Cebu's Brgy. Bojo in Aloguinsan, kinilalang Best Tourism Village

by KC Cordero
Dec 11, 2021
The 1.4 kilometers Bojo River
Isang testamento ang Brgy. Bojo sa Aloguinsan, Cebu, sa pagsisikap ng Pilipinas na magkaroon ng responsable at sustainable na tourism industry.

Nakamit ng Brgy. Bojo sa Aloguinsan, Cebu, ang Best Tourism Village Award mula sa United Nations World Tourism Organization (UNWTO).

Inihayag ng Department of Tourism ang magandang balita noong December 4, 2021.

The 1.4 kilometers Bojo River

Pinuri ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat ang "remarkable work" ng local community sa Bojo, maging ang Bojo Aloguinsan Ecotourism Association (BAETAS) na katuwang ang local government unit ng Aloguinsan.

Continue reading below ↓

Ani Puyat, "A local destination being inducted into the UNWTO Best Tourism Villages Program on its pilot year is a testament to the Philippines' commitment to sustainable tourism development from the national level down to the grassroots.”

Dagdag pa niya, "The wealth of our natural resources and unmatched hospitality remains our key strength as we strive for the reopening of the industry to international travelers anchored on the principle of safe and sustainable tourism."

Sina Tourism Officer-in-Charge-Undersecretary Verna Buensuceso at Philippine Ambassador to Spain Philippe Jones Lhuiller ang tumanggap ng award sa Madrid noong December 2.

PATOK ANG BOJO RIVER ECO-CULTURAL TOUR

Sa pilot initiative ng UNWTO, kinilala ang 44 villages mula sa 32 bansa na namumukod-tangi ang natural and cultural resources, gayundin ang kanilang makabago at napapanahong aksiyon at pagsisikap para sa tourism development.

Ang programa ng UNWTO ay inilunsad para isulong ang papel ng tourism bilang mekanismo sa rural development—na naglalayong pahalagahan at protektahan ang mga rural villages.

Continue reading below ↓

Sikat ang Bojo dahil sa ilog nito na may habang 1.4 kilometers, burol, underwater natural resources, mangroves, mga ibon, at wildlife.

The 1.4 kilometers Bojo River

Ang Bojo River Eco-Cultural Tour ang pinakasentro ng turismo at pinamamahalaan ng BAETAS.

Nagtataguyod ang BAETAS ng eco-cultural river tour kasama na ang lecture tungkol sa mangrove ecology, wildlife, at mga ibon.

Continue reading below ↓

Ang kanilang kinikita ay hinahati para sa kanilang local government, community fund, at barangay fund.

Doon din kinukuha ang pasuweldo at pambayad sa kanilang mga suppliers.

Noong 2016, 2017 at 2018 ay itinuring na Green Destination ang Bojo River Eco-Cultural Tour na kabilang sa Top 100 Global Sustainable Destinations, isang non-profit organization for sustainable destination development and recognition na nakabase sa Netherlands.

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang testamento ang Brgy. Bojo sa Aloguinsan, Cebu, sa pagsisikap ng Pilipinas na magkaroon ng responsable at sustainable na tourism industry.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results