Ogie Alcasid knows the Pinoy crushes of daughter Leila: "Ayokong sabihin dahil baka papagalitan ako."

IMAGE @ogiealcasid on Instagram

Ogie Alcasid hopes that his daughter Leila will be able to juggle showbiz commitments and her studies. "Lagi kong ini-example sa kanya ang sarili ko. Sabi ko, 'Anak nag-aral ako ng walong taon sa UP, napagsabay ko naman yun. I'm sure kaya mo rin.'"


Ogie Alcasid has talked to his eldest daughter Leila about her return to school.

The Songwriter began, “Well, yun nga namg pinag-uusapan namin nong Christmas break.

“Nag-usap kami nang masinsinan, 'Anak bumalik ka muna sa pag-aaral. Okey naman na mag-artista ka, wala naman akong problema doon.'"

Ogie said he has started looking at universities for Leila.

“So ngayon, ini-enrol ko siya sa U.P. [University of the Philippines] for 2018 and 2019.

“Tinitignan ko rin ang Ateneo [de Manila University] for her.

“Kasi ang gusto niyang kunin ay English Literature.

“Yung kanyang album malapit nang i-launch sa Star Music. Napakaganda ng mga kanta niya.

“So sana mapag-sabay niya yun.

“Alam niyo naman iyang mga batang yan, gusto nila magtrabaho lang. Siyempre, ako yung magulang sasabihin ko hindi puwede.”

PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) talked to Ogie during the presscon for his Valentine concert with Martin Nievera, Regine Velasquez, and Erik Santos titled #Pa-More, which will be held at the SM MOA Arena on February 10. The presscon was held on January 8, at Seda Vertis North in Quezon City.

Ogie added that he doesn't regret allowing Leila to enter showbiz.

He said, “Alam niyo hindi ko in-introduce ang showbiz sa kanya.

“Siya talaga ang may gusto. Kusa talaga niya talagang gusto.

“Walang pagsisisi dahil gusto niya.

“Nagugulat ako, hindi siya takot kumanta sa entablado. Hindi rin naman ako... everybody likes her.”

He continued, “Now ang dami niyang mga offers for commercials.

“Nakikita ko na bagay talaga siya.  Saka nag-i-improve na yung Tagalog niya.

“Sa bahay hindi na siya natatakot na magsalita ng Tagalog sa amin. Nakikita ko na nagpupursige naman siya.”

Even Leila's mom, his ex-wife Michelle van Eimeren, supports her decision to join the entertainment industry.

“Siyempre, very-very proud and at the same time ini-encourage niya yung anak niya na, ‘O, kailangang magsipag ka pa. Hindi naman iyan darating sa ‘yo on a silver platter. Kailangang magsikap ka pa.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa naman kasi very encouraging din naman sa kanya si Michelle.”  

Will Ogie allow Leila to choose showbiz over her studies?

After pondering, Ogie answered before laughing, “Siyempre sasabihin ko hindi.” 

He elaborated, “But tignan natin. Ako, e, ginagawa ko ang lahat na makapag-aral muna siya.

“Kaya namang pagsabayin kasi lagi kong ini-example sa kanya ang sarili ko.

“Sabi ko, 'Anak, nag-aral ako ng walong taon sa UP, napagsabay ko naman yun. I’m sure kaya mo rin.'

“Ang mga millennials kasi iba mag-isip, e,” Ogie observed.

“Instant gratification ang gusto nila, e. ‘Hindi, andito na iyan, sayang, tatanda na ako, malilipasan ako ng panahon’

“E, nagmamadali. Hindi katulad no'ng panahon natin relax lang tayo, chill lang tayo.

“So sana naman matutunan niya yun.”

What's her favorite type of music at the moment?

“Ang favorite niya yung BTS, lalo na pag si Jimin yung kumakanta,” he revealed. 

“So yun ang type niya.  Ang tagal-tagal na niyang gusto yung grupo.

“Basta, ang mga type niya yung mga BTS at saka yung mga kanta ko. Ano rin, ma-ballad din, e.”

ON FRIENDS AND FUTURE SUITORS. When it comes to the love department, Ogie said Leila still hasn't had suitors visiting their home.

He narrated, “Wala. Hindi bawal, marami namang nagsusubok pero natutuwa rin ako sa anak ko dahil sadya rin siyang mapili.

"Hindi siya basta-basta nakikipagkaibigan. Alam mo…

“Nagugustuhan ko naman yung mga barka-barkada niya.

“Mas marami siyang barkada na hindi showbiz, e.

“Among na close nya si Kakie [Frankie Pangilinan]. Yung anak ni Sharon [Cuneta].

“Si Kiana [Valenciano, daughter of Gary Valenciano], minsan nakakasama niya.

“Napakabait naman ng mga bata.”

Ogie shared that Leila likes Pinoy guys more than those with other nationalities.

“Nakum kilala ko ang mga crush niya, puro Pinoy! Ayokong sabihin dahil baka papagalitan ako. Magagalit sa akin yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puro Pilipino ang mga type niya.

“Kami naman tuksuhan kami nang tuksuhan. Alam ko naman kung may crush siya, e.

“Alam ko naman yun. At masasabi ko puro Pilipino ang crush niya.”

Ogie has no problems if Leila will have a Filipino boyfriend.

“Wala naman kasi sa akin yun,” he said.

“Ang sa akin lang naman, ang importante, kung sinuman ang magiging boyfriend niya, God-fearing, aalagaan siyang mabuti, magiging respectful.”

Ogie is proud each time people tell Leila that she's beautiful.

Ogie said smiling, “Nagbu-bloom sya.  Hindi ko ma-pinpoint, e. Pero sa tingin ko, nakita niya ang sarili niya uli.

“Hindi naman nawala yung pagiging Australian niya, Australian pa rin siya.

“But siguro dahil yung unang informative years niya was here.

“Naalala niya yung pagiging Pilipino niya. So, ayun siya, e. Hindi natin maiaalis sa kanya yun, Pilipino siya e.”

Ogie is also not worried that guys will soon come knocking on their door. 

“Naku marami namang takot sa kanya, e,” Ogie said of his daughter. 

“Kasi yung anak ko... una, matalino. 'Tapos siyempre, dahil anak ko, nai-intimidate sila.

“But my daughter is very welcoming. Napaka-friendly no'n, napakabuting tao.”

His message to Leila's future suitors, “Kayong mga manliligaw, huwag kayong mag-alala napakabait nung anak ko.”

He continued, “Walang problema sa akin yun. Ano ba naman yung mabigyan siya ng inpsirasyon.

“E, naalala ko nung kabataan ko, ang sarap kaya no'ng kilig nun.

“Niloloko ko nga yun kapag nakikita kong kumakanta palagi, 'O, ano may nagtext na naman sa 'yo?'

“Meron na namang ano... Sasabihin na naman nun, 'Dad, why?’  Sasabihin ko, 'Alam ko na yun kapag kumakanta-kanta kang ganyan merong nagpapakilig sa ‘yo.' Tama naman ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN