Baguio City drops tourism activities to protect city from COVID-19 

Mar 10, 2020
The local government of Baguio City announced on Monday, March 9, 2020, that it has cancelled the Panagbenga Flower Festival to protect the city against the COVID-19 epidemic.
PHOTO/S: EDDXER VALENZUELA / BAGUIO FLOWER FESTIVAL FOUNDATION INC. ON FACEBOOK

Kilala ang Baguio City as the "Summer Capital of the Philippines" kung saan hindi lamang palaging presko ang hangin, puno rin ang lugar ng makukulay na tourist activities and attractions.

Ngayong Lunes, March 9, 2020, inanunsyo ng Baguio City local government sa Facebook account nito na kakanselahin na ang ilang activities upang maiwasan ang tuluyang paglaganap ng 2019 Novel Coronavirus (COVID-19) sa Pilipinas.

Unang-una sa listahan ay ang Panagbenga 2020 events.

Ang Panagbenga ay ang sikat na month-long flower festival na kadalasang ipinagdiriwang sa City of Pines simula February 1 ng bawat taon.

Dahil sa COVID-19 outbreak, unang napagdesisyunan ng Baguio Flower Festival Foundation na i-postpone ang festivities from February 1 to March 21.

Ngayon, ito ay tuluyang kinansela na, ayon sa utos ni Mayor Benjie Magalong at ng Baguio City Inter-agency Task Force on COVID-19.

Kasama sa kanseladong events ng Panagbenga ang Grand Street Parade sa March 28, Grand Float Parade sa March 29, at Session Road in Bloom na dapat sana ay mula March 30 - April 5.

Continue reading below ↓

Isinuspinde rin ng Baguio City ang Cordillera Administrative Region Athletic Association (CARAA) meet na dapat ay gaganapin sa huling linggo ng Marso.

Bukod pa rito, pansamantalang isasara rin ang Night Market sa Harrison Road ng 14 days simula March 10.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hindi rin muna itutuloy ang Sunday Pedestrianization at ibang art activities na dapat ay gaganapin March 2 - 7 sa Session Road.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The local government of Baguio City announced on Monday, March 9, 2020, that it has cancelled the Panagbenga Flower Festival to protect the city against the COVID-19 epidemic.
PHOTO/S: EDDXER VALENZUELA / BAGUIO FLOWER FESTIVAL FOUNDATION INC. ON FACEBOOK
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results