Kuwento tungkol sa paglipad mag-isa ng chess champ na si Bince Operiano sa Thailand

May rebelasyon ang kanyang ama.
by Bernie V. Franco
Nov 18, 2022
bince operiano dad ben operiano
Ben Operiano, ama ng batang chess champion na si Bince Operiano, itinigil ang mga bisyo gaya ng pag-inom, paninigarilyo, at pagiging sabungero para matutukan ang pag-train sa anak.
PHOTO/S: Facebook (PIA Albay, CTTO)

Naantig ang marami sa istorya ni Bince Rafael Operiano, ang siyam anyos na chess prodigy mula Oas, Albay.

Si Bince ay nagwagi sa 6th Eastern Asia Youth Chess Championship sa Bangkok, Thailand, kamakailan.

Apat na medalya at isang tropeo ang naiuwi niya at nagbigay karangalan sa Pilipinas.

Read: Kapos sa budget, batang Pinoy na chess champion sa Thailand, 3 days natulog sa airport

Pero kumurot sa puso ng marami ang mga pinagdaanang hirap ng batang si Bince bago nakamit ang kanyang tagumpay sa Bangkok.

Dahil sa kawalan ng pera para sa pambili ng plane ticket, mag-isa munang tumulak ang bata papuntang Thailand.

Para sa isang tao lang kasi na-solicit nila kaya sumunod na lang ang ama niyang si Ben Operiano.

Ayon kay Albay 3rd district Representative Fernando Cabredo, tatlong araw natulog ang mag-ama sa airport.

Pero ayon naman sa coach ni Bince na si Archie Haig sa panayam nito sa ANCX, si Mang Ben ang natulog sa airport for two days habang inaantay na ipadala sa bank account niya ang perang pambili ng plane ticket.

"Yung first game ni Bince, umiyak siya dahil natalo siya at siyempre wala pa ang papa niya o ako sana. Pero nung sumunod na laban [andun na ang papa niya], ok na siya.”

Bince Operiano

pagtalikod sa mga bisyo

Nakabalik na ngayon sa bansa ang mag-amang Ben at Bince.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ulat ng Philippine News Agency, aminado si Mang Ben na kinailangan niyang baguhin ang sarili at talikuran ang kanyang mga bisyo para masuportahan si Bince.

Ani Mang Ben, "I stopped drinking liquor, quit smoking, and being a cockfighting aficionado to save money and give quality time for the training of my son.”

(Inaamin ko na kailangang kong kalimutan ang mga bisyo ko. Tinigil ko ang pag-inom, paninigarilyo, at pagiging sabungero para makaipon at tutukan ang training ng anak ko.)

Pero salat pa rin ang kita niya kaya kinailangan niyang tanggalin ang hiya at humingi ng tulong para makapunta sa Bangkok si Bince para sa chess tournament.

"I needed also to be shameless from soliciting assistance from people who signified willingness to help my son. I literally became shameless," sabi ng ama.

(Kailangan kong kapalan ang aking mukha sa pag-solicit ng tulong mula sa ibang taong nais tumulong. Naging makapal talaga ang mukha ko.)

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Idinetalye rin ni Mang Ben kung bakit kailangang mauna ni Bince sa Bangkok at magbiyahe nang solo.

“The money that we first raised was only enough for his fare. So Bince went alone to Bangkok. Then I just followed him on a separate flight after I raised an additional amount.

"Because of the help of our 3rd District Representative Fernando Cabredo and Oas Vice Mayor Hector Loyola, I was able to buy a ticket and follow my son in Bangkok, Thailand with a very limited budget."

(Yung unang na-solicit na pera ay sapat lang para sa isang ticket. Kaya mag-isang lumipad si Bince. Tapos sumunod na lang ako nang makapag-solicit ako ng pambili pa ng isang ticket. Dahil sa tulong ng aming 3rd District Representative Fernando Cabredo at Oas Vice Mayor Hector Loyola, nakabili pa ako ng isang ticket para sundan ang anak ko sa Bangkok, Thailand.)

Napabalitang nakita si Bince na umiiyak nang makarating nang mag-isa sa Thailand at natalo pa sa mga unang laban dahil wala siyang kasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Subalit nang makasunod na ang ama sa Bangkok, nagsunud-sunod ang kanyang panalo.

Bince Operiano dad Ben Operiano

Tinuturuan daw ni Mang Ben ang anak na huwag padadaig sa kahirapan.

“I always tell my son that poverty must not be a hindrance to his dream. Even if we are poor, we have to fight the hardships by having a strong heart and do not forget to thank God," sabi ni Mang Ben.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(Lagi kong sinasabi sa anak ko na hindi dapat maging hadlang ang kahirapan sap ag-abot ng pangarap. Kahit na mahirap kami, kailangang magkaroon ng tibay ng loob at magpasalamat sa Diyos.)

Ayon pa kay Mang Ben, nagsimulang matuto ng chess si Bince noong limang anyos lamang siya.

Sa edad na anim, sumabak si Bince sa una niyang chess tournament noong 2020 at naging kiddie champion.

At wala pang dalawang taon, nanalo na siya sa tournament sa karatig-bansa. Malayo at mahaba pa ang journey ni Bince.

For now, balik sa normal na buhay ang bata, na nag-aaral at tumutulong sa mga gawaing bahay.

Kuwento pa ni Mang Ben, maraming tao ang dumadayo sa kanilang lugar para makita at batiin ang kanyang anak.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ben Operiano, ama ng batang chess champion na si Bince Operiano, itinigil ang mga bisyo gaya ng pag-inom, paninigarilyo, at pagiging sabungero para matutukan ang pag-train sa anak.
PHOTO/S: Facebook (PIA Albay, CTTO)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results