What Sunshine Cruz tells daughters Angelina, Sam, Chesca about love, suitors, and sex

Sunshine Cruz to daughters: "If you can preserve...yourself, the better."
by Arniel C. Serato
Sep 19, 2023
Sunshine Cruz on daughters Angelina, Sam, Chesca on sex
PHOTO/S: Arniel Serato / Sunshine Cruz on Facebook

Flattered daw si Sunshine Cruz, 46, kapag nakakarinig siya ng mga komentong para lamang niyang kapatid ang mga anak na sina Angelina Cruz, 22, Sam Cruz, 19, at Chesca Montano, 17.

Sina Angelina, Sam, at Chesca ay mga anak ni Sunshine sa ex-husband na si Cesar Montano.

Ang kuwento ng aktres, “Ako naman, ang sinasabi ko lagi, siguro yun ang advantage na nagkaroon ng baby nang maaga.

“Kasi ilang taon ako, 23, 24, when I had Angelina and sunud-sunod yun. And nakakatuwa, siguro, ewan, ewan ko, hindi ko naman inaano, basta nanay nila ako, and I am flattered na ganun ang sinasabi ng tao na mukhang magkapatid.

“Pero, I don’t see myself na ganun. Ewan ko nga, e, kung bakit sinasabi ng mga tao iyan, pero salamat. I’m flattered.”

Sunshine Cruz with daughters

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mga responsableng dalaga ang mga anak ni Sunshine.

Sa katunayan, pinagbubutihan ng tatlo ang kanilang pag-aaral, at palagi silang nahahanay at nagagawaran bilang honor students.

Read: Sunshine Cruz proud of daughters Sam Cruz, Chesca Montano for academic achievements

Nakikita kasi nila ang pagpupursige ng aktres para mabigyan sila ng magandang buhay.

At bagamat hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Sunshine at Cesar, pinili ng una na patawarin ang dating asawa.

Ani Sunshine, “I’m proud. Kaya nga wala naman ako talagang dapat parang… alisin yung bitterness at yung galit kasi ako naman, hindi ko naman ini-expect na maging honor yung mga bata. Aba, e, tatlo pa, honor students. Mababait pa. Magagalang.

“So wala talaga akong dapat ikagalit. Puro pasasalamat lang talaga ang nararamdaman ko.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine sa birthday party ni Dave Almarinez, asawa ng aktres na si Ara Mina nitong nakaraang linggo sa Top of the Alpha Events Place, Makati City.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

DAUGHTER’S LOVE LIFE?

Dahil mga babae ang anak ni Sunshine, ano ang madalas niyang bilin tungkol sa love life at mga suitors.

Sagot niya, “May mga MU-MU [mutual understanding] na iyan. Hindi mo naman maalis iyan sa mga kabataan, e, kaysa naman maglihim.

“E, ako nga, ilang taon nung nililigawan na rin ako. Siyempre kasama iyan. Part iyan ng kabataan, pero ang communication naman namin ay very open.

“Iyan ang pangako namin sa isa’t isa, of course, para kahit papano ma-guide-an din namin ni Cesar. Kaming dalawa, they’re very open to us.”

Sunshine Cruz, daughters, Cesar Montano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa kanya at kay Cesar, naging bukas na rin daw ang kanyang mga anak sa pagkukuwento tungkol sa kanilang mga crushes kay Kath Angeles, ang kasalukuyang partner ng ama nila,

Dagdag pa ni Sunshine, “And hindi lang ako. Ngayon kumportable na rin kasi sila sa tatay nila at kay Tita Kath nila.

“Nagkukuwento din sila ng mga crushes o may mga nanliligaw or meron ako… o nagalit ako kasi, yung mga ganun, may dumalaw sa bahay.

“Andun na kami sa point na very open naman ang communication at very open sila sa nararamdaman nila which I want also.

“Gusto ko yun, kaysa naman magsalita sila or magsabi sila more sa friends nila.

“At least ako bilang magulang, I want what’s best for the kids, always.”

Bilang isang responsableng mga magulang, hindi naman daw maialis ni Sunshine na pinag-uusapan nilang mag-iina ang tungkol sa sex, ang mga sirkumstansiya nito sa tao, at ang advantage at disadvantages ng premarital sex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Sunshine, “Of course yang sex, open naman kami diyan. Pero ang palagi kong sinasabi sa kanila na, ‘If you can preserve, of course, yourself, the better.’

“Sabi ko, ‘Alagaan ninyo ang sarili ninyo. Puwede naman kayong mag-MU, mag-date but yung mga ganyan, hanggang maari, siyempre, sana, yun naman ang prayer ng lahat ng mga magulang na alam ng mga bata ang mga boundary nila when it comes to those kinds of things.’”

Read: Sunshine Cruz on buying a new house: “Nag-upgrade ako because of my kids too.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Arniel Serato / Sunshine Cruz on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results