Watch Now

Jessy Mendiola and Luis Manzano welcome their first baby, Isabella Rose

by Arniel C. Serato
Jan 7, 2023
Luis Manzano, Jessy Mendiola welcome baby girl
Luis Manzano and Jessy Mendiola announce the arrival of their first baby, Isabella Rose Tawile Manzano, via Instagram, today, January 7, 2023. Jessy gave birth to her first child with Luis on December 29, 2022.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Ipinagbunyi ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola ang pagdating ng kanilang panganay na anak na si Isabella Rose Tawile Manzano.

Base sa impormasyong nakalap ng Philippine Entertainment Portal, isinilang ni Jessy si Baby Isabella, sa pamamagitan ng caesarean section, noon pang December 29, 2022.

Ngunit nito lang Sabado, January 7, 2023, ibinahagi ng showbiz couple ang masayang balita sa pamamagitan ng social media.

Mensahe ni Jessy sa kanyang Instagram post: “I never knew I could love like this.

“My little Rosie. [rose emoji]

“Isabella Rose Tawile Manzano. [heart emoji]”

Simple lang din ang caption ni Luis sa kanyang larawan kung saan karga-karga ang anak na si Isabella.

Aniya, “Hi Peanut [hearts emojis] Isabella Rose Tawile Manzano”

View this post on Instagram

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)

Tawile ang totoong apelyido ni Jessy.

Bumuhos naman kaagad ang congratulatory messages para sa mag-asawa mula sa mga kaibigan nila sa showbiz:

Congratulatory messages for Luis Manzano, Jessy Mendiola

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Congratulatory messages

Inanunsiyo ng mag-asawa na malapit na silang maging magulang sa pamamagitan ng video na inilabas sa YouTube channel ni Jessy noong August 11, 2022.

Ito ang kumpirmasyon ng pagbubuntis ni Jessy dahil ibinahagi niya ang larawan ng sonogram, na ebidensiya magiging ganap na siyang ina, at ang mga litratong nagpapakita sa kanyang baby bump.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang dami kong memorable moments with Lu but this one, siguro this is the best,” ang isa sa mga linya ni Jessy sa video, na nagpakita rin sa buong pagmamahal na paghalik ni Luis sa kanyang tiyan.

Read: Jessy Mendiola, Luis Manzano expecting their first baby

Ikinasal sina Luis at Jessy sa isang pribadong seremonya sa The Farm sa San Benito, Lipa City, noong February 21, 2021.

Read: Surprise!!! Luis Manzano and Jessy Mendiola marry in secret on February 21, 2021

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano and Jessy Mendiola announce the arrival of their first baby, Isabella Rose Tawile Manzano, via Instagram, today, January 7, 2023. Jessy gave birth to her first child with Luis on December 29, 2022.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results