Si Jayda ay nag-iisang anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza.
Maganda at talented si Jayda, kaya hindi maiiwasang magkaroon ng mga manliligaw ang 19-year-old singer.
Pero handa na ba si Dingdong na magkaroon ng nobyo ang kanyang unica hija?
Sagot ni Dingdong sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, "I don't think any dad will ever be ready. Di ko masasabi na ready ako, basta darating na lang iyan, hindi ba?
"Ang pinaka-reaction ko diyan, it's part of the circle of time."
Pinapayuhan naman daw ng 54-year-old singer ang kanyang anak.
Pagtuloy niya, "I keep telling her, 'Know your priorities and responsibilities attached to it.'
"Sabi ko sa kanya, 'If you decide to go to a relationship or start going out and meeting guys, make sure kilalanin mong mabuti.'"
Bilang isang ama, may tiwala raw si Dingdong kay Jayda pagdating sa mga desisyon nito maging sa pagpasok sa isang relasyon.
"Ang maganda kay Jayda, she's very focused. Of course, she has her crushes, mayroon siyang mga nagugustuhan.
"Pero we feel, kami ng mommy niya, she's very responsible and alam niya paano i-handle yun."
Okay ba sa kanya na taga-showbiz ang maging nobyo ni Jayda?
Sagot ni Dingdong, "Basta tratratuhin siya nang tama. It doesn't matter as long as tama ang trato sa kanya, nirerespeto siya.
"Importante sa lahat yun, yung rerespetuhin siya."
- Maxene Magalona reveals how she handled breakup with husband Rob Mananquil
- Maricar Reyes finally opens up about her 2009 scandal
- Angelica Panganiban's daughter Amila charms celebrities, netizens in new photos
ON JAYDA'S SINGING CAREER
Kung anu't ano man, proud si Dingdong dahil determinado ang anak pagdating sa karera bilang singer.
"I'm excited for her because alam ko yung passion ni Jayda, grabe yung love niya for her music, her craft.
"As parents, we're really proud of her, and we're here to support her. Gusto naming ma-reach niya yung full potential niya as an artist.
"Sinasabi nga namin sa kanya, gusto namin sa kanya long-term, e, hindi short-term. Ang importante longevity, kasi a lot of artists, sisikat tapos di naman masu-sustain.
"I keep telling her, for me, it's not about making it big but making it last. Bonus na yung making it big kasi di naman lahat mabibiyayaan ng ganun, e."
Sipag at tiyaga raw talaga ang mahalaga.
"Sabi ko sa kanya, you strive to learn and improve your craft. That's what makes people gravitate towards you.
"Pag alam nila at nakikita nila na ang music mo ay galing sa puso mo, talagang ramdam ka nila, they will keep coming back and support you."