From his Pasay City condo, netizen photographs windmills of Pililla, Rizal  

Apr 15, 2020
Skies are turning bright blue while Luzon is on quarantine. Donald Pancho caught this view of a lovely wind farm in Pililla, Rizal, on his camera which was poised in his residence in Pasay City.
PHOTO/S: DONALD PANCHO

May litrato tayo ng windmills ng Rizal Wind Farm na ang ganda-ganda.

Ang windmills ay nasa bayan ng Pililla, Rizal—at ang nakamamangha rito ay kinunan ang mga ito mula sa Pasay City, Metro Manila.

Litrato ni Donald Pancho, ang wind turbines ay kinunan niya mula sa kanilang condominium sa F.B. Harrison Street, Pasay City, na humigit-kumulang ay 50 kilometro ang layo sa Pililla.

Ini-upload ni Donald ang litrato sa kanyang Facebook account na "Samuel Andre C. Mcdonald" noong April 1, 2020.

Sabi sa kanyang caption: "COVID-19 Metro Manila lockdown Day 18.

"The air or atmosphere is so clean today—no smog, no air pollution.

"From the rooftop of our place in Pasay City, I can see a part of the Pililla Windmill Farm in Rizal province, which is roughly 50+ kilometers away."

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Marami man ang na-impress dito, may ilan ring nagduda kung edited ang litrato dahil masyado raw malayo ang Pasay sa Pilillan.

Pero pinatunayan ni Donald, sa interview niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong April 14, via Facebook Messenger, na tunay ang kuha niya sa rare view ng windmills.

Idinetalye ng 56-year-old photographer ang pagkakakuha niya ng shots: "The mountain range is visible from our place, but the windmills, before the lockdown, is not so visible, so hindi ko pinapansin.

"Weeks after the lockdown, naging visible na siya with the naked eye, so I got interested and decided to take a shot.

"It turned out good."

Dagdag niya, "I used 70-300 mm Nikkor DSLR camera lens attached to a D7500 Nikon camera."

Continue reading below ↓

Sa malapitan, ang bawat isa sa 27 wind turbines ng Rizal Wind Farm ay kasing tangkad ng isang 33-story building—yun nga lang, mga mountains ang nasa backdrop.

Matatagpuan ang mga ito sa barangay Halaybayin sa Pilillia, at maaring madaanan kapag ika'y nanggaling ng Laguna o nagawi sa Tanay.

Continue reading below ↓

Ang 60-hectare property ay dinivelop ng Alternergy Philippine Holdings Corporation noong 2005.

Sa report ng PhilStar noong 2016, ibinigay ni Alternergy Chairman and Former Energy Secretary Vince Perez ang history ng mga turbines.

Ang mga ito raw ay dapat itinayo sa pamosong Bangui Wind Farm sa Ilocos Norte.

Pero inilipat nila ang construction site sa Rizal "due to transmission congestion in northern Luzon."

Continue reading below ↓

Ang proyektong Rizal Wind Farm ay nagkakahalaga ng 145 million USD, kaya masasabing isa ito sa pinakamalaking investments ng probinsiya ng Rizal.

Bandang huli, masasabi nating ang nagawa ni Donald Pancho ay bigyan tayo ng pagkakataong ikatuwa rin ang isang hindi karaniwang nakikita noong panahon maingay at magulo ang kapaligiran.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Skies are turning bright blue while Luzon is on quarantine. Donald Pancho caught this view of a lovely wind farm in Pililla, Rizal, on his camera which was poised in his residence in Pasay City.
PHOTO/S: DONALD PANCHO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results