Apat na ang anak nina Iya Villania at Drew Arellano: sina Primo, 6, Leon, 4, Alana, 2, at Astro, four months old.
Maliliit pa ang mga anak nila, pero ipinagmalaki ni Iya na marunong at maaasahan na sina Primo at Leon.
Ibinahagi niya ito sa digital media press conference ng Season 4 ng Eat Well, Live Well, ang 10-minute cooking show nila ni Chef Jose Sarasola, na muling mapapanood sa GMA-7 simula sa October 14, 2022, 11:05 a.m.
“Si Primo at si Leon, madali na lang. As we would add to the family, some people also add helpers.
“Ang nangyari, what I love about our set-up now is hindi kami nagdagdag ng helpers.
“Ang nangyari, nadagdagan ang dalawang bata ng responsibilities dahil wala nang masyadong nakatutok sa kanila. They’ve learned to do things on their own in the span of time that Astro arrived,” lahad ng Kapuso host.
Kaya hindi raw niya masabi na mahirap ang madaming anak.
Kuwento pa ni Iya, “They had to learn how to dress up on their own, to brush their teeth. At saka hindi ko na kailangang kulitin.
“Hindi yung parang dati na habulan dito, itu-toothbrush ko sila kasi ayaw nila. Dati, habulan kapag maliligo.
“Ngayon gets na nila, and they have become so much easier to handle kaya yun ang gusto ko sa nangyari.
“Nadagdagan kami ng, you’d think, ng hirap; pero actually, nadagdagan din kasi ng responsibility. Mas naging independent din yung dalawang kuya.”
- PEP HEADLINER: The multifaceted Alden Richards
- Sam Verzosa donates PHP5M to charity during his star-studded birthday gala
- Tiny house sa Cainta worth PHP650K, bulletproof at zombie-proof!
MORE BABIES?
Sa Instagram post niya noong September 28, 2022, sinabi ng 24 Oras showbiz news anchor na, “My heart just can’t take it!!! What precious gifts they are to Drew and I and to each other but Lord, please don’t make me want more children!”
Pero tila nagbago ang pananaw ni Iya.
Parang gusto niya na madagdagan pa ang apat na anak nila ni Drew.
“Nandito na nga ako ulit sa stage na ang cute nila masyado, dagdagan pa natin?” ang natatawang sabi ni Iya.
Aliw na aliw daw siya sa tuwing pinagmamasdan ang kanyang mga anak.
“Ang saya lang dito sa bahay especially now that… Si Drew kasi nawala siya ng isang buwan, so now that he’s back, feel na feel mo yung how they missed Drew.
“And si Drew naman, sobra siyang naaaliw, in the one month that he was away, how much Astro has grown. Ang saya lang.”
Aminado si Iya na may namamangha sa halos sunud-sunod niyang pagbubuntis.
“I know that some people think apat na ang anak, ‘Paano? Posible ba iyon? Hindi ba medyo riot iyon?’ But you know what, honestly, it was really hectic in the first two to three years of a child.
Pero diin niya, “Si Primo at si Leon ngayon, sobra na silang dali na i-handle. I don’t even include them when I think about riot dito sa bahay. Kapag nagkaka-riot, puwede ko na silang pagsabihan.
“Si Alana at si Astor, dahil sila yung dalawang maliit ko, sila pa yung dalawang kailangan tutukan. Siyempre, hindi pa sila nakakaintindi so sila yung mas matrabaho” paliwanag ni Iya.