Isinilang na ni Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel ang una nilang baby ng asawang si dating Maguindanao Second District Representative Esmael “Toto” Mangudadatu.
Sa Facebook post ni Sharifa noong September 8, ibinahagi ni Sharifa na isinilang niya ang baby girl nila ni Toto noong August 24, 2023.
Pinangalanan nila ang kanilang baby bilang Princess Salwa Akeel Mangudadatu.
Ang “Salwa” sa pangalan nito ay nangangahulugan daw na “solace” o kaginhawaan sa Islam.
Buong caption ni Sharifa sa kanyang post, “Assalamu Alaikum.
“Meet our bundle of joy, Princess Salwa Akeel Mangudadatu, born August 24, 2023 | 12:55 pm | 3.3 grams | 55 cm.
“Salwa whose meaning in Islam is SOLACE. One who provides comfort and brings happiness - something that will make you forget sadness and worries.
“Thank you for being our Solace.”
Unang ipinakita ni Sharifa ang hitsura ng kanilang baby sa pamamagitan ng Facebook post noong September 6, 2023.
Saad ng former beauty queen sa kanyang post, “Look who decided to show up!”
Ganito naman ang caption ni Sharifa sa kanyang post nitong nakaraang September 7, "It's been a long road, and I finally get to see your face.
“I get to hold you in my arms, and you hold my heart in your tiny little hands.
“Welcome to the world, my heart and soul.”
Kahapon, September 11, nag-post si Sharifa ng family picture kung saan kasama nila ang kanilang baby.
Sabi ni Sharifa sa caption, “Your birth gave us solace and comfort because you are Allah’s manifestation of love and greatness.
“You are our everything, our bundle of joy, heaven's gift - borne out of love.”
Ikinasal sina Sharifa at Toto sa pamamagitan ng isang “Walima Celebration” noong August 25, 2021.
Ang “Walima Celebration” ay isang uri ng seremonya kung saan ang Islam wedding ay kailangang ideklara sa publiko.
Ang public declaration ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpaplano ng Walimah o Muslim wedding reception at upang ipaalam sa publiko na masaya ang dalawang ikakasal.
Read: Rep. Toto Mangudadatu and beauty queen Sharifa Akeel are now married
May anak na babae din si Toto sa aktres na si Ynez Veneracion, si Princess Keilah del Rosario.
Read: Ynez Veneracion thanks ex-partner Toto Mangudadatu for spending time with their daughter