Ibinida ng kilalang vlogger na si Basel Manadil na isa na siyang ganap na ama.

Si Basel ay mas kilalang bilang The Hungry Syrian Wanderer sa YouTube, at kasalukuyang mayroong 4.88 million subscribers.

Bagama’t full-blooded Syrian, si Basel ay isa nang ganap na Pilipino mula pa noong 2019.

Napamahal kasi kay Basel ang kulturang Pilipino mula nang dumating sa bansa.

Samantala, sa kanyang recent Instagram post, ibinida ni Basel ang kanyang baby boy.

Nag-selfie ang vlogger kasama ang kanyang anak habang pinapaarawan ito.

Nakatutuwang caption ni Basel: “ My 8.5lbs baby boy, daddy duties paaraw muna tapos mamaya tanggal tae na naman maya’t maya. [laughing emoji]

“Kaya pala ‘wala na tae dito’ ang slogan natin magiging taga linis pwet pala ang ating duty.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginawang content ni Basel sa kanyang August 20, 2022 vlog ang panganganak ng kanyang asawa, na hindi ipinakita ang mukha. Pero base sa mga komento ng kanyang followers, isang Filipina umano ang asawa ni Basel.

Dokumentado ni Basel ang paghihintay sa panganganak ng kanyang misis.

Ani Basel nag-labor ang asawa ng 24 oras.

At kumukuha ng video si Basel sa operating room mula noong ipinasok ang buntis hanggang sa ipanganak ang kanilang baby.

Ibinahagi rin ni Basel ang total expenses nila sa Asian Hospital sa Alabang.

Umabot ito ng PHP204,000 dahil caesarian section ang delivery.

basel manadil

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FROM SYRIAN TO FILIPINO

Napadpad sa Pilipinas si Basel noong 2013 dahil sa gulo sa Syria.

Nag-aral siya sa University of Perpetual Help sa Las Piñas ng kursong Computer Engineering.

Dahil mahilig kumuha ng videos, naisipan ni Basel na gumawa ng vlogs, na ikinatuwa namang panoorin ng mga netizens.

Hanggang sa lumaki ang kanyang following dahil sa mga content niyang pagpapakita sa ganda ng Pilipinas at kultura nito.

Also read: Meet Basel Manadil, Syrian vlogger na naging Filipino national

Kalaunan, gumawa rin siya ng vlogs ng pagtulong sa mga random Filipinos na higit na nangangailangan.

Matapos maging Pilipino at tangkilikin ng mga Pinoy netizens, maging ang pamilya ni Basel ay dinala na rin niya rito sa Pilipinas at itinatampok rin sa kanyang vlogs.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DADDY DUTIES. Basel Manadil, also known as The Hungry Syrian Wanderer, shows off his firstborn.
PHOTO/S: The Hungry Syrian Wanderer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results