Due to insistent public demand, may face reveal na si Isabella Rose Tawille Manzano, ang baby nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.
Matapos ang paghihintay, sa wakas ay ipinakita na sa publiko nina Luis at Jessy ang buong mukha ni Baby Rosie (palayaw ni Isabella) kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-one month old.
Matatandaang nitong nakaraang araw ay madalas usisain ng netizens kung bakit hindi ipinapakita ang mukha ng baby.
Read: Luis Manzano’s sarcastic response to basher of his baby
At noong naglabas ng litrato si Luis kung saan natatakpan ng rose emoji ang mukha ni Baby Rose, inurirat na naman ng social-media floowers ang host.
Read: ROUND 2: Luis Manzano burns basher for comparing him and Jessy Mendiola to “walang arte” couple
Iba-iba ang naging ispekulasyon nila.
Nariyang may kakaiba raw sa mukha ng baby kaya hindi nila ito ibinabalandra at ipinapakita.
May isa pang bastos na netizen na nagsabing baka raw "pisot" ang baby kaya may takip ang mukha nito.
Ang "pisot" ay salitang Cebuano na ang ibig sabihin ay "hindi tuli," ngunit ginagamit din ito bilang pang-insulto sa hitsura ng isang tao.
Ngayong Linggo, January 29, 2023, halos magkasabay na nag-post sa Instagram sina Luis at Jessy para batiin ang kanilang panganay.
Kalakip nito ang mga close-up picture ni Isabella na makikita ang kanyang buong mukha.
“Happy 1 month our little Peanut [heart emoji],” simpleng caption ni Luis.
Pagmamalaking caption naman ni Jessy [published as is], “Hello world, meet Isabella Rose Tawile Manzano [rose emoji].
“Happy 1 month, our little Rosie!”
Isinilang ni Jessy ang unang supling nila ni Luis noong December 29, 2022.
Pero nitong January 7, 2023 lamang nila ipinaalam sa publiko na sila ay ganap nang mga magulang.
Read: Jessy Mendiola and Luis Manzano welcome their first baby, Isabella Rose
Samantala, sa comments section ng kanilang mga posts ay bumuhos ang tuwa ng kanilang mga fans at co-stars.
Saad ni Bianca Gonzalez, “Hello, there. So precious [heart emoji].”
Komento ni Vina Morales, “What a cutieeeeeeeeeeeee.”
Bati ni Elisse Joson, “Hi little angel.”
Sabi ni Carla Abellana, “My goodness [heart emoji].”
Ani pa ni Lara Quigaman, “Beautiful.”
Nag-comment din ang ilang kapwa pa nila celebrities, kagaya nina Marian Rivera, Karla Estrada, Alex Gonzaga, Sofia Andres, Mariel Padilla, at Almira Muhlach.