Camille Prats reacts to Angelica Panganiban's sentiments about struggles of motherhood

Camille: "She deserves all the love, the family that she is building now."
by Melba R. Llanera
Sep 15, 2023
Camille Prats and Angelica Panganiban
Camille Prats on Angelica Panganiban's happy family life with fiancé Gregg Homan and their daughter Bean: "Ito lang naman ang buhay na gusto niya, gusto lang niya na puno ng pagmamahal at kasiguraduhan. Something stable in life. And I'm really glad that she finally got that now."
PHOTO/S: Ryan Ong / @iamangelicap Instagram

Sang-ayon si Camille Prats sa sentimiyento ni Angelica Panganiban na minsan ay naisasantabi ang pangangailangan ng isang ina kapag mayroon itong bagong silang na anak.

Kaugnay ito ng cryptic Instagram post ni Angelica noong Hulyo, kunsaan naghayag siya ng sama ng loob sa ilang mga kaibigan na palaging anak na lang daw niya na si Amila Sabine, o Baby Bean, ang kinukumusta.

Nakakalimutan daw ng mga kaibigan na kumustahin ang paghihirap na pinagdadaanan niya bilang isang ina, ayon kay Angelica.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Camille sa Preview Ball noong September 8, 2023.

Dito ay tinanong namin si Camille kung nababanggit ni Angelica sa kanya ang mga pinagdadaanan nito.

"May mga times kasi na, siyempre, we talked about the struggles of motherhood.

"Minsan in passing lang, nadadaanan, napag-uusapan, pero hindi naman yung sobrang, like, really talking about it na talagang malalim ba.

"Pero yes, sometimes pag nagkakatsikahan kami, we always talk about 'mahirap maging nanay.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sometimes, people think it's always about the baby, pero kumusta nga naman si Mommy."

Dahil pareho na silang pamilyado ngayon, ikinuwento ni Camille na mas lumawak ang range of topics na napag-uusapan nila ni Angelica.

"Yes, when she became a mom parang nagkaroon kami ng a lot of things in common.

"And lately, for some weird reasons, sobrang nagte-trending yung G-mik sa TikTok, at nanunumbalik yung love team namin ni Stefano [Mori], and it really makes me miss that era of my life.

"Nakaka-miss din talaga, ang sarap lang balikan."

Dagdag pa ni Camille: "And those are things also na pinag-uusapan din namin ni Angge whenever we see each other.

"Siyempre we follow each other, si Bean sobrang cute. So whenever I see her, I always message her."

Nagsimula ang friendship nina Camille at Angelica nung mga bata pa lamang sila.

Si John Prats, na nakatatandang kapatid ni Camille, ay male best friend ni Angelica.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lubos ang saya ni Camille sa nakikita niyang kaligayahan ni Angelica sa piling ng fiancé nitong si Gregg Homan at anak na si Baby Bean.

"Yes, and she really deserves it," nakangiting saad ni Camille.

"She deserves all the love, the family that she is building now. All of these things deserve niya, kasi simple lang naman si Angge, e.

"Ito lang naman ang buhay na gusto niya, gusto lang niya na puno ng pagmamahal at kasiguraduhan. Something stable in life.

"And I'm really glad that she finally got that now."

Read: Camille Prats narrates how her stolen iPhone during BLACKPINK concert was retrieved

ON CAMILLE PRATS' HAPPY FAMILY LIFE

Masaya at kuntento rin si Camille sa asawang si VJ Yambao.

May dalawa silang anak, sina Nala at Nolan. Kasama rin nila si Ice, na anak ni VJ from a previous relationship, at si Nathan, na anak ni Camille sa namayapang asawa na si Anthony Linsangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang sangkap para sa isang masaya at buong pagsasama?

Sagot ni Camille: "A marriage should always have to be Christ-centered. Para sa akin, ang hirap na magkaroon or to be in a marriage kung it's always about you or the other person.

"Dapat pareho kayo, you have to seek God together kasi yun lang ang magiging guideline niyo kung paano ninyo rin mamahalin ang isa't isa."

Read: Camille Prats, VJ Yambao celebrate 10 years of togetherness

ON NEW SHOW IN GMA-7

Masaya si Camille na nakabalik siya sa pag-arte sa Kapuso afternoon series na Arabella, na nagtapos noong June 23, 2023.

Ibinalita niya sa PEP.ph na may bago siyang nakalinya na acting project.

"I just finished the serye with GMA, which I'm very, very happy about because of its success, praise God.

"By October, I'm starting another show. So I'm bracing myself for another four months of whole-day work na talagang apart from the family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But I am looking forward to it kasi siyempre I'm still enjoying acting. Pero siyempre, more than that, priority ko pa rin is taking care of my family.

"I just look forward to doing both at the same time. Sana mas ma-manage ko ang time ko kasi medyo struggle siya kapag pinagsasabay pa rin."

Bumabawi raw si Camille dahil limang taon din siyang hindi sumabak sa acting. Sa panahong iyon ay naging abala siya bilang host sa now-defunct Kapuso talk show na Mars Pa More.

"So being able to come back after five years made me realize how much I miss acting and how different also it is now.

"But I'm just very happy to be back doing acting. With my new serye, yes ibang-iba and my role is very challenging kasi bida-kontrabida siya."

Read: Camille Prats on working at a very young age: "I had so much fun!"

PREVIEW BALL 2023

Isa si Camille sa mga unang celebrity guests na dumating sa Preview Ball, na ginanap sa Manila Marriott Hotel sa Pasay City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakadalo na rin daw siya sa 2022 edition ng event.

"I am very happy because it's very nice to be invited and to be able to dress up and look nice.

"It's kind of, you know, have a little experiment with what to wear. Siguro what's nice about Preview, you can be creative, you can be who you want to be.

"You could be very expressive with the way you dress. And parang this one event na anything is just being accepted and loved.

"lt's nice to be part of something like that."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Camille Prats on Angelica Panganiban's happy family life with fiancé Gregg Homan and their daughter Bean: "Ito lang naman ang buhay na gusto niya, gusto lang niya na puno ng pagmamahal at kasiguraduhan. Something stable in life. And I'm really glad that she finally got that now."
PHOTO/S: Ryan Ong / @iamangelicap Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results