Neri Miranda has message for 'taong manloloko at abuso'

IMAGE @mrsnerimiranda on Instagram

Neri Miranda: "Mahalin mo at respetuhin mo ang mga taong naniniwala sa 'yo at binibigyan ka ng mga panibagong pagkakataon."


Making mistakes is part of being human.

This is the main message of celebrity mom Neri Miranda, wife of Parokya Ni Edgar frontman Chito Miranda, in her latest post on Instagram on Wednesday, February 20.

The 32-year-old mom shared her thoughts about getting back to the right path after losing one’s way.

”Kung sa tingin mo ay may niloko kang tao sa past o ngayon, hindi pa huli ang lahat.. ”

And the first step is to forgive oneself, “Puwedeng puwede kang magbago, patawarin mo ang sarili mo sa lahat lahat ng mga pinaggagawa mong kalokohan noon.

“Kase binigyan mo ang sarili mo ng panibagong pagkakataon at ang maganda pa diyan ay may naniwala sa 'yo."

STAY ON THE RIGHT SIDE. The Star Circle Quest alumna also said an honest work has its own reward.

“Maghanap ka ng marangal na trabaho at mahalin mo 'to. Pagkaingatan.

"Ang dami-daming puwedeng mararangal na trabaho, hindi kailangang manloko ng tao.

“Kapag tinutulungan ka na ng tao, wag mong abusuhin, at lalong lalo na wag mong lokohin.

“Kung akala niyo na yung tao na tumulong sa inyo ang naloloko niyo, sa mata ng Diyos, mga sarili niyo lang ang naloloko niyo.”

Neri warned, ”Sa ngayon, hindi niyo nakikita ‘yan pero kapag lumaki na ang mga anak niyo at may mangyare na hindi niyo inaasahan, mapapadasal na lang kayo sa Panginoon.

“At dun niyo mare-realize kung gaano kasama ang mga pinaggagawa niyo sa taong tumulong sa inyo, sa taong ginago niyo.

“Dun pa lang kayo hihingi ng tawad pero huli na ang lahat."

SPREAD THE GOOD. She further went on that it's not too late to change, "Hindi naman mahirap maging mabait sa sarili at sa kapwa.

“Naniniwala ako na kahit yung pinaka-gagong tao sa buong mundo ay may taglay pa ring kabaitan.

“Kailangan mo lang hanapin yun at yun ang spread mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Simulan sa sarili, sa mga kasama sa bahay, sa kapitbahay, at sunud-sunod na 'yan.

“Hindi mo namamalayan na gumagawa ka na pala ng kabutihan sa mga tao.

"Masarap mamuhay nang marangal, walang kaaway, hindi nag-iisip ng ikasasama sa sarili at sa kapwa.

“Ang mag-share ng blessings, ang may takot sa Diyos.

“Hindi mo naman kailangang maging relihiyoso, yung palaging palasimba 'tapos masama naman pala sa kapwa tao.

"Yung tipong alam mo na si God ang sentro ng mga buhay nating lahat at araw-araw ay kinakausap natin si God at nagpapasalamat sa kanya sa araw-araw."

EMBRACE THE GOOD. Neri also emphasized to treasure the trust of those people who have given one a second chance.

"Mahalin at respetuhin mo ang mga taong naniniwala sa 'yo at binibigyan ka ng mga panibagong pagkakataon.

“At wag kalimutang magpasalamat sa Diyos.

"Hindi mahirap maging mabuting tao, Yakapin lang natin ang mga magagandang example sa buhay.

“Masarap mamuhay at mabuhay ng magaan lang, ng simple lang.

“Hindi maiiwasang magkaproblema pero lagi nating iisipin na laging may solusyon ang mga problema.

“Sabi nga nila, habang may buhay, may pag asa. God bless us all."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN