Filipinos cannot travel to these countries amid COVID-19 outbreak

by Justine Punzalan
Mar 9, 2020
Qatar, Kuwait, and Saudi Arabia are among the countries imposing a travel ban on Filipinos amid increased cases of COVID-19 in the country.
PHOTO/S: FREEPIK

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) as of 4:46 p.m. today, March 9, 2020, na nasa 20 na ang confirmed cases ng 2019 Novel Coronavirus (COVID-19) sa Pilipinas.

Para mapigilan ang patuloy na paglaganap ng dreaded disease na ito, may ilang bansa na ang nagpatupad ng temporary travel ban sa mga travelers na manggagaling sa Pilipinas papunta sa kanilang bansa.

Heto ang listahan ng mga bansang may temporary travel ban.

ISRAEl AND PALESTINE

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), mainam na isuspinde muna ng mga Pinoy travelers ang kanilang biyahe papuntang Israel o Palestine.

"...the Palestinian Authority has decided to temporarily ban the entry of all tourists into the West Bank, including Bethlehem and Jericho."

Bukod pa rito, pansamantalang ipinagbabawal rin nila ang pagbiyahe papuntang Bethlehem mula Israel.

KUWAIT, BANGLADESH, EGYPT, INDIA, LEBABON, SRI LANKA, syria

Ayon sa DFA, nagsimula ang effectivity period ng travel ban ng mga bansang ito "one week starting 06 March 2020."

Continue reading below ↓

QATAR

Bukod sa mga Pinoy na may tourist visa, ipinagbabawal rin ng Qatar na pumasok ng kanilang bansa ang mga biyaherong may work permits, temporary visa, at visa upon arrival simula March 9, 2020.

SAUDI ARABIA

Bukod sa tourist visa holders, pansamantalang ipinagbabawal rin ng Kingdom of Saudi Arabia ang mga biyaherong mayroong visa para sa Umrah o Islamic pilgrimage to Mecca.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Samantala, ang mga Pilipinong lilipad ng Saudi Arabia for purposes of employment, business, and family visits will be granted entry into the country, ayon sa DFA.

Bukod sa mga bansang ito, ipinagbabawal rin ang pagpasok ng mga Pinoy sa Cook Islands, Nepal, Fiji, at Seychelles.

Continue reading below ↓

UNIVERSAL PRECAUTION AGAINST COVID-19

Patuloy naman ang DOH sa pagpapaalala sa bawat Pilipino na umiwas sa COVID-19 sa pamamagitan ng mga susumunod na safety measures:

  1. Magtakip ng ilong at bibig gamit ang tissue o panyo o kahit anong pantakip kapag umuubo.
  2. Ugaliing maghugas ng kamay for at least 20 seconds gamit ang tubig at sabon o sanitizer na may 70 percent alchohol.
  3. Iwasan ang direct contact sa mga taong may flu-like symptoms.
  4. Iwasan rin ang pagbiyahe sa mga lugar with known COVID-19 cases.
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Qatar, Kuwait, and Saudi Arabia are among the countries imposing a travel ban on Filipinos amid increased cases of COVID-19 in the country.
PHOTO/S: FREEPIK
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results