Watch Now

Alice Dixson opens up about being a mother through surrogacy

by Jojo Gabinete
Jan 20, 2023
alice dixson baby aura
Alice Dixson on being a mother to baby Aura: “This is the best role of my life. Sa lahat ng role na na-portray ko, this is the one that I cherish most.”
PHOTO/S: @alicedixson on Instagram

Ang pagkakaroon ng anak ang itinuturing ni Alice Dixson na pinakamahusay na papel na ginampanan niya.

“This is the best role of my life. Sa lahat ng role na na-portray ko, this is the one that I cherish most,” pahayag ni Alice sa pag-uusap nila ni Dra.Vicki Belo na mapapanood sa YouTube channel ng sikat na celebrity doctor.

Read: Alice Dixson on motherhood: "not an easy task for a 52-year-old”; but it makes her "very happy"

Malaki ang pasasalamat ni Alice kay Dra. Belo dahil malaki ang kontribusyon nito kaya natupad ang kanyang pangarap na magkaroon ng anak.

alice dixson dra. vicki belo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Dra. Belo ang nagrekomenda kay Alice ng doktor sa Amerika na tumulong sa 53-year-old actress para magkaroon ito ng anak sa pamamagitan ng surrogacy.

Ang surrogacy ay isang kasunduan kung saan ang isang babae ay pumayag na magbuntis at manganak para sa ibang tao.

Sinabi ni Alice na hindi niya naranasang magbuntis, pero kung papiliin, gusto niyang siya ang nagluwal sa kanyang anak na si Aura.

“Kung ako ang papipiliin, I'd rather have carried my daughter myself,” ani Alice, na ipinagtapat ang kanyang matagal nang kagustuhang magkaroon ng anak na sampung taon niyang pinagplanuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TWO MONTHS PREMATURE

May 2021 nang i-post ni Alice sa Instagram account nito ang pag-uwi nila ni Aura sa Pilipinas mula sa Amerika.

Read: Alice Dixson, baby arrive in Manila

Pero sa panayam ni Dra. Belo, ikinuwento ng aktres na February 2021 nang isilang ang kanyang anak.

“I'm coming home from taping a TV show, Legal Wives, we completed principal photography on February 14, 2021.

"And then the next day, I was at home just starting to unwind when I received a call, ‘You’re surrogate’s water broke,’ and this was the height of pandemic na you cannot get flights, there was still quarantine.

“So I didn’t know how I was gonna make it, like I had to do all these thing rush-rush ‘coz she was two months premature.

“So I was not prepared at all, I mean I knew what I was going to do but none of the arrangements had happened.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I was able to book a flight, I went there, I quarantined for about 7 to 10 days before I could actually go in to the hospital to see her.

“When I saw her [Aura], she was like a premature baby, she was very frail, like she looked like a little bird and I’m, like, 'Is this really my daughter?’

“She just turned out as she grew, she turned out to be such a lovely child. She’s so healthy now. There’s no signs of her being premature at all.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

INTIMATE MOMENTS WITH HER PARTNER

Naging masaya at pilya ang pag-uusap nina Alice at Dra. Belo nang mapadako ang kanilang pag-uusap sa intimate moments ng aktres at ng partner nito, na hindi kilala ng publiko dahil hindi kumportableng humarap sa kamera.

Natatawang ikinuwento ni Alice na nasubukan nitong magpabili ng "costumes" sa kanyang mga kaibigan na New York-based pero hindi naman niya nagamit.

“I have some friends from New York and I said, ‘Can you buy me some costumes?’ kasi siyempre hindi ako makakuha dito [Manila], hindi pa uso ang Lazada noon.

“'Can you buy me some costumes kasi I want to do something different?’ and so they bought me costumes.

"And I’m, like, ‘Hon, I have some costumes. You want me to wear them na?’ And he goes, ‘Okay, later.’

“Later siya nang later hanggang sa inamin niya sa akin, ‘I don’t really like costumes!’"

Nang itanong ni Dra. Belo kung ano ang mga binili niya, sagot ni Alice, “We got the police outfit with handcuffs… we got the waitress… we got the whip.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“You didn’t ask him?” tanong ni Dra. Belo.

“No, because I assumed. Mali yun, e. You should always ask them what they want…” reaksiyon ni Alice.

“What does he like pala?” sumunod na tanong ni Dra. Belo.

“All natural pala,” humahagikgik na sagot ni Alice, na nakapaninibago dahil ngayon lamang siya nagbahagi sa publiko ng mga nangyayari sa kanyang personal na buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alice Dixson on being a mother to baby Aura: “This is the best role of my life. Sa lahat ng role na na-portray ko, this is the one that I cherish most.”
PHOTO/S: @alicedixson on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results