Watch Now

Pauleen Luna works behind the camera as Vic's "makeup artist," Tali's "acting coach"

by Melba R. Llanera
Sep 28, 2022
Vic Sotto, Pauleen Luna
For Pauleen Luna, her husband Vic Sotto and daughter Tali always come first and above anything else: "Kasi nakita ko yun sa mommy ko, e. Growing up, she set aside her career para lang masamahan ako sa tapings, sa shootings. I know it's not easy to put someone else first, especially for someone like her who is very accomplished tapos biglang kasama lang sa shooting o sa taping."
PHOTO/S: @pauleenlunasotto Instagram

Happy at proud si Pauleen Luna na karerin ang pagiging family woman bilang maasikaso sa mister na si Vic Sotto at hands-on mom sa anak nilang si Tali.

Sa daily noontime show na Eat Bulaga, na umeere sa GMA-7, si Pauleen ang uma-assist kay Vic. Sa weekly show na Love Bosleng and Tali na umeere sa NET25, si Pauleen ay acting coach naman ni Tali.

Work from home kasi ang setup ng pamilya nila ngayon.

Kuwento ni Pauleen, “In Eat Bulaga, I work behind the camera. E, yung portion namin sa Eat Bulaga, maraming kailangang communication from the studio to where Vic is.

"Ako yun! Ako yung tumatayong writer, lightsman, make-up artist para sa kanya.

“In Bosleng and Tali, acting coach. Hahaha! Ang papel ko naman dito sa Love Bosleng and Tali, bukod sa artista, ay acting coach ng aming maliit na anak.

“Siyempre naman, this is her very first acting experience, so kailangan talaga ng matinding prep, matinding patience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dahil, for all we know, hindi pa rin niya talaga alam kung ano ang ginagawa niya.

“But we're happy that she is enjoying. She's actually looking forward to our shooting days kasi kaibigan niya rin yung mga staff.”

Vic Sotto, Pauleen Luna, Tali Sotto

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LEARNING FROM HER MOM

Natutunan daw ni Pauleen ang kahalagahan ng pagpapamilya mula sa sariling ina.

Pagbabahagi niya, “Well, you know, my mom raised me to be someone who will put her family first. Kasi nakita ko yun sa mommy ko, e.

“Growing up, she set aside her career para lang masamahan ako sa tapings, sa shootings.

"I know it's not easy to put someone else first, especially for someone like her who is very accomplished tapos biglang kasama lang sa shooting o sa taping.

“In-instill niya talaga sa akin that family should be our number one priority.”

Ganoon ang ginagawa ni Pauleen kina Vic at Tali ngayon.

Aniya, “I think naa-apply ko naman ngayon especially mayroon na kaming anak.

"With every decision that we make, we take in consideration yung pamilya.

"Yung mararamdaman ng pamilya, makakabuti ba yun sa pamilya, kung tama ba o mali ba yung desisyon para sa buong pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kumbaga, whenever I decide on something, it's not only me.

"As a matter of fact, I come in last. Kumbaga, si Vic first and then si Tali. I will always take him into consideration."

Bata pa lang nang pasukin ni Pauleen ang showbiz, kung saan lagi nitong kasa-kasama ang inang si Mommy Chat sa anumang work commitment.

Ganito rin kaya ang gagawin niya kay Tali sakaling pasukin ng anak ang pag-aartista?

Sagot ni Pauleen, "Nung bata ako, sinasabi ko, ‘Ay naku! Di ako magiging katulad ni Mommy.' Kasi si Mommy, binitawan niya lang ako parang I was 22 or 23.

“Imagine, from 13 to early 20s kasama ko talaga siya every single day sa trabaho. Nakabuti naman, hindi naman ako naligaw ng landas.

“I mean, showbiz is something else, e. Madaming tao sa showbiz. They come from different walks of life. Maganda talaga na may nagli-lead.”

Sabi pa ni Pauleen, “malamang” ay “stage mom” siya kay Tali. Pero hahayaan daw niya itong lumaking may sariling diskarte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero you know, pag nakita ko naman siguro na mapagkakatiwalaan ko siya, siguro mas lenient ako nang kaunti.

“Ako kasi, masyado akong mabait, masyado akong gullible, madali akong papaniwalain, madali akong matangay sa alon.

"Kaya siguro mas strict yung mom ko sa akin. But you know, if I see Tali is strong, kaya niya, then mas maluwag ako sa kanya.”

Vic Sotto, Pauleen Luna, Tali Sotto

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TALI’S FIRST SHOWBIZ STINT

Mapapanood sa sitcom ng NET25 ang Love Bosleng & Tali tuwing Linggo, 6 p.m.

Paano napapayag ang mag-asawa na pag-artistahin na rin si Tali?

Ayon kay Pauleen, "Parang wala namang pagkukumbinsing nangyari, kasi for me, like what he [Vic] said, originally it was just him.

"Then, nung nag-meeting sila with Net25, siya lang din mag-isa. And then, after nung meeting, sabi niya, ‘Kasama pala kayo sa show.’ ‘Ah, kasama kami.’

"That's it, wala din namang alinlangan kasi we know din naman na we're in good hands.”

Vic Sotto, Pauleen Luna, Tali Sotto

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nae-enjoy raw nilang magtrabaho bilang pamilya, "For me, what’s also nice is that we are present dun sa first acting experience niya [Tali].

"We can feed her, we can somehow protect her."

Tukoy pa ni Pauleen sa galing ni Vic bilang aktor at host, “Also, she’s very fortunate dahil she's given the chance to learn from the best.”

Sabi pa niya, nagustuhan nilang mag-asawa na bahay nila mismo ang set sa show.

"Mas gusto niya actually sa bahay nagsu-shoot kasi mas comfortable kami, especially kasama namin si Tali.

“Kumbaga, hindi na maninibago si Tali dun sa set kasi kumportable na siya sa bahay namin."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For Pauleen Luna, her husband Vic Sotto and daughter Tali always come first and above anything else: "Kasi nakita ko yun sa mommy ko, e. Growing up, she set aside her career para lang masamahan ako sa tapings, sa shootings. I know it's not easy to put someone else first, especially for someone like her who is very accomplished tapos biglang kasama lang sa shooting o sa taping."
PHOTO/S: @pauleenlunasotto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results