Jennylyn Mercado on raising Jazz alone: "Hindi naman mahirap."

Jennylyn Mercado on the joys of being a mom: "Hindi ko na nga napapansin ang hirap, masarap talaga. Lalo na kapag nakikita mo ang anak mo na lumalaking mabait, matalino 'tapos healthy at masayahin."


Jennylyn Mercado will be celebrating Mother's Day at work.

She will be taping for GMA News TV's cooking show Dishkarte of the Day.

This Q & A actually happened while shes taping for the same show last May 5, in Casa Milan, Fairview, Quezon City.

This writer told her: "Ang laki na ni Alex Jazz."

Her son with Patrick Garcia is already eight years old.

How's motherhood so far?

“Masarap, masarap.

“Hindi ko na nga napapansin ang hirap, masarap talaga.

“Lalo na kapag nakikita mo ang anak mo na lumalaking mabait, matalino, 'tapos healthy, at masayahin. Okay ako, masayang-masaya ako.”

She is a a single mom.

When asked how she's able to juggle career and motherhood, she said, "Hindi ko rin alam, e"

But after this interview, the actress actually shared six important things every single mom learn from.

1. Reserve energy for your kid.

“Kasi kapag alam niyang dumarating ako galing sa trabaho, pupunta na lang ‘yan sa kuwarto, manonood kami ng TV.

“Maglalaro kami sa kuwarto, habulan, ganyan."

2. Reserve a special day for a trip to his/her favorite place.

“'Kapag may oras naman ako, pupunta kami sa mall. Mahilig siya sa mall, e, kahit lakad-lakad lang.

“'Tapos dadalhin ko siya sa toy store, papipiliin ko lang siya kung ano ang gusto niyang laruan.”

3. You can't do it all. Don't stress yourself too much about it.

In Jennylyn's case, these are what she called her "shortcomings."

“Siguro, mahirap lang yung hindi ko siya natutukan, pagsundo.

“Minsan, nakakapag-prepare pa rin ako ng mga baon, pero yun lang talaga

“Yung paghatid sa school, hindi ko na nagagawa.

“Yung pagsundo, hindi ko na rin nagagawa.

“Pero may mga times na mahirap lang, nakaka-guilty lang na hindi ko siya nasusundo o nahahatid o nasusubaybayan ang school niya.”

4. Master the art of multitasking.

Jennylyn just got used to it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro nasanay lang din ako na mag-isa ko.

“Nasanay ako na multitasking talaga."

5. It also pays to think ahead.

“Kasi kailangan habang lumalaki siya, inaaral mo yun talaga, kung saan siya magha-high school, kagaya ngayon, grade school na siya.

“Ano bang magiging future niya? Kailangan ready ka.

“Siguro yun lang, kailangang sanay ka na marami kang ginagawa, sabay-sabay.”

6. Never ever focus on the difficult part of being a single mom.

This writer asked, for major decisions about Jazz's welfare, doesn't she consult Patrick?

“Hindi e,” she answered.

She continued, “Hindi naman mahirap.

“Ako kasi, walang hirap sa pagpapalaki kay Jazz o pagdedesisyon, wala talaga.”

Lastly, does she have fears as a mom?

“Wala e. Sa ngayon kasi, wala akong naiisip na puwede kong katakutan.

“Kasi ngayon, sigurado naman akong lalaki siyang mabait na bata, matino.

“Nasa akin naman yun.

"So sa ngayon, wala akong takot.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN