Ikinatuwa ng netizens sa iba't-ibang panig ng mundo ang ginawang ten-minute light show ng South Korean government nitong Sabado ng gabi, June 4, 2020.
Three hundred drones ang kanilang ginamit para magbigay ng uplifting messages sa taas ng Han River sa Seoul, ang capital ng South Korea.
Gamit ang unmanned aircraft systems na ito, pinaalahanan ang lahat na sundin ang proper safety measures laban sa COVID-19.
Una, bumuo ng isang malaking mask na animo'y napapalibutan ng virus sa himpapawid.
Pagkatapos ay nag-transform ito bilang babae at lalaking nagpa-practice ng social distancing, at saka dalawang kamay na tinutuluan ng water droplets.
Ginamit rin ng South Korean government ang light show upang pasalamatan at palakasin ang loob ng kanilang frontliners at citizens sa gitna ng pandemya.
Mababasa ang mensaheng "Thanks to you" sa tabi ng isang malaking puso kasunod ng "Cheer up, Republic of Korea."
Ayon rin sa Ministry of Land, Infastructure, and Transport ng South Korea, sadyang hindi nila inanunsiyo sa publiko ang event na ito upang mapanatili ang pagsunod sa patakaran ng social distancing.
Mapapanood ang ilang parte ng light show mula sa video na ini-upload ng AFP News Agency sa YouTube.
Bukod sa South Korea, gumawa rin ng drone light show ang Spain noong June 26.
Gumamit sila ng 40 drones na bumuo ng ilang simbolong may kaugnayan sa COVID-19, sa itaas ng Puerta del Ángel, isang komunidad sa Madrid.
Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!