Gladys Reyes on disciplining her kids: "...mamalo ka nang may pagmamahal."

IMAGE Arniel Serato

Gladys Reyes is happy playing the roles of a wife, a mom, a host, an actress, an MTRCB board member, a producer, and a businesswoman. Her only complaint: "Matutulog ako 2, 3 A.M. Pero ewan ko, binabangon ako ng katawan ko, 7:30 A.M. Sa totoo lang, kapos na kapos."


Kahit sobrang busy sa maraming bagay, very hands-on si Gladys Reyes bilang isang ina at maybahay.
Pero ayaw daw niyang magbuhat ng sariling bangko.
Sa press conference ng Basta Everyday Happy noong May 8, sa 17th Floor ng GMA Building, ani Gladys, “Kasi, ayoko naman na parang ako yung mag-ano sa sarili ko.
"Pero, kung pag-uusapan po ang pagdidisiplina, of course, hindi naman ako yung basta ano, palo.
"But, I won’t tolerate kung medyo may kapilyuhang ginawa or kung medyo sa tingin ko...ayokong makasanayan nila ang ugaling yun hanggang sa paglaki nila.
“Sabi naman po sa Bible, huwag niyong iurong ang pamalo.”
Namamalo ba siya ng mga anak?
“Kung kailangan lang po. At ibig sabihin, mamalo ka nang may pagmamahal. Hindi naman sa papaluin mo ang bata kung saan tamaan.
Paluin mo sa puwet o kaya sa kamay kung ang kalaro niya ay pinalo niya at nasaktan.
"And after that, kailangan may ekplanasyon. Kailangan kapag in-explain mo sa kanya, hindi yung busy siya.
“I-address mo kaagad. Kung kailangan yung moment na yun, ikorek mo agad at hindi after two days.
"Dapat address agad-agad kasi, gusto mo siyang lumaking mabuting tao, mabuting Kristiyano. Nanay ang huhubog doon, magulang.”
TEACHING THE KIDS. Bilang miyembro ng Iglesia Ni Cristo, may Kid’s Church daw kung saan ini-encourage niya ang mga anak na mag-attend.
Nito ngang namatay ang asawa ni Wowie de Guzman, ipinagdasal daw ng anak na si Christoph ang dating dancer/actor.
“Nakakatuwa kasi, sabi niya after ng church, 'You know what, Mommy, I prayed for Tito Wowie.'
"Siguro, he prayed to gain strength. Kasi, naawa nga siya for what has happened. So yung ganun po, values and faith kay God."
Isa pang itinuro ni Gladys sa mga anak...
“...sana hindi mawala ang pagmamano, yung Filipino values. Kahit busy sila sa paglalaro, kapag dumating ang Nanay at Tatay ko sa bahay namin, I always remind them, bless. Huhubugin mo sila, kaya nga tayo nandito.”
LESSONS FROM HER MOM. Nagpapasalamat naman daw si Gladys dahil ang Nanay niya ay ilang taon nang naka-recover mula sa breast cancer nito.
Kaya raw noong mag-60 years old ito ay nagpa-party sila bilang pasasalamat na rin.
Bilang isang ina, ano naman ang mga natutunan niya sa ina?
“Parang siguro, kung meron man akong natutunan sa Nanay ko, yung pagiging hands-on. Lahat ng anak ko, breastfed. Kami rin, breastfed kami. Sabi ko nga, matinding bonding yun.
"At saka, sabi ko nga, wala nang papantay sa bonding na yun.
“Hindi man katulad noon na simpleng-simple lang ang buhay namin. Ang Nanay ko, housewife. Unlike ngayon, suwerte ko na nga I have trusted people sa bahay.”
SUPERWOMAN AS PEG? Sa dami ng ginagawa niya bilang aktres, host, MTRCB board member, producer, businesswoman at hands-on mom, aminado naman si Gladys na kung may kulang daw sa kanya, ito ay ang sapat na tulog.
“Kapag matutulog ako sa gabi, hindi ako makatulog sa gabi. Kapag alas-dose ng gabi, doon pa lang umaandar ang utak ko, doon ako nakakasulat ng script, episode ko for Moment’s taping.
"Matutulog ako 2, 3 A.M. Pero ewan ko, binabangon ako ng katawan ko, 7:30 A.M. Sa totoo lang, kapos na kapos.
“Masuwerte na akong may five hours akong tulog.”
Hindi ba siya nagkukulang sa mga pangangailangan ng mister niyang si Christopher?
“Siyempre hindi,” natatawa niyang sabi.
“Yun ang hindi ko puwedeng pabayaan. Dapat nga matuto ka na, hindi lang sa mga napapanood, sa experience ng mga kaibigan.
“Pero, sabi ko nga, si God talaga, ganoon niya ko sobrang kamahal na binibigyan niya ako ng enough energy na pati ang intimate moments namin ni Christopher, hindi masasakripisyo. Palaging meron.”
Super woman lang ang peg niya?
“Sabi nga, wala namang super woman. Pero si God, ang galing. Sa liit nitong frame ko na ‘to, lahat ng energy, binuhos niya para magawa ko lahat.
"At siyempre, time ko rin with my parents kasi siyempre, ang Tatay at Nanay ko, alam ko na ito ang pagkakataon of giving back.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN