Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Intramuros dungeon, parks are perfect for your budget-friendly date nights

by Justine Punzalan
Feb 4, 2020
For just PHP75, you can now enter the dark dungeons of Baluarte de Santa Barbara or stroll around Plaza Moriones in Intramuros until 11 P.M. daily.
PHOTO/S: Intramuros Administration on Facebook

Nalalapit na ang Valentine's Day.

Kung ang hanap mo ay isang exciting at unusual date na easy on the budget, puwede ninyong puntahan ang bagong bukas na dungeons ng Intramuros.

Sa halagang PHP75, maaari ninyong ikutin ang dungeons ng Baluarte de Santa Barbara sa Fort Santiago, Intramuros, Manila mula 2 p.m. hanggang 11 p.m.

Para sa mga bata, estudyante, persons with disabilities, at senior citizens, PHP50 ang entrance fee.

Ang Fort Santiago ay isa sa mga notable historical sites sa loob ng Intramuros, na tinatawag ring "Manila's Walled City."

Ayon sa Philippine Information Agency, between 1589 at 1592 nang itinayo ito ng mga Espanyol bilang "formidable symbol of Spanish power in the orient."

Ito rin ay nagsilbing military headquarters hindi lamang ng mga Espanyol, kung di pati na rin ng iba pang dayuhang sumakop sa ating bansa: the British (1762 to 1764), the Americans (1898 to 1946), and the Japanese (1942 to 1945).

Continue reading below ↓

Nasabing binabalutan ng katatakutan ang dungeons sa Baluarte de Santa Barbara dahil dito ikinulong ng mga Hapon ang mga resistance fighters at political prisoners noong World War II.

Heto ang iyong mga makikita sa lugar, ayon sa Intramuros Administration Facebook page:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Pagkatapos ninyong pasukin ang dungeons ng Baluarte de Santa Barbara, maaari ring libutin ang iba't-ibang historic at mailaw na lugar sa Fort Santiago o Intramuros.

Kumakailan lang ay ginawa ito ng celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ibinahagi ni Kathryn ang kanilang old Manila-inspired "impromptu date" noong December 23, 2019.

Continue reading below ↓

Mayroong malalawak na walkways ang Fort Santiago kung saan maaari kayong mag-HHWW o "holding hands while walking" ng iyong ka-date.

Continue reading below ↓

Two-minute walk lang mula Fort Santiago ang Plaza Moriones. Dito makakakita ng scenic view ng Manila Cathedral, ang kauna-unahang cathedral sa Pilipinas.

Mula sa Plaza Moriones, puwede rin ninyong puntahan ang President's Gallery sa Sta. Lucia Street.

Continue reading below ↓

Ang mga tourist spots na ito ay itinayo bilang bahagi ng "Intramuros Revival Project" na sinimulang isagawa ng Department of Tourism at Intramuros Administration noong taong 2016.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For just PHP75, you can now enter the dark dungeons of Baluarte de Santa Barbara or stroll around Plaza Moriones in Intramuros until 11 P.M. daily.
PHOTO/S: Intramuros Administration on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results